KABANATA I

3806 Words
ᴬᴷᴼ ᴬᵀ ᴬᴺᴳ ᴳᴼᴮᴱᴿᴺᴬᴰᴼᴿ ᴴᴱᴺᴱᴿᴬᴸ  Aᴋᴅᴀ ɴɪ Mᴀᴋᴀᴛᴀɴɢ Hᴀɴɢᴀʟ  † Kᴀʙᴀɴᴀᴛᴀ 1 † • Sɪ Sᴏᴘʜɪᴀ ᴀᴛ ᴀɴɢ Lɪʙʀᴏ • – Sophia's POV – "Girl, ang boba mo! Nasaan ba ang brain mo? Nasa ulo mo o nasa sûsó mo?" Nakangiwi kong reply sa post ng sikat na artista sa Twitter. Beep* "@phia maka bash ka naman. Gan'yan na ba mga grade 11 ngayon? Inuuna pa ang mag-tweet kesa mag-aral?" Napataas ako ng kilay sa nabasa ko. Aba't babaeng 'to! Muka ba akong grade 11?! Hampasin ko kaya s'ya ng cotton buds? 3rd year college na ako! 3rd year! "@bish Hoy! Isa ka pa! Pareho kayo ng idol mong mula ulo mukang paa! 3rd year na ako! Boba ka ba? Sampalin kita ng ID. Bet mo?" Nakataas ang kilay kong reply. Beep* "@phia 3rd year? What school? your uniform seems familiar and even you. Shocks! Wait! Don't tell me, ikaw 'yung viral girl? Yeah, ikaw nga! the viral idiot poetic girl." Shocks! nakilala n'ya ba ako?  Arg! Dapat kasi dummy account ang ginamit ko. Waaah! No way! Saka ang tagal na n'un! Paano n'ya nalaman? Beep* @bish tagged you in a reply.  I felt my jaw dropped abruptly when I saw the video she replied. 'Teka, Sa'n n'ya nahalungkat 'to? Pinadelete ko na 'to sa mga IT ni daddy!' Napa lip bite na lang ako ng wala sa oras. Beep* @phia HAHAHAHAHA. Is it you right? 'Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang tahong.' Hahahahah! Tahong ka girl? Kaka taehyung mo 'yan. Aral muna bago kpop ha? Palibhasa puro anyeong nasa twitter mo. BOBÓ!" Wtf? For real? Bakit isda din naman ang tahong ah! Teka, isda nga ba? Aish. Whatever! 'Di ko maalala! saka ano naman kung puro ako anyeong? Bakit ginagamit din naman 'yon dito sa pinas 'diba? Annyeong lupa, annyeong dagat. "Hays. Walang utak!" Bulong ko. Nakakainis naman kasi ang dulaan na 'to, bakit sinali pa ako ni daddy d'un. Kung hindi lang para sa ticket ng BTS di ko papatusin 'yon. "@bish Maka bobo ka ah! Matalino ka ba? Related ka ba kay Rizal? Ako oo! Gusto mo Pa-sampal kita sa lahat ng ninuno ko. Bet mo?" Gigil na gigil kong reply. "@bish Cancelledt kana! Cancelledt!" Pahabol ko pa. Hinahighblood n'ya ako eh. Pero, totoo naman 'yung sinabi ko. Ancestor ko si Jose Rizal. Kaya nga naging historian si Daddy eh. Nag-aantay ako ng reply ni @bish nang maramdaman kong may kumalabit sa 'kin. "Tss. Shu away!" Walang lingon kong sambit habang nakangalumbaba at mariing nakatingin sa screen ng phone ko. Ilang minuto pa'y naramdaman ko na naman 'yung pangangalabit n'ya. "Ano ba?! Bakit ka ba kalabit ng kalabit! KALABIT-PINGE KA BA? HA?! NAKAKAI--" Napahawak ako bigla sa bibig ko. "G-Good morning po Ms. Mendoza," napangiwi ako ng marealized kong si Mrs. Mendoza pala 'yung nasa harap ko. Kaloka! Kailan pa s'ya nanj'an? "I think, you are not even aware that we have been lecturing for almost 30 minutes here, Ms. Alonso," mataray at nakakatakot nitong saad na nag-payuko sa 'kin "Sorry miss, pero naiintindihan ko naman po 'yung equation," nakayuko ko pa ring sagot na s'ya namang naging dahilan para tumawa lahat ng ka-klase ko sa room. Mga hangal. Nakakatawa 'yon? "E-equations?" Nakataas ang kilay at hindi makapaniwalang tanong nito sa 'kin at para bang magiging si hulk s'ya ano mang oras. Napatitig ako sa kan'ya. 