Savanna’s POV Dad handed me the invitation letter for Fausto. Sinimangutan ko si papa at tinaasan ng isang kilay. Nagtatanong kung ano ang gagawin ko sa papel na ito kahit alam ko na din naman ang sagot. “Bakit ako ang magbibigay? You have your secretary to do his job, pa,” I said restraining the annoyance on my face. “Idadaan mo lang naman sa kanya. Tutal, magkaibigan naman kayo.” Binalik na ni papa ang kanyang atensyon sa mga papel na nakatambak sa ibabaw ng lamesa nito. Isinara ko na ang pinto ng opisina niya at lumabas. I groaned in frustration and glanced at the invitation letter. Napasimangot lang ako lalo nang maisip na hindi ko nga pala alam ang bahay ni Fausto. I asked Khaya to ask her friend Atom to send me Fausto’s location. Matapos yun ay nagbihis na ako at mabilis na

