JESSA POV Pero hindi ba siya natatakot sa pinag sesend niyang mga email na ito? Ako nga eh, kaylangan ko pang magpalit ng password sa pc ko para hindi mapakialaman ng mga katrabaho ko. Samantala, bigla na lang nagbukas ang ilaw ng aming area at naamoy ko ang malakas na pabango ni Alma. Malamang ay nasa paligid lang siya kaya sinara ko na ang email ko kaagad at baka may mabasa pa siyang hindi dapat. "Ehem look who is here? Para kang isang patay na muling nabuhay jan, parang isang kabote na muling sumulpot. What exactly is the reason kung bakit ka naglaho na parang bula girl?" Humarap ako kaagad sa kanya na nasa harapan ko. Grabe, bagong rebond si bakla at ang kapal pa ng make up niya. Halatang bagong sahod eh. Pero bestie ko pa rin siya kahit na feeling ko ay siya pa ang angpapalaganap c

