"Nic, you will be late." Narinig ko na bulong sa akin ni Prof Kent.
Lutang na luting pa ang pakiramdam ko nang nagising at naupo sa kama. Medyo napangiwi lang ako no'ng naramdaman ang hapdi ng p********e ko. Pakiramdam ko e ngumanga iyon na hindi na muling kumipot. Honestly, pakiramdam ko ay may nakapasak pa rin do'n. Paano ba naman kasi, umisa pa siya kagabi hanggang sa hindi ko na nakayanan ang hapdi at sinabi kong pwede namang sa susunod na araw na ulit. Natuwa pa e...
"Anong oras na?" tanong ko at dumilat ng kaonti. Nakita ko siyang ngumiti.
"Alas nuebe. Alas onse ba pasok po?"
Napadilat na ako nang tuluyan at hinanap ang tsinelas ko sa ibaba ng kama bago tumayo. Nagtatakang tinitigan ko naman siya na parang luting na nakaupo at nakasandal sa headboard ng kama niyang nakatitig sa akin.
"May klasi kayo, Kuya Kent?" tumango siya.
Napaawang na lang ang labi ko sa pag-aalala. Para namang hinding siya nagmamadali. Parang wala lang sa kanya na may naghihintay na klasi sa University.
"Hindi kayo maghahanda?" nagtataka na talaga ako.
Tumayo siya at bumunot ng tuwalya sa rag na nasa malayo bago naglakad palapit sa akin.
"Sabay na tayong maligo."
Pinaningkitan ko naman siya ng mga mata. At sinabing seryoso ba siya do'n baka may makahuli sa amin sa ibaba.
"Nic, they're always early. Lagi kaming umaga kung maghanda dahil may mga pasok sa trabaho. Ikaw lang naman kasi ang estudyante dito."
Umiling ako at pinihit ang pintuan para tuluyan na akong makalipat sa room at makapaghanda na rin.
"Sabay tayo?" silip niya sa pintuan ng silid ko.
Umiling ako at initsa sa kanya itong isa kong tuwalya. Humagalpak naman siya ng tawa at pumasok sa room ko. Ginala niya pa sandali ang mga mata sa loob bago niya inabot sa akin itong tuwalyang ibinato ko sa kanya.
"Sige na, Nic." Kulit niya at lumapit sa akin. Napaatras naman ako. Mas lalo pa siyang lumapit hanggang sa na-corner na ako sa gilid ng kama ko.
"Next time."
"Next time..." ulit niya sa sinabi ko at lumayo.
Umiling naman ako at kumuha ng panty at bra sa ibaba ng kama ko bago naglakad sa pintuan. Sumunod naman siya nang bumaba ako at tumungo sa CR. Pati sa loob ay sumunod din siya kaya nagtatakang tinitigan ko naman siya.
"Sabi ko next time," ulit ko.
Umiling siya at isinampay ang dalang tuwalya sa gilid ng CR bago naghubad. Napasinghap ako at tumalikod sa kanya. Hindi na talaga ako nakakilos at tuluyan nang nanigas do'n. Tumawa naman siya at kinapa ang dulo ng damit ko kaya napaiwas ako. Napalingon na ako sa kanya.
"You'll be late... Nic, I am late for my second class."
Kinakabahan na naman ako nang binitawan ko ang tuwalya sa rag bago hinayaan siyang hubarin itong damit ko nang tuluyan. Ini-unhook din niya ang bra ko saka siya na rin naghubad ng sout kong straps hanggang sa hubot hubad na ako sa harapan niya.
"Maliligo lang tayo. You have to get used on me." Bulong niya at binuhay ang gripo.
Lumunok na lang ako lalo na't nakita ko rin siyang nakahubad. Kumuha siya ng kabo at tubig bago ibinuhos sa ulo ko. Napasinghap na lang ako sa lamig. Tumawa naman siya ng kaonti bago nag-abot ng sabon at sinabunan ang batok ko. Patungo sa balikat. Pababa sa harapan ko. Pinigilan ko naman ang kamay niyang may hawak na sabon saka kinuha iyon mula sa kamay niya. Humarap naman ako sa kanya at sinabunan ang batok niya... pababa sa balikat.
"Wag kang mailing sa akin, Nic." Sabi niya pa at sinabunan ang dibdib ko. Ngumiwi naman ako at nag-init ang pisngi. Ramdam ko kasi ang kilabot sa klasi ng pagkakasabon niya sa dibdib ko. Na pakiramdam ko wala namang malisya sa kanya... hindi naman dahil sa libog pa rin siya kaya hinahawakan niya ako ng ganito.
Sinabunan ko rin ang tiyan niya pababa sa lawit na nasa ibaba. Nag-aalangan akong hawakan siya. Baka kasi... baka kasi tumayo at saan na naman kami dalhin nito.
"Binulungan ko na yan, Nic. Don't worry, hindi titigas yan tulad ng kagabi. Semi-hard oo pero pipigilan ko."
