16

2065 Words
Wala namang bagay na hindi pinagsisihan ng nauuna. Kasi ngayon na naisip ko na wala na si Prof Kent parang pinipiga ang puso ko sa isipin na hindi sigurado kung magkikita pa kaming muli. Sinisisi ko rin ang sarili dahil sa nangyari. Hindi ko alam kung paano ako babalik sa dati. Ayaw ko dito sa nararamdaman ko na parang maiiyak na lang ako sa panghihinayang. Umiyak ako kay Ate Flora ng isang gabing inaral ko ang isang notes. Pinipilit ko naman ang sariling intindihin kung ano ang nakasulat ngunit parang lagi na lang akong kinakabahan. Minsan napapatingin pa ako sa pintuan sa pag-aakalang makikita ko siyang muli. Kaso napakaimposible naman sa sitwasyon naming dalawa. "Nalilito ka lang..." haplos ni Ate Flora sa buhok ko pagkatapos kong umiyak. Mas lalo lang akong naiyak sa sinabi niya at pahikbing pinunasan ang mga luha. Ngumiti naman siya at sinabi niyang sa una lang daw ito. I'll get used to it, raw. Duda nga lang ako sa sinabi niya na masasanay rin ako na makaramdam ng ganito. Hindi ako naniniwala. "Para kang baliw..." sabi ni Kris at inayos ang laptop na nasa maliit na coffee table. Napabuntong hininga na nga lang ako at sinunod lahat ng paghahanap niya sa social media. Ginamit pa nga namin ang google sa pag-aakalang may magbibigay sa amin ng direct link ng social media ni Prof Kent. Kaso... "Parang wala namang social media yong tao, e." iling ni Kris. Hindi na lang ako umimik at nagsulat na lang sa notebook para sa pagsusulit bukas. Ayaw kong isipin na wala na talagang pag-asa. Kasi kahit papa'no umaasa pa rin ako na makokontak niya ako rito sa Pinas... kaso higit limang buwan na at umaasa pa rin ako sa wala. Si Papa nga sinabi niyang mag-aral na lang ako ng mabuti at makakapghintay naman ang pag-ibig. Hindi ko alam kung malulungkot ba ako sa sinabi niya. Parang nawawalan na ako ng pag-asa. Ang laki ng pagsisisi ko. "Okay ka lang?" tanong ni Jewel pagkakita sa akin sa cafeteria. Tumango lang ako sa tanong niya at muling yumuko. Sinilip ko nga siya na tumungo sa counter at bumili ng dalawang drinks saka lumapit sa table ni Carren. Napailing na lang ako at medyo nahiya ng nakita ko si Anna na nakangisi at nakatingin dito. Ayaw ko ng distraksyon, kaya sinasanay ko na ang sarili sa pag-iisa. Gano'n talaga, may mga taong piniling wag mag-stay sa tabi mo. Pagkauwi sa boarding house ay nagulat ako ng may nakitang box sa sala, pinagkakaguluhan nina Ate Yela, Ate Flora, Kris at Kuya Joe... na parang nakakatuwa iyon. "Finally!" Nagtataka naman akong tumitig kay Kris na ngumisi sa akin at inaya ako papunta sa box. "Basahin mo..." turo naman ni Ate Yela. Nanlaki ang mga mata ko at namalik-mata pa no'ng una hanggang sa napangisi ako at ikinatawa nila. "Wala ngang social media pero may pa-package si Sir." Ngisi ni Kris. Parang tumalon ang puso ko sa sobrang tuwa kaya gano'n siguro at hindi na ako nag-isip na umakyat pa kasi do'n mismo gusto ko siyang buksan. May mga para kina Ate Flora na inabot ko naman sa kanila. Natawa na lang ako ng nakita ang divider na para lang daw sa akin yon at buksan ko na lang pag nasa sariling silid na raw ako. Bakit naman kaya? "Baka may s*x scandal..." tulak sa akin Kris na nakasimangot pa. Tawang-tawa naman si Ate Flora at sinabing tutulungan na lang daw nila ako sa pagpapaakyat nito. Bigla akong nalungkot ng buksan ko iyon. Hindi dahil sa disappointed ako kundi ayaw kong isipin na hanggang sa t-shirt niya na lang ang maaamoy ko. Ang laki talaga ng panghihinayang ko. Na hindi ko alam kung dapat ko bang saktan ang sarili sa sobrang katangahan na ginawa ko. Nagpadalos-dalos kasi ako... nagpatianod sa takot na naramdaman ko. Gulat na gulat na nga lang ako ng may lalagyan ng laptop ang nasa ibaba. Hindi ko naman siguro kailangan 'to pero bakit naman kailangan niya akon bigyan nito? At mas lalo pa akong nagulat ng makakita ng lalagyan na maliit na may susi. May notes din kung para sa'n yon... sa silid