Chapter 6

2338 Words
Theodore Herrera Months have passed at tinotoo nga ni Mr. Jacob ang sinabi nyang gusto nya kong maging karelasyon. Oo relasyon agad at wala ng panliligaw na naganap. Siguro kasama na din yon sa relasyon namin. He was always sweet. Lagi syang may paflowers at chocolates pero shempre dito nya lang sa apartment ko dinadala dahil ilang buwan na din kaming patago na nagkikita. Patago na para ba kaming mga magnanakaw. Ako, ninakaw ko siya sa asawa niya. Asawa niya na walang kamalay malay sa panloloko naming dalawa. Bukod sa shooting, minsan sa hotel o kaya dito sa apartment ko kami nagkikita at nagdedate. Palagi ko din syang tinatanong kung hanggang kelan nya ba ako itatago? Pero ang sagot nya ginagawan pa daw nya ng paraan. Kaya naman umu-oo nalang ako. Minsan pa nga kapag nasa shooting kami, may times talaga na hindi niya kayang kontrolin yung sarili niya at bigla nalang niya akong hihilahin papunta sa comfort room at doon may bigla nalang may mangyayari saming dalawa. May takot pa din na bumabalot sa buong sistema ko. Kahit na gusto ko to. Pero nandon pa din yung takot. Yung takot na hindi naman to permanente. Yung katotohanan na baka hindi naman niya talaga ako mahal at laruan niya lang ako. Nandito ako sa set at pagbalik ko sa tent ng may nakita akong isang boquet ng bulaklak at chocolate sa ibabaw ng mesa ko. I looked at the penmanship pero hindi ito sulat ni Mr. Jacob. Sino naman kayang maglalagay neto dito? "Do you like it?" Nagulat ako ng may nagsalita sa likod ko at paglingon ko si Ralph. Yung katrabaho namin ni Mr. Jacob. "Mr. Ralph?" "Yes Theo. Ako naglagay nyan jan. Do you like it?" Tanong nya ulit. "P-Po? Mr. Ralph, bakit po may paganito kayo?" Takang tanong ko. "Isn't it obvious Theo? I like you." Sabi niya na kinagulat ko. "Po?!" "Everyone here knows that you are a gay. I mean, marami na ang nakakahalata sa bawat kilos mo. Wag ka mag alala wala namang nangjajudge sayo. Naghihintay lang talaga ang lahat na sayo mismo manggagaling or ikaw mismo ang mag come out." He said. Nagulat ako sa sinabi niya. Alam na ng lahat? Paano? Bakit? Saan? Wala naman kasi talagang ibang nakakaalam bukod kay Mr. Jacob at Kuya Liam ng totoo kong pagkatao. As much as possible talaga hindi ko din pinakikita yung feminine side ko pero hindi ko kaya. Baka yun ang dahilan? Hindi nag sisink in sakin lahat eh. "And to your question about that." Sabay turo sa bulaklak at chocolates. "Matagal ng nakatuon ang atensyon ko sayo Theo. But you. You didn't even took a little glance on me." Nakapout na sabi niya. Natawa naman ako kasi ang cute niya. "S-Sorry Mr. Ralph. I don't know what to say. Nagulat lang ako sa mga sinabi mo." Nahihiya kong sabi. Narinig kong natawa siya. "Actually, si Direk talaga nagpapunta sakin ngayon dito para sunduin kita. He was calling us for a meeting." Sabi niya. Narinig ko naman si Direk na tinawag kami kaya lumabas na muna kami ni Mr. Ralph sa tent at dumaretcho sa pwesto nila. Bakit parang bigla akong kinabahan kasi nakatingin sila sakin lahat? "Hi Theodore." Pangbungad palang ni Direk lalo ng lumakas yung kabog ng dibdib ko. "Direk, t-tungkol po ba to sa--" "Yes. And.. We just like to informed you na alam na namin lahat ang sexuality mo. But don't worry, it doesn't matter to me or kahit sa kanino dito. Right guys?" At nagtanguan naman