JESSA POV "Babe? Wait lang ha? Seryoso ka ba sa sinasabi mong ito sa akin?" "Jessa? Mukha ba akong nagbibiro?" "Alam kong hindi ka nagbibiro pero hindi karera ang pag aasawa! Eh ano ngayon kung may mga asawa na sila, sure ako na naghihikahos din sila kung may mga anak na sila. Sa diaper pa lang ng mga bata, ubos na yung minimum wage, ano pa kaya kung nasa pagbubuntis pa sila." "Jessa, sinabi ko sayo, ako ang magiging asawa mo at bubuo tayo ng sarili nating pamilya. Syempre magtutulungan tayo. Ano ba ang silbi ng marriage kung sosolohin lang natin yung problema ha?" "Do you really mean it? Iiwan mo ako?" "Ayaw kong maging robot na paulit ulit sa aking pagsasalita. Please, mabait na ako sa two years na palugid ko sayo. Sana ay gawin mo na ang best mo para makapag desisyon ng tama.