niya. Napabuntong hininga na lamang ako at tumayo bago nagbihis at kinakabahang tumungo sa silid niya. Nag-aalangan pa ako sa pagpasok ngunit nilakasan ko rin ang loob ko at gano'n na lang ang gulat ko ng makita na halos hindi naman pinakialaman ang mga nando'n. May mga gamit pa rin siya. Napahiga nga ako sa kama niya at tumitig sa ceiling bago binuksan ang cellphone. Ewan kung ano ang pumasok sa isipan ko at bigla na lang akong akong tumungo sa message request ng messenger ko at laking gulat ko ng makita ang pangalan niya. Napaupo kaagad ako at walang pag-aalinlangan na binuksan iyon. Parang gusto kong maiyak habang binabasa ang message niya na hindi naman gaanong importante kasi nagtanong lang naman ito kung kumusta na ako. Isa Linggo na ang nakalipas, at ilang buwan ko na siyang hinahanap. E nandito lang pala ito. Excited na inaccept ko ang request niya at agad na nagtipa ng sasabihin. Hindi na nga ako nag-isip at basta ko na lang sinend. At kinabahan ako nang nakita na tumatawag siya. Hindi ko alam kung bakit naiyak ako at pinunasan lang ang mga luha ng inaccept na ang tawag. Parang ang hirap-hirap. "Sorry..." agad na sabi ko ng nakita siyang nakatitig sa akin. Sigurado ako na nakahiga siya sa kama. Hindi lang ako sigurado kung anong oras na sa kanila. Siguro madaling araw o kung ano. "Okay na, Nic. Hindi ko pa rin kayang tiisin ka." Ngiti niya. Natahimik naman kami ng ilang minuto hanggang sa bumuntong hininga ako't tumitig sa study table niya. Saka ko naalala yong usapan namin. Ibinubuka ko pa nga lang yong bibig ko e nasabi niya na kaagad iyong pagbago ng desisyon niya. Panay naman ang lunok ko at halos ayaw maniwalang nagbago na nga talaga. Ayaw kong maniwala, kaso sinabi niya na. "S-so..." napahinga ako ng malalim at inalala si Papa. "Okay lang Nic... we'll have to get over from each other. Wag muna nating biglain. Lalo ka na, wag mong pilitin ang sarili mo. Baka hindi katagalan ay makahanap ka na diyan." Ngiti niya. Nanunubig na naman ang mga mata ko at napakagat labi. Ewan ko, bahala na kung sa tingin niya ay naging bastos ako. Sumama ang loob ko sa sinabi niya kaya bigla ko na lang siyang pinatayan ng tawag. Gano'n na lang ba yon? Na pwedeng sabihin na matatapos na rin ang phase naming dalawa? Na kailangan lang naming dahan-dahanin? Napaiyak na nga lang ako at tumayo saka ko nilapag sa mesa niya at nagmamadaling ni-lock ang dati niyang room. Useless... napakawalang kwenta. Hindi ko alam kung ganti niya ba 'to sa mga sinabi ko noon? O talagang totoo naman talagang gusto niya ng tapusin 'to kaya nasabi niya yon? Nangangasim ang lalamunan ko sa sobrang sama ng loob ko sa mga nangyari. Ano pa't binigyan niya ako ng mga gamit at laptop? Ano 'to? Compensation sa lahat ng mga ginawa namin? Sising-sisi ako sa mga sinabi at ginawa ko no'n... at mas lalo pa akong nagsisisi dahil sa mga katangahan na pinaggagawa ko no'n. Ako naman talaga ang lugi kasi ako 'tong bigla na lang bumukaka sa harap niya. Ako 'tong parang tanga na basta na lang nagpatianod sa tawag ng laman. E alam ko naman na temporary lang ang lahat. Napakabata ko pa, pero yong isipan ko ang dumi-dumi na. Sinama ko pa 'tong katawan ko na umasa sa isang bagay na alam ko naman na talo na ako. Buong gabi akong umiyak, kaya di na nakapagtaka kung kinaumagahan ay magang-maga ang mga mata ko. Na nahalata kaagad nina Kris. Yong akala nila na namimiss ko lang si Prof Kent e partly hindi naman yon ang dahilan. Sa sobrang sama ng loob ko ay kahit nahihiya ako kay Papa. Sinabi ko sa kanyang gusto kong lumipat ng University. Yong malayo kahit na hindi naman gaanong sikat basta't mura at hindi kami mamumulubi. Padalos-dalos na naman ako sa desisyon ko na 'to kaya nama'y huli ko na naisip ang mga naging kaibigan ko na maiiwan sa boarding house. Bigla akong nalungkot ngunit buo na talaga ang desisyon ko. "Hija, paano kung hindi na siya bumalik?" tanong ng landlady ng binigay ko sa kanya