yung mga staff. Hindi ko alam pero naluluha ako. "We just want you to be open and be who you are. Ayokong itinatago mo ang sarili mo sa kung ano at sino ka. Kung ano ka man, we still love you. And natutuwa kami sayo." Sabi ni Direk. Maluha luha akong napatingin sa lahat and mga nakangiti sila habang natango. Napatingin din ako kala Hobi Hyung at nakangiti din sila. "M-Maraming salamat po! Sobrang natatakot lang po talaga ako sa magiging resulta kung sakaling malaman po ng lahat." Sabi ko habang umiiyak na at nagbow sa kanilang lahat. "Tutulungan ka naming mag come out in public sa press conference. Wag ka mag alala kami bahala sayo. Just don't mind what other people would say. Basta kami naniniwala kami sa kakayanan mo." Sabi ni Direk at niyakap ko sya. "Salamat po Direk." Sabi ko sa kanya. Ang saya ko. Kaya ko ng kumilos ng walang itinatago sa kanila. Yung Theodore na hindi nagpapanggap at nagbabalat kayo. Nag start na ulit ang shoot, yung scene ay yung part na nakilala ko si Mr. Ralph at nagkagusto siya sakin. Ramdam ko na parang sinasatotoo na niya yung bawat linyahan na lumalabas sa bibig niya. Pero bawal akong matinag. Gusto ko ng matapos to kasi naiilang ako kay Mr. Ralph sapul ng biglaan niyang confession sakin kanina. Which is weird for me. Pagkatapos ng ilan pang scenes at after ilang takes nagdecide na din na mag uwian. Pagbalik ko ng tent nakita kong hawak ni Mr. Jacob yung bulaklak na nasa lamesa ko. "What the hell is this Theodore?" Galit na sabi niya. "M-Mr. Jacob." Kinakabahan ako. Kasi alam ko kung pano magalit tong lalaking to. Ngayon lang pati siya nakakita na may ibang tao na nagbigay sakin ng ganito. Dahil madalas puro pagkain ang padala ng mga fans ko at ibang materyal na bagay. Bukod kasi sa kanya, wala ng ibang nagbibigay sakin ng flowers ng chocolates. Pero eto, sa set pa talaga kaya alam kong magagalit talaga s "I said what the hell is this?" Sabi niya ulit saka hinawakan ako sa braso at humihigpit yung hawak nya. "S-Sir masakit po." Sabi ko na mangiyak ngiyak na. Narinig naman namin yung boses nila Kuya Liam sa labas na papalapit na sa tent kaya binitawan nya yung kamay ko tsaka padabog na pinatong pabalik yung bulaklak sa mesa ko. Umalis na sya na hindi ako inimikan. "Oh JK uuwi kana?" Tanong ni Kuya Eliot sa kanya pero nilagpasan nya lang to. "Anong nangyare doon Theo? Nag away ba kayo? LQ?" Takang tanong sakin ni Kuya Eliot na may halong pang aasar. Hindi nalang din ako umimik. Obvious ba masyado? Kasi naman hindi ko alam gagawin ko. This is the first time I saw him like this na sobra kung magselos. Wala na din naman akong ibang choice kung hindi ang umuwi nalang dahil hindi ko din naman alam kung saan ko pupuntahan si Mr. Jacob. Wala naman akong ginagawang masama. Pag uwi ko sa apartment ko nagulat ako at nasa loob na si Mr. Jacob. Halos mapasigaw ako sa gulat dahil nakaupo sya sa sofa at patay ang ilaw. "Mr. Jacob? A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. "Bakit Theo? Sawa ka na ba saken? Huh. Bakit? May bago na bang tumitikim sayo?" Sabi niya ng makalapit sya sakin. Nagpantig yung tenga ko. Halos umakyat sa ulo ko lahat ng dugo sa katawan ko kaya nasampal ko sya. "Paano mo nasasabi sakin yan ha?! Paano?! Tangina. Ikaw lang! Ikaw lang nag iisang nakakahawak sakin! Sayo ko lang binigay buong ako! Lahat! Ganun ba