'Owww fvck!' muntikan ng lumabas sa bibig ko.  Napalip bite na lang ako sabay pikit ng mata nang marealized kong si Mrs. Ramirez pala ang college algebra prof namin. Wtf Sophia! Anong kashunghan 'yung sinabi mo? Cancelledt kana din. Cancelledt! Laki mong bobo! "Sorry po Miss, history po 'yung tinutukoy ko. Sorry po," halos di makatingin kong sambit. "Walang equation sa History, naiintindihan mo! At Alam mo ba kung anong topic namin ngay—" Oh mam ma My Oh mam ma My I've Waited All My Life ne jon bu ram ke ha go ship po Oh mam ma My Oh mam ma My Looking For Something Right i je jo gu mun nak al ges so Wtf? Waaaah! Agad kong pinatay 'yung tawag at dahan dahan akong nag-angat ng ulo para makita ang reaction ni Mrs. Mendoza ngunit hindi ko na tinuloy. Nakakashukot! Mygosh! Kaloka naman kasi 'tong BTS na 'to,  Ngayon pa nag o my my my! Bakit ngayon pa?! mga oppa, traydor! "Hand me your phone." "Miss?" "I said, hand me your phone!" Agad ko namang kinuha sa bulsa ko 'yung phone ko at inabot 'to sa kan'ya. Baka mamaya ma HB pa s'ya tapos ma-deads. Kasalanan ko pa. Waah! No way! "You are one week absent, aren't you?" Biglang tanong nito sa 'kin, "why?" Dugtong n'ya pa. "Ano po kasi, kwan. nag-concert po kasi dito 'yung BTS kaya ginrab ko po 'yung opportunity na makapunta," nahihiyang kong tugon.  Nag-tawanan naman mga ka-klase kong mga hangal na inirapan ko lang. Tawa na lang kayo mga hangal. Mga pulubi. Tampalin ko kayo ng lightstick ng BTS eh! "You have the courage not to go in a class for a week and then you still have guts not to listen to my lecture even just for an hour? Who the hell do you think you are!?" Sigaw ni miss na nagpaigtad sa 'kin. Sasagot na sana ako nang bigla s'yang may nilapag sa desk ko. Parang libro o novel. Hindi ko alam. "We are discussing the incoming role-playing that schedule to play this coming week Ms. Alonso And you will be the one who gonna act as the female protagonist of the novel," tila kalmado pero bakas pa din ang pagkainis na tugon nito. Mag na-nod na sana ako nang bigla akong may narealized. Wait, play? She means, aarte sa harap ng maraming tao?! Means? waaaah! No! Hindi pa nga din ako nakakabangon sa kahihiyan na nangyari sa 'kin noon sa dulaan tapos  Haharap na naman ako sa madaming tao ngayon? Ano na lang matitira sa dignidad ko? Ano na lang maihaharap ko kay taehyung Oppa! No way! "No miss! Ayoko po!" Taas noo kong sagot na s'ya namang nagpataas agad ng kilay nito. "It's Your dad request. If ako lang, ayoko din sa'yo. Dahil isa ka lang sa mga filipinong nag palamon na ng buo sa kultura at lengwahe ng ibang bansa. Kaya kung ako ang tatanungin. wala kang karapatan na mag portray ng isang historical novel dahil mas masahol ka pa sa malansang isda sa pagmamahal mo sa kultura ng iba kesa sa sarili mong wika!" Napataas ako ng kilay sa sinabi n'ya.  Aba't sumusobra na s'ya ah! Masampulan nga 'tong tanders na 'to.  (Pakiusap, 'wag tularan si Sophia.) Nag-angat ako ng ulo at mariin s'yang tinitigan sa mata. "As if I care? My life, My Rule! Ok? I don't need your opinion so keep it with yourself!" Pagkasabi ko n'un ay kinuha ko na ang bag ko at sa 'di malamang dahilan, dinampot ko din 'yung libro na nilapag n'ya at nilagpasan na s'ya. Lalabas na sana ako ng room ng lumapit ako ulit sa kan'ya. "Excuse me, that's my phone," nakataas ang kilay kong sambit sabay hablot ng phone ko kay miss Mendoza na mukang aatakehin na sa puso dahil sa sobrang galit sa 'kin. Well, who cares. Pinahiya n'ya ako! Inirapan ko muna lahat ng tao sa room bago ako tuluyang lumabas. Eww. mga malalansang frog. Babush! Pagkalabas ko pa lang ng room tinignan ko agad kung sino 'yung tumawag sa 'kin. "Hello jel, boba ka! Bakit ka tumawag, may klase pa kami! Pahamak ka talaga no?" Sambit ko agad ng sinagot n'ya ang tawag ko. "Haha! girl, stop pretending. Alam naman natin na hindi ka nakikinig at for sure nag walk-out kana naman sa history class nyo." Aba! ang lukaret na 'to. 'Manghuhula ba s'ya?' "Nasaan ka ba?" Mataray kong tanong "Nasa canteen. HAHAHAHAHA!" Psh. Sabi na. "Makatawa. Happy ka girl? Nauna ka pa pala sa 'kin mag cutting. Lande ka! Hintayin mo ako jan!" Pagkasabi ko n'un ay pinatay ko na ang tawag at pumunta agad ng cafeteria. [ Cafeteria ] "So, ano ngang nangyari madam?" Tanong n'ya habang kumakain at nag-bbrowse ng phone. Sasagot na sana ako ng biglang may humintong tatlong lalaki sa harapan namin."Hi, Sophia. I'm Ian. I just want to ask if we can join you here?" Nakangiting tanong sa 'kin ng isa sa mga lalaking nasa harapan namin. Napatitig ako sa kan'ya. Gwapo naman s'ya pero hindi s'ya ang tipo ko. Alam n'yo na siguro kung bakit. Tinaasan ko s'ya ng kilay. "No. Shu!" 'yon lang ang sinabi ko at inirapan ko s'ya. "Ay, haha! Sorry guys, nakagat kasi ng aso si Sophia, mga one week na at hindi pa rin s'ya natuturukan ng anti-rabies. Balik na lang kayo some other time," nakangiwing sambit ni Jel. Anong nakagat ng aso? Aish! Whatever! "Okay, we understand. See you around Sophia," sambit nito na Hindi ko naman pinansin. "Ano ka ba?! Ball captain 'yon ng Basketball team. Bakit mo ginanun?" Pagtataray n'ya. "Ball captain or referee wala akong pake! Mabuti ba kung may pagka chinito or kutis labanos man lang sana s'ya kasu hindi! Cancelledt!" "Puro ka chinito, mestiso Blah blah blah! Makahanap ka lang ng filipinong magpapaiyak sa'yo, ewan ko na lang." "As if, kahit bumalik pa ako sa panahon ng mga kastila. No way!" "Ewan ko sa'yo, girl! patawas kana nga at ano ba kasi 'yang pinuputok ng butsi mo?" Napakunot ako ng noo. "Si Miss Mendoza kasi girl, nakakaloka! Pinahiya ako sa klase! Sabihin ba naman na wala akong karapatan na mag portray ng Historical Novel at mas masahol pa daw ako sa malansang isda? Bakit malangsa ba ako? araw araw ako naliligo no! S'ya nga, ang asim na amoy luma pa. Nagrereklamo ba ako? At saka Sino ba s'ya para sabihin sa 'kin ang mga 'yon? Jowa ba s'ya ni Rizal? Nanay ba s'ya ni Andres Bonifacio? Kasama ba s'ya sa mga gorilla na nakipaglaban noon?" Gigil na gigil kong paliwanag. "Chill ka lang girl, at Guerilla 'yon hindi Gorilla. Bobo ka talaga. Be