JESSA POV "Wow? Ate sayo din ba itong sasakyan? Inutang mo rin ba ito doon sa company mo?" Natawa si papa sa banat ng loko loko kong kapatid. "Talaga ba ha? Ang korny ng joke mo, aanuhin ko yung kotse kung hindi naman bagay sa bahay natin?" Pumasok na kami sa loob ng aming bahay at nakita namin si mama na nakikipag usap sa sala sa isang babaeng nakatalikod sa amin. Nasinghot ko kaagad ang kanyang pabango, ito na nga yata ang pinaka mabangong naamoy ko na perfume sa buong buhay ko. At iba ang pagkaka mestiza ng babaeng ito, tila ay ang lakas ng kanyang dating. Mas maputi pa yata ang singitn niya kaysa sa mukha ko eh. Sino kaya ang babae na ito at ang sarap ng usapan nila ng mama ko? "Nandito na kami," sambit ni papa dahilan para sabay silang lumingon sa amin. Ang ganda nang babae,