Tinampal ko naman ang braso niya dahil sa pagbibiro niyang yon. Sinubukan ko na sabunin siya, sinabon ko ng mabuti iyong alaga niya na tama nga siya hindi naman tumigas. Yong tigas na tigas.
Nagmamadaling nagbihis ako at sumilip sa orasan bago bumaba. Hindi ko na naabutan si Prof Kent kasi nga nagmamadali na rin siya para sa susunod na klasi. Tumawag pa kasi iyong isang Prof at tinanong siya kung nasa'n na ngayon dahil kailangan siya sa susunod na klasi.
Ngumiti si Jewel nang nakita niya itong sout kong uniporme. Ngumiti na rin ako nang mas lalo siyang naging cute sa puting uniporme niya. Hinintay namin is Carren na kumaway no'ng nakita niya kami sa dulo ng Cafeteria.
"Blooming!!" sigaw niya.
Umiling ako at uminom ng yakult bago lumingon sa pintuan ng Cafeteria. Halos mabulunan ako no'ng nakita si Prof Kent na nagkakamot ng batok at parang namamawis habang kausap iyong President ng University. Hindi naman galit ang mukha ng Presidente ngunit parang namomroblema itong si Prof Kent sa isang bagay na hindi ko naman marinig sa sobrang layo ng distansya namin.
Tumikhim ako at ibinaling ang atensyon kay Jewel na nagsasalita. Patungkol naman sa lovelife niyang parang lumalabo raw. Napaawang ang labi ko sa kanya at hindi makapaniwalang tumitig sa mga lumalabas sa bibig niya.
"Hindi sagot ang cheating sa isa pang cheating, Wel. Buti hindi ka nabuntis." Disappointed na sabi ni Carren.
Umiling siya, "Quits lang kami, kung kaya niya kaya ko rin! Kung makikipag one nightstand man ako sa kung sino-sino, kasalanan niya!"
Napatampal na lang ako sa noo ko at tumayo. Tumitig sa akin si Jewel. Umiling ako sa kanya at tumungo sa counter.
"Nic!" narinig ko na sigaw ni Jewel.
"Bibili lang ako." Palusot ko. Hindi ko kasi masikmura iyong sinabi niyang one nightstand na yan. Hindi ko yata kaya... hindi ko kaya sa kung sino-sino.
Namamawis ako sa narinig mula kay Jewel. Inabot ko yong inabot na juice ni Manang bago kumuha ng coins mula sa purse kaso naunahan na ako ni Prof Kent na sumenyas sa aking wag mag-ingay at lumayo na lang.
Lihim naman akong napatango bago bumalik sa table na ngayon nga'y ngumangawa si Jewel. Natigilan ako sandali at tumabi kay Carren na pinatatahan ang kaibigan namin na mukhang seryoso nga talagang nababaliw na sa pag-ibig na yan.
Naunang umuwi ang mga kaibigan ko, naiwan na naman ako sa lumang Staffs Room at doon tinuruan ni Sir Gok na mukhang mainit ang ulo at pinaspasan ako sa pagtuturo. Kaya ang ending pagod na pagod ako habang naglalakad patungo sa gate ng school. Kaso natigilan ako no'ng nakita si Prof Kent na naiilawan at nakatitig dito.
Medyo nakalimutan ko ang pagod at lumapit sa kanya. Ramdam niya siguro ang pagod ko kaya kinuha niya ang mga dala kong gamit saka niya ako inakbayan.
"Bagay sa'yo yang bago mong uniporme." Ngiti niya.
Napangiti naman ako at sumama sa kanya palabas ng University. Nasa likuan na kami no'ng inayos niya ang dalang bag. Nilagay niya rin ang mga libro ko sa loob ng bag niya bago inayos sa harapan niya.
"Piggy back." Sabi niya bago naupo sa tapat ko.
Tumawa ako at sumampa sa kanya. Napatitig na lang ako sa hita ko na kinakapitan niya. Tumaas kasi iyong palda ko sa pagkakasampa sa likod niya.
"Hihintayin kita lagi pagkatapos ng practice mo. Mahirap nang umuwi ka ng mag-isa." Tumango ako at idinantay ang baba ko sa balikat niya.
Parang nalulumpo ako sa sobrang pagod ng ipinagawa sa akin ni Sir Gok kanina. Ang layo pa ng University Week Pageant ngunit parang gusto niya naman akong patayin sa sobrang hirap ng pinapagawa niya sa akin. Kaya ayaw ko sumali-sali sa ganito kasi nawawalan ako ng free time plus sobrang nakakapagod pa.
Ibinaba niya ako no'ng nasa boarding house na kami. Pareho pa kaming nagtitigan no'ng maingay ang sala ng boarding house. Parang maraming bisita.
Napaatras ako no'ng may yumakap na maganda kay Prof Kent. Matangkad, sexy, halatang mayaman. Hindi ko nga alam kung maiinis ako habang pareho silang natutuwa sa isa't isa. Parang ang tagal nilang hindi nagkita. Pareho pang hindi nagsasalita at nagyayakapan na lang.
Sumimangot ako ng kaonti at gumilid. Tumabi ako kay Ate Flora na ngumiti na muna sa akin bago nanood sa palabas.
"Mom..."
Ha?!!! Mom?!
Baka tawag ng magsyota lang iyon. Paanong magiging mommy niya 'to e ang ganda at halatang bata pa. Mayaman, at halatang maalaga sa sarili.
"I miss you, Son."
Ay... Putik!
Gulat na gulat ako habang nag-uusap ang dalawa. Para talaga silang magsyota kung hindi ko lang narinig na nagtawagan silang mag-ina. Ayaw ko talagang maniwala.
Nag-abot ito ng mga tsokolate sa bawat isa. Ipinakilala ako ni Prof Kent sa Mama niya na ayaw ko pa ring maniwala na Mama niya talaga. Nagpaalam din ito kalaunan at sinabing babalik siya bukas. Nag-offer pa nga si Ate Yela ng room niya ngunit sabi nito kailangan niya ng bumalik ng hotel kasi naghihintay daw ang asawa nito.
Asawa nito... di naman sinabing Tatay ni Prof Kent kaya agad din akong nagduda.
Kumain na raw sina Ate Yela kaya nagkanya-kanya nang akyat sa ikalawang palapag. Naiwan naman kami ni Prof Kent sa kusina at kinain ang naiwang ulam at kanin.
Tumitig ako sandali sa kanya bago kumuha ng ulam. Muli ko na naman siyang sinilip at nakitang sumusubo ng ulam at tumingala para titigan ako. Ngumiwi ako at ngumiti bago kumain ulit.
"Sa room ko?" tanong niya.
Napasinghap ako at kinabog ng kaba no'ng nakita ko si Kris na pumasok sa kusina at ngumiti sa amin bago kumuha ng tubig sa dispenser.
Sinipa ko naman ang paa niya sa ilalim. Napaka-ano kasi. Paano kung na-gets yon ni Kris? Di baka sinumbong na kami.
"Sa akin ka ulit mamaya..." sabi niya na hindi na patanong.
Umiling ako at sinabi sa kanyang pagod ako mula sa practice kanina.
Tumawa naman siya, "I guess, no s*x for now. Pero gusto ko pa rin na sa room ko ikaw matulog."
Pinanlakihan ko naman siya ng mga mata at baka may makarinig sa kanya. Tumawa lang ito at nag-abot ng tubig sa akin.
Pagkatapos naming maglaro sa kusina, yes maglaro kasi nagsasabuyan kami ng bula, ay umakyat na ako sa itaas at naghanda ng pamalit na damit. Sakto namang bumaba ako ay nakita ko siyang naghihintay sa labas ng CR. Saka niya ako hinila papasok.
"s**t, Kuya naman... baka mahuli na tayo nito." Reklamo ko at itinaas ang kamay no'ng hinuburan niya na ako.
"Maingat ako, Nic. Don't worry."
Wala na rin akong nagawa at sinabayan na lang siya sa paglilinis ng katawan. Minsan pag di na napipigilan naghahalikan na lang kami sa loob ng CR. Iyong halikan na hindi ko akalain na magagawa ko. Kahit nga pareho na kaming hinihingal sa ginagawa naming halikan e tuloy pa rin. Kaya natagalan kami sa loob.
Nagbihis na ako sa loob maliban sa kanya na ipinulupot lang ang tuwalya sa bewang niya bago lumabas. Ngumisi pa ito sa akin bago tuluyang umalis.
Bumalik na muna ako room ko at kumuha ng notes para do'n mag-aral. Kailangan ko talagang mag-aral ng mabuti kung ayaw kong bumaba ang grades ko ngayong exam.
Lumingon ako sa paligid bago kumatok sa pintuan niya. Ngumiti siya at ipinapasok ako. Nakita ko na abala siya sa mga handouts ng mga estudyante niya. Pareho yata kami na magiging busy ngayong gabi. Hindi sa isang bagay na ginawa namin kaninang madaling araw.
Nag-ring ang cellphone ko at halos malaglag ako sa kama no'ng nakita na galing kay Papa iyon. Nag-aalangan akong sagutin ang tawag niya sa messenger. Nakita ko na nakatitig sa akin si Prof Kent na kunot ang noo.
"Si Papa... please, wag kang maingay a." pakiusap ko.
Tumango siya muling bumalik sa handouts.
"Pa!" sagot ko sa tawag. Ngumiti naman ng malungkot si Papa. Halatang pagod na naman. Nawala ang plastic kong ngiti at tumitig sa mukha niya. Parang agad akong tinubuan ng konsensya. Naalala ko iyong ginawa ko kanina. Nakakakonsensya. Putik! Parang kinakain ako ng sariling konsensya.
Yong tatay ko naghihirap sa ibang bansa, pero heto ako nag-aaral nga ng mabuti ngunit nilukob ng makamundong bagay. Nagpapaano sa isang professor pa.
Napatayo ako no'ng natapos na ang tawag ni Papa. Inayos ko ang mga notes ko at lumapit sa table ni Prof Kent.
"Sorry Kuya... hindi muna ako matutulog dito." Kagat labing sabi ko at tumalikod.