thankful, maganda ka," wika n'ya habang nag-bbrowse ulit ng phone. "Anong bobo? Nag-hahybernate lang 'yung iba kung braincell no. Maka bobo ka naman." "So, ano 'yang dala mo?" Turo n'ya sa libro na hawak ko. Ah right, ito 'yung history book na inabot sa'kin ni Miss Mendoza kanina. "Ito 'yung novel na ipoportray namin sa play," tugon ko. "Bakit mo dinala? Kala ko ba, hate mo  Ang history? Saka 'di ba, di kapa nakakaahon mula sa kahihiyan mo last time sa dulaan. Right, Ms. Tahong?" Tanong n'ya sabay smirk. Sabunutan ko kaya s'ya? Pero tama naman s'ya. Bakit ko nga ba dinala ang librong 'to? Napatitig ako ng ilang segundo sa libro. Bakas na ang kalumaan nito ngunit maayos pa din naman kung titignan. "ᴬᴷᴼ ᴬᵀ ᴬᴺᴳ ᴳᴼᴮᴱᴿᴺᴬᴰᴼᴿ ᴴᴱᴺᴱᴿᴬᴸ" ~ . ~ M.H? ano ba 'yan?! Ang bantot ng pangalan ng author at "ako at ang Gobernador Heneral?" Ano ba 'to? historical love story? Ayos din 'to si Mrs. Mendoza, Mashunda na pero gusto pa kiligin. Mabuti ba kung "ako at ang Oppa" pamagat nito baka ganahan pa ako. Lol "So, what's your plan?" Napatingin ako kay Jel. "You'll gonna join or Ditch it?" Naka smirk n'ya pang tanong. Tinatanong pa ba 'yan? Ako, si Sophia Shaina Alonso. Pinahiya n'ya? Napa evil smile na lang ako. Girl, pilik mata lang n'ya lang ang walang ganti! "OF COURSE, DITCH IT, GIRL!" Nakangisi kong sambit - Makalipas Ang Isang Lingo - "SOPHIA! SOPHIA!" mula sa pagkakahiga ko ay napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang boses ni daddy habang kumakatok sa kwarto ko. Napaigtad ako nang pagbukas na pagbukas ko pa lang ng kwarto ay mabilis n'ya akong sinampal. "Pinalaki ba kitang gan'yan, Anak? Pinalaki ba kitang walang moral? Walang desiplina? Walang galang?! Sumagot ka!" Sigaw n'ya na halos dumagundong sa loob ng kwarto ko. Napahawak ako sa pisnge ko bigla. Don't tell me alam n'ya na? "Binigay ko sa'yo lahat anak, luho mo, mga gusto mo. Kahit ayaw ko, pikit mata kong ibinibigay sa'yo! Anong bang problema mo?!" Napayuko ako sa sinabi n'ya. "At isa pa, 'yung sa role play, ako mismo ang nag suhestyon kay Mrs. Mendoza na ikaw ang maging lead role para sa MARIA CLARA pero anong ginawa mo? Hindi ka umattend ng rehearsal! Alam mo ba kung kelan 'yung play? Ngayon na! Ngayon!" Nang-gigigil pa nitong saad "Pero ayokong sumali sa p—" "Pumunta ka sa university n'yo ngayon din at gawin mo ang lahat para makahabol ka. Dahil kung hindi, patawarin ako ng Diyos pero palalayasin talaga kita! Isa kang malaking kahihiyan!" Pagkasabi n'ya n'un ay tuluyan na s'yang lumabas ng kwarto ko. Nakuyom ko ang kamay ko sa sobrang galit. Bwiset na Mrs. Mendoza na 'yon!  Sa buong buhay ko ngayon lang ako nasampal ni daddy! How dare her para isumbong ako? Para lang sa play huh? Gusto n'ya mapahiya. K, fine! Cancelledt na s'ya! Cancelledt! Mabilis akong nag-ayos at pumunta ng University para makita si Mrs. Mendoza. Pagdating sa university Agad akong pumunta ng backstage ng auditorium at hinanap si Mrs. Mendoza. "Sophia, anong oras na? Magsisimula na 'yung play. Magbihis ka na!" hihilahin n'ya na sana 'yung kamay ko pero agad akong lumayo. "Iwan mo na lang sa fitting room 'yung