Savanna’s POV Nagising ako sa haplos ni Fausto sa mukha ko, pagmulat ko pa lang ng mga mata ko ay siya na ang sumalubong sa akin. We didn’t sleep together, magkaharap lang ang kuwarto namin at hindi din naman ako nag-aksaya pa ng oras na ilocked ang pinto. “Good morning.” Bumangon ako at umupo, he was sitting on the bed beside me. Bagong ligo na ito at nakapagpalit na din ng damit. “Are we going home today?” I asked while fixing my hair. He licked his lower lip and nodded at me. “But we need to eat breakfast first,” he murmured and kissed my forehead. NAG-AYOS NA AKO, habang pababa ako ng hagdan ay pinupunasan ko ang basang buhok ko. I stil want to stay longer here, pero may pasok pa ako at practice para sa final. “Saan tayo kakain?” takang tanong ko sa kanya nang maabutan na

