JESSA POV Kinabukasan ng maaga, tumunog ang maingay kong alarm clock at kapag tumunog ito, naiinis ako at nagigising. Pero naalala ko kaagad na wala lang Jessa na makikita na papasok at gagawan nila ng maraming chismis. Ang sarap lang din pala sa pakiramdam na magpa late ng aking gising. Madalas akong gumigising ng maaga subalit iba na ngayon, tanghali na ako gigising para lang makabawi ako ng tulog sa ilang araw kong pagpupuyat. Natulog ulit ako at nang magising ako, wala na ang kapatid ko sa kama namin. Panay din ang tunog ng phone ko. Kinapa ko ito sa kama at binuksan, nakita ko na marami nang email sa akin si sir. Naririnig ko nga ang boses niya habang binabasa ko ang mga angry emails niya sa akin. Pinagbabantaan pa niya ako, lagot daw ako dahil ipapahiya niya ako sa harapan ng mg