itong hindi ko naman ginamit na laptop. Ngumiti ako sa kanya at sinabing sila na ang bahalang magbalik no'n sa kanya. Imposible ko na kasing magawa ko yon lalo na't hindi rin naman ako sigurado kung makakabalik pa ako ng Maynila. Seseryosohin ko na kasi ang pag-aaral pag nag-umpisa na ang pasukan sa University. Kailangan ko ng bumawi. "Nic..." kaway ni Kimberly ng magkita kami sa kanto ng tinutuluyan kong bahay. Kaklasi ko siya sa isang subject. Medyo mabait naman kaso masumpungin. Mas kasundo ko siya kumpara kina Carren at Jewel. Ewan ko nga dito at nilalapitan pa rin ako kahit na alam naman niyang may issue na naman ako sa isang Prof na nanliligaw sa akin kahit na bawal sa University. No'ng isang araw nga ay binasted ko na kasi natuto na ako no'n. At ayaw ko ng maulit pa yong nangyari. Kailangan kong mag-aral ng mabuti. Pag sembreak o kaya bakasyon ay naghahanap ako ng part time pambayad sa Bahay na tinutuluyan ko. Si Papa nama'y abala na rin sa pag-aasikaso ng mga requirements niya para sa susunod na kontrata. Kailangan na kasing magtodo kayod at mas dumoble ang tuition ngayong taon. Nag-aalangan na tuloy akong i-pursue iyong pag dodoctor ko. Dito pa nga lang ay namumulubi na kami sa laki ng tuition. Nasubukan ko na ring hindi kumain ng isang araw para lang makatipid. At syempre may mga pagkakataon din na nawawalan na ako ng pag-asa. Kaso kailangan kong magpakatatag lalo na't nakikita ko ang lahat ng sakripisyo ni Papa. Isa na naman ito sa mga field activity namin na kailangang gumastos ng malaki. Dito ako lalo naghihirap. Parang gusto ko ng sumuko habang tinitingnan ang padala ni Papa. Wala ng matitira kung itutuloy ko 'to... at pag hindi naman, babagsak ako. Kaya pikit matang ginastos ko ang pirang padala ni Papa. Hindi ko na lang sinabi sa kanyang wala ng natira kahit isang Linggo pa lang ang nakalilipas no'ng huling padala niya. Napaiyak na lang ako sa paghihirap at tinitigan ang grades ko ngayong taon. Hindi nga ako bagsak ngunti ramdam ko na ang pangangayayat dahil sa pagtitipid. Gusto ko ng sumuko kaso sa tuwing gusto ko ng sabihin kay Papa na gusto ko ng tumigil ay parang binibigyan niya ako ng words of wisdom para lang hindi tumigil. Kaso... ang daming kamalasan na nangyari sa'kin ngayong taon. Dalawang taon na lang sana at makakapagtapos na ako ng na-diagnose si Papa ng Lung Cancer. Halos gumuho ang mundo ko. Parang ayaw kong maniwala na gano'n na kalala ang sakit ni Papa. Ni wala akong ideya, sa tuwing nagfe-face time kami ay parang wala naman sa mukha niya ang mayroong cancer. Hindi ko matanggap... kahit napakaimposible na gumaling siya ay ginawan ko pa rin ng paraan na makauwi siya rito sa Pinas at dito magpagamot. Nagtodo kayod ako, nanghiram pa ng pera sa mga dating kakilala. "Nic!" gulat na sabi ni Ate Yela ng nakita ako isang araw na nagkatagpo kami sa isang Mall dito sa amin. Gulat na gulat din ako lalo na't sa tiyan niyang malaki. "Buntis ho kayo, Ate Yela?" nanlalaki ang mga mata ko ng tanungin siya nito. Tumango siya bago ngumiti, may sumulpot ding lalaki na namamawis ang noo at nag-abot ng supot kay Ate Yela. "Bakit ang payat-payat mo naman yata?" kunot noong tanong niya. Napapikit ako sandali at tumitig ng malalim sa kanya. Nakakahiya ngunit kailangan ko ng malaking pera para makapagbayad sa lahat ng pinagkautangan ko para lang mapagamot si Papa... na sa huli ay wala ring nagawa. "Alam mo na ba?" tanong niya, bago ko pa man nahingi ang tulong niya. "Umuwi na si Kent," ngiti niya. Napasinghap lang ako bago ngumiti. Nakauwi na pala siya. "Mabuti naman, may asawa na ba?" Umiling siya at inabot sa akin itong supot na binili ng boyfriend niya sigurado. "Pero may girlfriend." Humigpit ang kapit ko sa supot at ngumiti bago tumango. May girlfriend na pala... sabi niya baka ako raw ang makahanap. E siya nga 'tong pagkatapos ng dalawang taon ay may girlfriend na pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD