JESSA POV Hindi man masyadong ubos ang aming mga paninda, mas malaki naman ang kinita namin ngayong araw kumpara sa kahapon at nitong mga nakaraang araw. Pagdating nga ng boyfriend ko, nagulat na lang ito na naghahakot na kami ng mga gamit papasok. "Wow! Anong meron?" tanong niya, kinuha niya yung dala kong tray ng isaw. Ngitian ko siya, "Maganda kasi yung kitaan namin ngayon. Ito kasing kapatid ko, buti na lang at ginamit niya ang pagiging madaldal niya kaya kumita kami kahit papaano." "Kita mo kuya Nash? Kanina sinabi ng kapatid ko na malas daw ako sa trabaho pero iba na ang bukambibig ngayon sa akin. Todo todo na ang puri eh hahaha!" "Ayos yan, maganda na nakakabawi na si Jessa sa mga naipundar niya dito. Sana bukas ay ganun din o mas malakas pa sana para naman hindi na niya kayla

