Theodore Hererra
Mabilis ding lumipas ang mga araw at limang buwan na si TJ. Nakaplano na ang binyag niya. Shempre lahat ng tropa nandoon.
Bininyagan si TJ sa simbahan at lahat kami masayang masaya. Ang simpleng reception sa bahay lang ginanap. Ayaw din kasi namin ni Jacob ng masyadong engrande.
Nagiging bibo na bata din si TJ kagaya ng Ate Yesha niya at mahal na mahal siya nito.
Binisita din namin si Aisha para ipakilala si TJ sa kanya. Shempre, pamilya din si Aisha at hindi na yun mawawala sa amin.
Sa lahat ng hirap ko bilang isang nanay kay Ayesha at TJ, wala akong kahit na kakarampot na pagsisisi sa mga ginawa ko.
Ibinibigay ko lahat ng makakaya ko para maiprovide ang mga needs nilang dalawa. Lalo na sa bunso ko.
Katulad ng kay Ayesha, ayokong mabilis na lumilipas ang mga araw na tila ba pinabibilis din nito ang paglaki ng mga anak ko.
Si TJ, mas lalong nagiging kamukha ng Daddy niya. Sabagay kasi during my pregnancy journey hindi talaga pwedeng hindi ko makikita si Jacob. Gusto kong palaging nasa tabi ko siya.
Pinaglihian?
I must say yes.. haha!
Well atleast, siya pinaglihian ko hindi iba.
May pagkapilyo din naman si TJ na namana niya din sa Daddy niya. Everytime na ilalapag ko siya dahil tulog na at ako naman kailangan kong magbanyo bigla bigla nalang siyang mumulat at papalarat ng iyak. Ako naman, hindi na makakapag banyo dahil nga ayaw niyang magpalapag.
May times pa na minsan talaga hindi napasok sa trabaho si Jacob para mas maging on hand siya kay TJ, pero sinasabi ko na he doesn't need to do this. Kaya ko naman.
Si Ayesha? She was now a big girl. Madalas na siya ang nagtitimpla ng gatas ng bunso niyang kapatid. May times din na siya ang nagbabantay at nagpapalit ng diapers ni TJ.
"Mama. Ako na po magbabantay kay bunso. Magpahinga po muna kayo."
Ganyan palagi ang sinasabi niya kapag nakikita niya ako na tila ba nakukulangan sa tulog.
Today, I was planning to throw a simple birthday party for my son. He was turning 1 year old next week. As I told you, mabilis ang panahon. Nakakalungkot man isipin na lumalaki na ang mga anak ko, masaya pa din ako dahil healthy sila
I grab my phone and dinialed ko kaagad ang mga babaita.
"Hello? Pumunta naman kayo dito. Help me.."
[Why? May problema ba?]
OA ni Kuya Garreth.
"Nope.."
[Ah okay I get it. Next week na nga pala birthday ni Tyron.]
Buti pa si Ate Christine nagets agad.
[Ay oo nga pala!! So you needed our help? Sige mag aayos na ako. Dalhin ko si Light.]
Si Landon naman na laging to the rescue.
[Ako din, dalhin ko yung kambal.]
[Sige. Mag aayos na din ako. Wala si Garry at Elisse, nasa parents ni Eliot.]
"Sige Kuya okay lang. Magprepared lang din ako ng foods. Ingat kayo! Bye!"
And then we hang up..
"Ayesha, can you look to Tyron for me anak?" Kausap ko sa anak kong busy sa pag cecellphone.
"Sure po Mama." Nakangiti niyang sabi.
Napangiti din naman ako. Never talaga siyang tumanggi when it comes to his younger brother.
Bumaba na muna ako sa kitchen at naghanap ng pwedeng lutuin.
May mga bata na kasama kaya mas masarap ang may sabaw.
I looked for ingredients ng Sinigang na Baboy sa ref and my refrigirator never fails me.
Actually, kapag namamalengke kasi ako bultuhan talaga. As in pang 1 week stock na ng foods para hindi na ako aalis lagi.
I started to chopped all the ingredients needed. At nagluto na ako.
"Hmmm. Ang bango!!!"
Napalingon ako sa nagsalita.
Naandito na sila Kuya Garreth.
"Hello." Bati ko sa kanila.
"Ang sarap naman niyan! Is that for us?" Si Landon na dere deretcho sa kusina at may pag silip pa sa niluluto ko.
"Hello Light. Hello Kambal." Bati ko sa mga pamangkin ko at kiniss ko sila isa isa.
"Hello po Tita/Ninang." Sabay sabay nilang sabi.
"Ayesha is uptairs, akyat kayo doon." Nakangiti kong sabi sa kanila. Sabay sabay naman silang nagtakbuhan paakyat sa taas.
Naandito naman kaming apat sa kusina.
"So ano bang plano mo? Bongga ba?" Tanong ni Landon na nakaupo sa dining.
"Hindi bes. I want to make it more simple yet memorable para kay Tyron. Alam mo naman, ayoko pati na masyadong crowded ang place. Pero kung puro employee naman ng company at tayo tayo lang, mas okay yun." Paliwanag ko habang hinahalo ang niluluto ko.
"You're right. So ano bang theme naiisip mo?" Si Ate Christine na nakasandal sa may kitchen counter.
"Hmm. Avengers sana. Alam niyo naman na die hard fan ako ng Avengers." Natatawa kong sabi.
"Then let's get it!" Masayang sabi ni Kuya Garreth.
After ng ilang minuto tinawag na namin yung mga bata dahil kakain na. Ako naman kinuha ko si Tyron dahil hindi ko siya pwedeng iwanan mag isa sa kwarto.
The whole day sila naandito, at dito na din sila sinundo ng mga asawa nila. So sweet..
Days have passed. Birthday na ng pinaka mamahal kong bunso.
He was wearing a Captain America costume at si Ayesha naman ay si Captain Marvel.
Ang cute..
Si Garry at Elisse naman ay naka Hawk Eye and Black Widow. Ang gwapo at ang ganda netong dalawa na ito.
Yung kambal naka Iron Man at Hulk. Super effort ni Kuya Liam at Ate Christine sa costume ng mga anak nila.
Puro mga kids lang ang naka costume. Anak ng mga empleyado sa company at mga classmates ni Ayesha.
Masaya ang lahat. Kanya kanyang regalo na talaga naman nagustuhan ni Tyron.
Games na sasakit ang panga mo sa kakatawa dahil sa kakulitan at kabibohan ng mga bata.
Kasama na din doon ang pag wish namin ng asawa ko para kay Tyron.
"Wala akong ibang hiniling para sa mga anak ko. Gusto ko lang na lumaki sila na healthy at mababait na mga bata. I am not asking for more basta iblessed lang sila ng Panginoon at gabayan." Nakangiti kong sabi.
"Gusto kong lumaki silang dalawa na may pagmamahal sa amin ng Mama nila. I want them both to know the importance of love and respect. Wala naman na din akong mahihiling pa. May masaya akong pamilya and I want Tyron to see how happy our family to have him." Si Jacob naman na abot tenga din ang mga ngiti.
Nagpalak pakan ang mga bisita.
Pagkatapos ng masaya at nakakapagod na party, nag kanya kanya ng uwi ang mga bisita na hindi pwedeng walang pabaon.
Nagready din kasi ako ng souvenirs para sa mga bisita.
Isang nakakapagod at masayang araw para kay Tyron. My baby is now turned 1.
5 MONTHS LATER
"Tyron James! No! Don't put that on your mouth!" Sita ko sa 1 year and 5 months old kong anak. Parang kailan lang kaka 1 year old niya lang, ngayon jusko napaka kulit!
Naandito kami kala Kuya Garreth at nag get together ulit kaming lahat. The last time kasi na nag get together kami 1 month ago na. Busy kasi sa kanya kanyang buhay.
Mga asawa namin busy sa company, which is good naman. Maganda at settled lang ang daloy ng sales. Kung baga maganda kasi ang performance ng mga empleyado sa mga trabaho nila.
Nawala ako sa pag iisip ng biglang magsalita si Kuya Garreth.
"Pano kung mag out of town ulit tayong lahat? Bakasyon tayo sa ibang bansa? Tagal na din natin hindi nakakapag travel. Para na din makapag relax naman ang mga asawa natin na grabe sa pagka workaholic." Sabi ni Kuya habang nag aayos ng pagkain namin.
Nagtinginan naman kaming lahat.
"Good idea Kuya. Para naman marelax tong mga asawa natin. Tutal mataas naman sales ng company at never naman bumaba. Mapag kakatiwalaan naman lahat ng empleyado sa company." Sabi ko naman.
Gusto ko din kasi mag out of town. Last time kasing nagawa namin yun nung honeymoon namin ni Jacob. Though, nakakapasyal naman kami sa ibang lugar pero puro kaming mag anak lang. Nakakamiss naman kasi na sama sama kaming mag gagala.
"Saang bansa nyo ba balak? G lang kami." Sabi ni Ate Christine na pinag sasandok ng pagkain ang mga anak niya.
Mukhang naka isip naman na agad si Kuya ng bansa dahil hindi na siya nag isip pa.
"New Zealand? Mukang maganda doon eh." Sabi pa niya.
Omg! Gusto ko din doon!
"Sige. G lang din kame. Kailan ba yan?" Tanong naman din ni Landon.
"Next week sana?" - Kuya Garreth
"Sige game kame." - Kuya Dwight
"Yehey!!!! New Zealand!!!" Masayang sabi ng mga bata at nagtatatalon talon pa. Si Tyron naman na hawak ng Daddy niya nakikipalakpak pa kahit hindi pa naman niya alam ang mga nangyayari.
Nakaplano na ang lahat. Pati na mga destination na pupuntahan namin. May mga budget naman kaming lahat at yun talaga ang hindi mawawala.
3 days before our out of town trip, inayos ko na lahat ng mga gamit namin. 4 baggage dahil tig iisa kaming mag anak. We are going to stay there for 1 week kaya naman kailangan namin ng madaming gamit.
"Mama, maganda po ba sa pupuntahan natin? Naeexcite na po ako." Kinikilig na sabi niya habang pinapanood ako sa pag iimpake ng gamit niya.
"Hindi pa din ako nakakapunta doon anak. Pero alam kong sobrang ganda doon." Nakangiti kong sabi.
Mas lalong gumuhit ang excitement sa mukha niya.
"Masaya po yun for sure Mama! Kasi kasama po natin sila Tito at Tita pati na po mga pinsan ko."
Natutuwa ako sa reaksyon niya. Napapakapit siya ng mahigpit sa PJ's niya dahil sa gigil. Haha. Same as my reaction when I was young pa.
"Enjoy ka doon anak." Sabay tapik ko sa ulo niya.
After ko iready lahat ng kailangan, chineck ko ulit lahat. Lalo na ang mga needs ni Tyron.
Double check din ako sa mga tickets at passport naming apat. Pinagsama sama ko at inilagay ko sa bag ko.
Pati na din ang mga kailangan pang mga gamit like charger, power bank at kung ano pang mahahalaga.
Dumating na yung araw na pupunta kaming lahat sa New Zealand.
Lahat kami excited pati na mga bata. Nakangiti akong nakatingin sa kanilang lahat.
Si Landon at Kuya Dwight kasama ang anak nilang si Light na tila ba katulad namin na excited na sa pag punta namin sa ibang bansa. Ang dalawang ito magagaling din silang mag alaga ng bata. Si Light, kahit na may pagka masutil eh, malambing at mabait na bata. He was always making sure na wala siyang nagagawang mali dahil malaki ang takot niya sa parents niya. Although, hindi naman namamalo sila Landon or naninigaw. Ayaw niya lang na madissapoint ang Mommy at Daddy niya sa kanya.
Si Kuya Garreth at Kuya Eliot naman na kasama ang mga anak nila na si Garry at Elisse. They are both well disciplined din. Garry really love his sister na si Elisse kahit na araw lang ang pagitan nilang dalawa sa pag anak ng mga nanay nila. Si Garry kasi nakuha niya yung ugali ni Kuya Eliot na over protective when it comes to his sister. Si Elisse naman na super sweet at gandang bata. She always making sure that her Momma which is Kuya Garreth is always happy. Actually, iyang dalawa na yan ang happy pill ng couple na yon.
Si Kuya Liam at si Ate Christine kasama ang kambal nilang anak. The one and only, ang makulit na kambal. Nakakatuwa naman ang pagiging makulit nila. Unlike sa ibang bata na maiinis ka. Oo may pagkapilyo dahil parehas lalaki pero hindi naman mawawala yon hindi ba? They are both sweet too. Magkamukhang magkamukha kaya naman malilito kung sino si Line at sino si Lany.
At ang asawa kong si Jacob na kalong ang bunso naming si Tyron James at hawak naman sa kabila niyang kamay si Ayesha.
Si Ayesha na napaka lambing at napaka bait na bata. She never fails to amused me when it comes to her attitude. Kapag may nararamdaman siyang kakaiba napaka out spoken niyang bata. Example, kapag hindi niya gusto ang treatment sa kanya ng isang tao nahingi siya ng advice sa akin. 'Mama thank you po.' and that so sweet of her. Marunong siyang magpasalamat sa kahit na sino kahit na maliit na bagay lang.
Si Tyron James, my bunso. Mama's boy pero kapag nandyan ang Daddy niya dedma na ako. Naku! Namana ang pagiging pilyo ng Daddy niya. Pero malambing na bata. Gusto niya palagi na kayakap akong matulog kaya naman badtrip na lalo ang asawa ko. Dahil dalawa na daw ang c**k blocker.
Si Jacob, my one and only love. I can't imagine my life without him. Super onhand husband and father. Hindi nagkulang bilang asawa sa akin kahit busy sa trabaho. Hindi nagkulang bilang ama sa mga anak namin kahit na busy siya sa company. He was always making sure na hindi siya nagkukulang sa amin at yun ang pinakang kina proud ko sa kanya.
Ito ang pamilya ko. Pamilya kong nabuo na magkakasama at masaya. Pamilya kong magkakasama sa hirap at ginhawa.
Una hindi ko inisip na magiging ganito kasaya ang buhay ko. Hindi ko naisip na maikakasal ako sa taong mahal na mahal ko at bibiyayaan kami ng dalawang maganda at gwapong mga anak.
Noon akala ko hanggang sa pagiging kabit lang ako. Pero hindi pala. Magiging legal na asawa at magulang ako.
Nagpapasalamat ako kay Aisha, dahil binigyan niya ako ng mabait at maalagang asawa at anak. Naging malaki man ang kasalanan ko sa kanya pero binigay niya padin sa akin yung mga taong mahal niya. You deserve a happy life jan sa taas kasama ni God Aisha, salamat sayo. Maraming salamat. I promised you na aalagaan ko sila.
Masayang masaya akong makita lahat ng taong mahal ko na magkakasama at masaya. Sa bawat ngiti at tawa na naka ukit sa mga labi at mukha nila tumataba ang puso ko.
Panghabang buhay na pagmamahalan at kasiyahan na ngayon ay nasa amin ng lahat. At sana wala ng katapusan at hangganan.
Hindi naman ganoon kaperpekto ang hinihiling ko pero sana ang maging masaya kami kahit na may dumarating na mga problema.
Pagdating sa New Zealand. Kung saan saan kami nagpunta at namasyal. May mga lugar kaming pinuntahan na talaga namang nag enjoy kami.
Ang mga boys na gusto ay adventure, nag try silang mag hiking sa mataas na bundok. Pero dahil may kasama kaming mga bata naiwan nalang kami dito sa camper van.
We rented 4 camper van dahil hindi naman kami kasya sa iisa lang.
We explore different kinds of food. Hindi din mawawala ang pag shopping, picture dito at picture doon.
Ang perfect ng buhay ano? Sana lang ganito lang palagi. Masaya. Pero alam kong hindi naman pwede yun.
I love this life of mine. Wala akong pinagsisisihan.
Pero hindi pa dito natatapos ang kwento ng buhay namin. Alam kong may mga pagsubok pa na darating.
---
Season 2 is waving! Hindi pa dito natatapos ang kwento nila Theodore at Jacob kasama ang pamilya nila. Stay tuned!!