JESSA POV "Wag mo nang tanungin. Basta malaki yung napalunan ko. Anyway, change topic na tayo. Sino pala sa mga kaibigan mo yung nag aya sayo ha?" paglilihis ko ng topic, ayaw ko lang kasi na madagdagan pa ang mga kasinungalingan ko sa kanya. "Si Miggy lang at si Jake, nagtatampo lang kasi sila na panay daw ang tanggi ko sa inuman." "Mga bad influence yata sila sayo eh!?" "Anong bad influence ang pinagsasabi mo? Mababait ang mga tropa ko. Nag billiard pa nga kami kanina. Sayang natalo pa yung three hundred ko." "Natalo? Nako dapat niyaya mo yung gala kong kapatid. Ang dami na yatang dinadayo ng lalaking yan para lang mang hamon sa billiard eh!" "Ayaw ko nang istorbohin pa si Jonathan kasi alam kong nag aaral ng maigi ang kapatid mo?" Napangisi ako, "Joke ba ito ha? Kaylan pa nag ar