kadumi tingin mo saken ha?! Oo kirida mo ko pero di ako malandi!" Sigaw ko sa kanya habang umiiyak. Ayoko sa lahat yung ganito. Oo alam ko naman na kabit niya ako. Pero hindi ako malandi o maihahalintulad sa isang p****k. Parang natauhan sya sa sigaw ko. Niyakap nya ako ng mahigpit at umiiyak na din sya. "I'm sorry Theo. I'm sorry. I didn't mean to say that. I was just eaten by jealous. Ayoko lang na mawala ka sakin." Sabi nya habang nakayakap padin sakin. I heard him sobbing kaya naman niyakap ko din sya. "Sorry din Mr. Jacob. Hindi ko naman kasi alam na ganun." Humiwalay sya sa pagkakayakap sakin tsaka hinawakan ako sa muka at hinalikan ako ng malumabay sa labi. "K-Kay Mr. Ralph galing yung bulaklak at chocolate. H-He said he likes me. P-Pero di ako nagrespond sa sinabi niya." Sabi ko ng nakatingin sa mata nya. "I-Ikaw lang gusto ko Mr. Jacob." Dagdag ko pa. Totoo naman. Hindi ko alam kung anong ginawa niya sakin pero handa akong ialay buong buhay ko para sa taong to. "Akin ka lang Theo. Please. Wag na wag kang magpapauto sa Ralph na yon. O kahit kaninong lalake.." Sabi niya na may luha padin sa mata. Tumango lang ako. "I love you Theodore." "I love you too Mr. Jacob." And tonight, may nangyare nanaman samin dito mismo sa apartment ko. Kinabukasan nagising ako wala na si Mr. Jacob sa tabi ko. Pagpunta ko sa kitchen nakita kong may mga pagkain ng nakahain at may notes na nakalagay. Baby, I leave early, nakauwi na si Aisha. I'm sorry dina kita ginising at alam kong pagod ka sa 3 rounds kagabe. I made breakfast for you. See you later at the set. I love you.                                                                                                                                                                                    Mr. Jacob ❤ Napangiti naman ako sa note nya. Ah so umuwi na pala yung asawa nya? Ilang buwan din nawala si Ms. Aisha gawa ng world tour nya. Nagpaka busy siya sa mga concert niya sa iba't ibang bansa. Knowing na may asawa siya dito. Habang nakain may biglang kumatok. Sino naman kayang bibisita ng ganito kaaga? Pagbukas ko si Landon. Namamaga ang mga mata. "Bes." Sabi niya na parang iiyak nanaman. "Bes?! Anong nangyare sayo?! Bakit ka umiiyak?!" Sabi ko na nag aalala. Hinatak ko sya papasok sa loob at tsaka umupo kami sa salas. "Nag away kami ni Dwight. Small things lang pero big deal sa kanya." Sabi niya. Hay nako. Parang hindi pa nasanay tong bestfriend ko sa pinsan kong masungit. "Potah bes ang tearts mo ha!!! Hindi ka pa ba nasanay sa jowa mo?! Sarap mo batukan akala ko naman may nashiguk!" Sabi ko sa kanya tsaka tumayo ulit at bumalik sa pagkain. "Palibhasa wala ka kasing jowa kaya di mo alam yung feeling." Sabi niya. "FYI ghorl meron kaya." Nanlaki yung mata nya sa sinabi ko at tsaka ko lang narealize na nadulas pala ako. Potaaaaah. "No no no! I was just kidding bes." Sabi ko na pilit natatawa. s**t tanga ko. He was looking at me and saying na wag ako magsinungaling sa kanya at kilala nya ako. Napatingin sya doon sa note sa lamesa at hinablot nya bago ko pa makuha. Napasigaw sya ng bongga at halos tumaob na yung lamesa sa gulat nya. "S-Si Mr. Jacob ang-ang jo-jowa mo?" Titig na titig sya don sa note. Tumango lang ako. Pero nangangatog na ako sa sobrang kaba. Hindi ko gusto mangyayare. "Kelan pa bes?" Naging seryoso yung boses