susuotin ko, ok? Kakausapin ko pa si Mrs. Mendoza," sambit ko saka ko s'ya nilagpasan. "Anong ginagawa mo dito Ms. Alonso?" Bungad nito sa 'kin ng maabutan ko s'ya sa backstage ng mag-isa habang nakayuko at tila ba may dinaramdam. "Alam n'yo, pinalaki akong may galang ng daddy ko, pero hindi ibig sabihin n'un ay gagalangin ko na ang kahit sino lalo na kung hindi naman kagalang-galang sa paningin ko," natawa s'ya ng bahagya sa sinabi ko. "Tuluyan na ngang binago ng panahon at ng impluwensya ng ibang bansa ang pananaw mo, Sophia,"  seryoso at diretsong tugon nito sa 'kin. Psh. Seryoso ba s'ya? Ano bang pinagsasabi n'ya? "Yeah, at kahit anong sabihin nin'yo. Hindi n'yo na mababago ang pananaw ko! And hell, nasa 21st century na tayo! Anong problema sa pag-aadopt ng kultura ng iba? Kailangan natin mag-evolved. Kailangan natin mag-grow! History is just history and it will remain history! Let's Move on!" Pagtataray ko pa sa kan'ya na s'ya namang nagpatulala sa kan'ya. "Sophia, Paano mo nasasabi ang mga gan'yang bagay gayong isa kang filipino?!" Saad n'ya pagkaway napahawak s'ya sa dibdib n'ya na hindi ko naman pinansin. "I told you before Mrs. Mendoza, My life, My rule!" Pagkasabi ko n'un ay tumalikod na ako sa kan'ya. Akmang hahakbang na sana ako ng bigla s'yang nagsalita ulit. "Sophia Shaina Alonso, isinusumpa ko, bago ako malagutan ng hininga.  Babawiin at pagsisisihan mo ang lahat nang winika mo ngayong araw!" hindi ko alam pero bigla akong kinilabutan. Tila ba nag-iba ang ihip ng hangin at biglang nag iba ang awra ng paligid. Haharap sana ako sa kan'ya nang marinig kong bumagsak s'ya sa sahig kaya nanigas ako sa kinatatayuan ko. Shocks! Deads naba 'sya? Waaah! No. Ayoko maging murderer, pupunta pa akong korea no!' agad akong tumakbo palabas ng kwartong 'yon at hinayaan si Mrs. Mendoza. Teka, baka naman hinimatay lang s'ya? okay, fine. Iitutuloy ko na lang 'tong play na 'to. Pampalubag loob para 'pag nagising s'ya, 'di na s'ya magalit at isumbong ako kay daddy. Gosh! Ano ba kasi ginawa mo, Sophia? Bobo ka lang, hindi ka mamamatay tao! okay? Papunta na ako sa fitting room nang may napansin akong tarp na nakapaskil sa dingding. "Maria Clara 2020 Role Play."  Nabasa ko dito.  "Wait. Maria Clara?" Bulong ko. Nakatayo lang ako ng maalala ko 'yung sinabi sa 'kin ni daddy kanina. Malinaw na MARIA CLARA din 'yung binanggit n'ya. Kung ganun, ano 'yung librong ibinigay sa 'kin ni Mrs. Mendoza mga one week ago na? "ako at ang Gobernador-Heneral" pa nga ang title n'un pagkakaalala ko. Weird. Baka namali ng librong naibigay sa akin si miss, na imbes na libro ng maria clara ibigay nya, 'yung paboritong nobela nya pa 'yung naabot nya. Kaloka! Napailing na lang ako. Pagpasok ka ng fitting room nakita ko agad 'yung Baro't Saya na susuotin ko.  Napatitig ako ng ilang sandali dahil sobrang ganda nito. Kulay puti ang pang itaas nito at pink naman ang pang ibaba nito na may burda pa ng mga bulaklak. Bonga naman pala nito eh. Mabilis ko itong sinuot pagkaway pinagmasdan ko muna ang sarili ko bago ako lumabas ng fitting room. Nakalugay lang ang itim at mahaba kong buhok at wala naman akong suot na make up. Simple kung titignan pero pakak! Kung titignan nga ay muka akong filipina sa sinaunang panahon pero with modern touch dahil maputi ako. Alagang glutha 'to bes. Haha! Charot.  Anyway, makalabas na nga.  Dami ko kuda eh. Palabas na sana ako ng fitting room nang bigla akong nahilo. Tumingin ako sa paligid pero napapikit din ako agad. Tila ba umiikot ang buong paligid ko. "Shocks Sophia. Bakit nahihilo ka? Buntis ka ba? Gaga! Wala ka ngang jowa!" napahinto ako, "Pero anong nayayari?" Kahit nahihilo ay nagawa kong hawiin ang kurtina sa fitting room.  Napatakip ako ng mga mata ko dahil sa sobrang liwanag na sumambulat sa 'kin sa labas ng fitting room Wtf na lighting 'to sobrang lakas!  Akala ko ba Spanish era ang setting ng play na 'to eh bakit parang langit ang datingan ng lights dito? Kaloka talaga! Bahagyang nakaharang pa din ang isa kong kamay sa mata ko nang may maaninag akong tatlong taong nakatayo sa harapan ko. "cógelo! ( Dakpin s'ya!)" What? Ano daw? Co-co? Conyelo? Nahihilo pa din ako nang bigla akong hawakan ng dalawang lalaki sa magkabilaan kong braso. Napamaang na lang ako nang mapatitig ako sa mga itsura nila. Wait, Ano bang tawag sa suot nila?  Ah! Tama. Uninform ng mga gwardya ano, kwan, Gwardya waaah! 'di 'ko maalala! Basta uniform ng mga pulis nung panahon ng mga kastila.' (Gwardya sibil) "Wait. Ano ba!? Makahawak naman kayo sa braso ko! Alam kong excited tayong lahat dito. I mean kayo lang pala dahil napilitan lang ako dito. Pero pwede mamaya na kayo umacting 'pag nasa stage na tayo?" Hahablutin ko na sana 'yung braso ko pero lalo pa nilang diniinan ang pag-kakahawak sa 'kin. "Tienes que acompañarnos seniorita, ordenó el alcalde mayor" ( kailangan nyong sumama sa amin señiorita, utos ng alcalde mayor.) Sambit ng parang leader nila. 'Ha? Ano daw? Señiorita at Mayor lang ang naintindihan ko sa sinabi nya. Masyado namang in-character ang isang 'to. Career kung career! Kaloka!' "Pwede ba? Mamaya kana mag spanish. Hindi kita maintindihan! Leshe! Sampalin kita eh," napakunot lang s'ya ng noo sa sinabi ko. "Llévalo al alcalde ahora mismo! (dalhin sya sa alkalde mayor ngayon din!) Biglang sigaw n'ya na s'ya namang naging hudyat para kaladkarin ako ng dalawang gwardya na nakahawak sa 'kin. "Teka, Ano ba! Saan n'yo ba ako dadalhin? At saka hindi ja'n ang stage. Nandito sa kana--" Napahinto sa pagsasalita nang makita kong iba na ang itsura ng auditorium. Teka, pagkakatanda ko nandito 'yung pinto kanina. Bakit biglang nawala? Napatingin ako sa paligid.  Nagmistula itong sinauna dahil sa ayos. Wait! Ang bilis naman nila mag-ayos? Pati backstage, binago nila. Wow. Mukang nag-effort talaga sila dahil mukang totoo ang lahat. Mukang nasa Spanish era talaga ako! Napatakip ako ulit ng mata ng sa wakas ay nasa labas na kami. "Wait! Wtf?!" Halos malaglag ang panga ko sa mga nasilayan ko pagkalabas namin ng building. 'Yung kalsada, 'yung mga istraktura, 'yung mga tao. Bakit gan'to? Bakit lahat sila in-character?! Napatingin ako sa pinaglabasan namin. Wtf? Nasaan ang school?  