Savanna’s POV Binaba ko ang phone ko matapos basahin ang message ni Yoga sa akin, tinatanong kung nasaan ako. I saw how Fausto glanced at my phone under the table. Nakalatag na ang order naming pagkain, hindi ko mapigilan ang ngisi sa labi ko habang pinapanuod siya sa pag-inom ng milktea na order nito. “Anong nakakatawa?” he asked and chuckled. Binaba nito ang milktea at dinilaan ang pang-ibabang labi niya. “Wala naman, I was expecting that you will order coffee,” pag-amin ko. Ang kanyang attire at aura ay hindi bagay sa milktea na iniinom niya, pakiramdam ko ay mas bagay sa kanya ang matapang na kape. But because of his dark aura and cute design milktea on his hand got the attention of customers here, lalo na mga kababaihan. “Kung kape ang in’order ko, kape din ang iinumin mo.