nya. "3 months na Landon." Sabi ko at parang naiiyak na ako. "Bobo ka ba? Nakiki apid ka sa asawa na may asawa? Tangina naman bes! Where's your brain?!" Medjo mataas na yung boses nya. Nag umpisa na akong umiyak. "L-Landon. I can't help it." Sabi ko. "Tangina Theo! May asawa na yung tao! Pumayag kang maging kabet?!" Nalakas na yung boses nya. "Mahal ko sya!" I shouted. "Mahal na mahal ko na sya! And di ko kaya pag nawala sya saken!" I added. Napailing sya. "This is not you Theo." He said. "Ako to Landon. I decided to be like this. Whether you like it or not." Sabi ko. "I can't believe this! Bakit ka nagkaganyan?! Ano bang akala mo ha pang habang buhay mo mapapanindigan yan?! Na habang buhay ka magiging kabet?!" Galit na sabi niya. "Ewan ko." Sabi ko. Tumitig lang sya sakin ng matagal. "Sinong nakakaalam?" Tanong nya. "Tayo lang tatlo." Sagot ko. "Paano nalang kapag nalaman to ng asawa niya? O ng Kuya mo? Paano na Theo? Sana nag isip ka manlang muna sana bago mo pinasok yung ganito kahirap na sitwasyon." Patuloy na pagbubunganga niya sakin. "Bes alam kong mali. Pero kasi hindi ko na din napigilan yung sarili ko. Masama bang magmahal ako?" Hindi ko na napigulan at tuluyan na akong naiyak. "Walang mali sa magmahal bes. Ang mali lang, mali ka ng taong minahal. Sana pumili ka nalang ng walang sabit. Yung hindi ka masasakyan in the end. Yung kaya kang ipagsigawan sa buong mundo." "Sa tingin mo ba hindi kayang gawin sakin ni Mr. Jacob yon?" Tanong ko sa kanya. Oo alam ko napaka tanga ng tanong ko. Pero umaasa pa din ako kasi nangako siya. "Tanga ka ba? O tanga ka lang talaga? Hindi malamang! He's married and he can't change that. Walang nananalo na kabit Theodore." Ang sakit naman nung term na kabit, kirida. Pero sampal nalang talaga sa mukha ko ang katotohanan na totoo yun na ako nga ay ganun. This time I was crying very hard this time. He just hugged me. "Theo, sana wag mong pagsisihan tong ginawa mo. Pero nandito lang ako if you needed someone. Tangina mo naman kasi bes. Pumasok ka sa gulo. Sana kayanin mong lumabas jan." Sabi niya habang hinahagod yung likod ko. Nagkwentuhan lang kami ni Landon ng mga tungkol sa bagay bagay na nangyari sakin pero shempre di pa din siya makapaniwala sa nalaman niya. May mga bagay pa din siyang pinaiintindi saakin lalo na ang pagiging isang kirida ko. Hindi ko din naman masisisi ang sarili ko dahil tuluyan at buo ko ng ibinigay kay Mr. Jacob ang puso pati na ang katawan ko. Ng makaramdam na si Landon na hinahanap na siya ng pinsan ko umalis na din sya dahil natawag na si Kuya Dwight. Ngayon. Paano kung lahat ng tao malaman to? Paano na kaya ako? Paano na kaya career ni Mr. Jacob? Bukod sa masisira ko ang buhay may asawa niya, pati na din yung career niya masisira ko. Itigil ko nalang kaya to? Sa reaksyon palang ni Landon nasaktan na ako. Paano pa kaya pag lahat ng taong nakakakilala samin malaman? Mas dobleng sakit para sakin. Tama nga siya. Ang laking problema na pinasok ko. Sana nga makalabas pa ako ng buo ang puso ko pero malabo na atang mangyari yun. Nakatulugan ko nalang ang pag iisip ng malalim. Nakakastress ang mga nangyayari pero sana malagpasan ko to. Aasa ako sa mga pangako niya na ipaglalaban niya ako kahit para sa iba isa akong tanga. --- Hello. Thanks for reading! ❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD