Atom’s POV Kanina ko pa katext si Khaya habang papunta ako sa bahay ni Fausto. Nang hininto ko ang kotse at bumaba ay nagmamadali akong nagdoorbell. Fausto opened the gate annoyed. “Andito ka na naman?” Napangisi lang ako at pumasok na, hindi na hinintay ang pagwelcome niya sa akin. “Samahan mo ako,” I uttered while heading inside his house. Nakasunod naman siya sa likod ko. “Hindi mo ba kayang mag-isa? I’m busy.” Nauna siyang pumasok sa loob tsaka humiga sa sofa niya. Umupo ako at pinaglaruan ang susi ng kotse sa kamay ko. “Wala ka namang ginagawa. Tara na,” pangungulit ko. My phone vibrate, tinignan ko yun at nakita ko na ang reply ni Khaya sa message ko sa kanya. Binalik ko ang phone ko sa bulsa at muling bumaling kay Fausto. “Dude!” I hissed. Masama niya akong b