wait, parang may mali na sa mga nangyayari! Napatingin ako sa mga taong nakatingin sa 'kin habang hawak hawak ako ng mga gwardya. Ang ibang mga babae ay naka baro't saya katulad ng sa 'kin habang ang iba naman ay may suot na malaking sumbrero at may pamaypay, may iilan din na nakabestida lamang ng mahaba. Ang mga lalaki naman ay nakasuot ng polo at pantalon ngunit merong ding nakabihis ng tuxedo at may itim na sumbrero gaya ng kay Jose Rizal. ACKK! ANO BA 'TO?!  Nakakain ba ako ang ng expire na kimchi kagabi at para akong nanaginip ng gising?!  o baka naman na sa wow mali ako? Wtf?! Prank ba 'to?!  Waaah! ANO!?' Halos bumula na ang bibig ko kakaisip kung anong nangyayari sa 'kin ng mapatingin ako sa dalawang gwardyang nakahawak pa din sa 'kin. Kumabog ng todo ang dibdib ko ng masilayan kong hindi sila mukang estudyante. Wait. Kung hindi 'to, prank ano 'to?  Panaginip ba 'to? Waah! lord. Kung panaginip man 'to Bakit sa spanish era nyo pa ako dinala? Saka Pwede naman sa korea 'di ba? nandun mga oppa ko. Bakit dito pa?! Mygosh! Huhu. Napamaang na lang ako nang sinakay nila ako sa kalesa. Gusto ko matuwa dahil hindi pa ako nakakasakay sa ganun pero paano ako matutuwa eh kinakabahan na ako? Potek talaga! Pagkatapos ng Ilang minuto byahe, huminto kami sa isang malaking lupain na may malaking bahay na nakatayo sa gitna. Napa maang na lang ako ulit dahil muka talagang bahay 'yon ng isang kilala at makapangyarihang kastila. Pumasok kami roon habang nakahawak pa din sila sa 'kin. Nakakainis naman 'tong mga 'to. Parang tatakasan eh no?! Sarap sampalin ng bakya. Pasalamat sila rubber shoes ang nasa ilalim ng saya ko. "Es ella la soltera que pagará don bernardino?" (s'ya ba ang dalagang anak na ibabayad ni Don Bernardino?) Napatingin kaming lahat sa mataba at bansot na lalaking pababa ng hagdan. Hindi s'ya mukang filipino, panigurado ako isa s'yang kastila. Pero ano naman kaya ang sinabi ng baboy na 'to? Nakangiti s'ya ng malapad habang dahan dahang humahakbang papalapit sa 'kin. "De hecho, su única hija es muy hermosa. blanquear y alisar," ( totoo nga, lubhang napaka ganda ng nag iisa nyang anak na dalaga. kay puti at kay kinis,) sambit n'ya sabay haplos sa kaliwa kong pisnge gamit ang likuran ng kan'yang palad. Napaigtad ako. Hindi ko maintindihan ang sinasabi n'ya pero mukang hindi 'yon maganda. Nagtayuan naman ang balahibo ko sa batok ng bumaba ang kamay n'ya papunta sa leeg ko. "PWE! Pag hindi ka lumayo, lelechonin kita! Walanghiya ka! hindi ka lang baboy, Manyak kapa!" sigaw ko matapos ko s'yang duraan sa muka. Napangisi s'ya sa sinabi ko pero agad din 'yung nawala. Magsasalita pa sana ako ng biglang-PAAK! "Qué derecho tienes para decirle eso a un alcalde que te compró?!" ( anong karapatan mo para sabihin yan sa isang alkalde mayor na bumili sayo?!) sigaw nito sa 'kin matapos akong sampalin. Muntikan na akong maiyak,  Hindi dahil sampal n'ya kung hindi dahil sa sinabi n'ya. Punyeta! Hindi ko nagets! Huhu. Pero 'yung sampal n'ya. Ramdam na ramdam ko.  Kung ganun Hindi ito isang panaginip? So.. "Nasaan ako?!"

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD