Theodore Hererra
"Ang kapal talaga ng mukha niya! Nang gigigil pa din ako hanggang ngayon!" Bulalas ni Landon. Isang oras na ang nakakalipas ng makaalis si Nala pero hanggang ngayon si Landon nagpupuyos pa din sa galit.
Buti nalang at hindi naglabasan yung mga bata kanina dahil pinakuha daw kaagad ni Kuya Garreth sa mga yaya nila yung mga bata at ipinapasok sa loob ng bahay.
"Ano ba kasing nangyari at humantong nanaman kayo sa sakitan?" Tanong ni Kuya Liam na katabi ang asawa niya na si Ate Christine.
"Pagbukas ko ng gate siya ang bumungad sa akin. Kung hindi ba naman talaga nuknukan ng katangahan ang dumadaloy sa katawan ng babae na yun, sinabihan ba naman ako na pakawalan ko na daw si Jacob at hayaan ko na silang dalawa na magsama." Pati tuloy ako hindi makakalma. Naaalala ko yung lumabas sa maduming bibig ng maduming babae na yon eh.
"Ang kapal naman ng mukha niya. Talagang sinabi niya sayo yon?" Rinig din sa boses ni Ate Christine ang pagka inis.
"Oh buntis. Huwag ka ng makisali at baka ika'y mapaanak pa dyan ng wala sa oras." Sita sa kanya ni Kuya Garreth.
"Pati ako naiinis. Nakakailang ulit na ba tayo ng sabi na ang kapal ng mukha niya? Kasi totoo naman. Ayoko man iadmit sa sarili ko ito pero tama lang sa kanya yung nangyari kanina." Pagsali naman ni Kuya Dwight sa usapan.
"Akala ko sa pelikula lang siya ganyan. In real life din pala? Kakaloka. Nako! Huwag lang magku-krus ang landas namin dahil hindi pa ako tapos sa kanya at baka makalbo ko siya!"
Si Landon talaga ang hindi maka get over. Gusto ko nga matawa pero seryoso siya sa galit na nilalabas niya.
"Change topic tayo. Ikaw ba Theodore? Kailan mo balak kausapin asawa mo? Huwag mo ng patagalin yang tampuhan niyo. Lalo na at umaaligid yang hayop na babae na yan. Huwag kang papatalo sa kanya." Sabi ni Kuya Garreth sa akin.
Natigilan ako.
Oo nga kailan ba?
"Masyado pang sariwa Kuya. Wala pa akong lakas ng loob makita siya." Sagot ko.
"Huwag niyo siyang pilitin. It takes time." Sabat ni Kuya Liam.
Nag change topic nalang sila para hindi na mag tuloy tuloy ang init ng ulo ni Landon. Pati na din daw hindi na ako maapektuhan pa sa nangyari. Hindi nila alam kahit hindi pag usapan yon palagi ko pa din naiisip.
Nagluto nalang din kami ng mga pagkain for lunch at nag isip ng mga pwedeng gawin para malibang.
Pero kahit na nagbibigay ang tropa ng effort para makalimot ako kahit papaano ay hindi ko pa din maiwasan na isipin si Jacob.
Malaki ang puwang niya sa puso ko. Mahal na mahal ko siya ng higit pa sa buhay ko. Hindi ako nag iinarte, hindi niya ako masisisi dahil nasaktan ako. Buo ang tiwala na ibinigay ko sa kanya.
Sana manlang naisip niya na hindi sirain yung tiwala na ibinigay ko sa kanya pero mali ako. Sinira niya pa din.
Kinabukasan, maaga akong nag ayos. Balak kong bumisita ulit sa sementeryo. Gusto kong makausap si Aisha. Sa kanya ko gustong ilabas mga saloobin ko.
"Saan ka pupunta bunso?" Tanong sa akin ni Kuya ng makapasok siya sa kwarto ko.
"May pupuntahan lang ako Kuya. Ikaw na muna bahala kay Ayesha ah? Huwag mo din palalabasin Kuya. Magpapaalam nalang ako sa kanya." Sagot ko.
Tumango tango naman siya at hindi na nagtanong pa.
"Sige mag iingat ka." Sabi niya at lumabas na ng kwarto ko.
Tinapos ko na ang pag aayos at bumaba.
"Mama saan po kayo pupunta?" Salubong sa akin ni Ayesha na galing sa salas at nanonood ng cartoons kasama ang mga pinsan niya.
"Anak, may importanteng pupuntahan lang si Mama ha? Kapag may kailangan ka sabihin mo lang kay Tito Garreth mo. Okay?" Sagot ko habang hawak ang pisngi niya.
"Okay po Mama." Tumango siya.
Bago umalis hinalikan ko muna siya sa labi at nagpaalam na ako kanila Kuya.
Nagdrive ako papunta sa isang flower shop para bumili ng bulaklak na dadalhin ko kay Aisha. Favorite niya ang white rose. Sabi din sa akin ni Jacob yan nung mga panahon na sila pa, palagi niyang inuuwian ng white roses si Aisha.
Nang matapos bumili ng bulaklak, dumaretcho na ako sa sementeryo.
Nakita ko ang isang pamilyar na sasakyan.
Ipinark ko yung kotse ko sa malayo layo para hindi niya makita. Tsaka ako dumaan sa way na alam kong hindi ko siya makakasalubong.
Nagtago muna ako sa isang poste malapit sa apartment ng puntod ni Aisha. Sapat na para marinig ko ang mga sinasabi niya.
Mukhang kararating rating niya lang din dahil kakapatong niya lang nung bulaklak na dala niya.
"Kumusta kana? Alam kong hindi ka masaya dyan dahil alam kong nakikita mo ang nangyayari sa amin ngayon. Nangako ako sayo na mamahalin ko si Theodore ng sobra pa sa pagmamahal na binigay ko sayo. Pero nabigo ako. Alam kong nadissapoint kita." Tumigil siya saglit.
Rinig sa boses niya ang panginginig, lungkot at sakit.
"Sorry.. sorry kung sinaktan ko si Theodore. Sorry kung akala niyo na nagawa ko yung bagay na nagawa ko sayo. Hindi ko alam paano ako mag papaliwanag sa kanya. Tulungan mo ako Aisha."
Nag umpisa ng mag c***k ang boses niya. Umiiyak ba siya?
"Tanggap ko namang kasalanan ko. Tanggap ko naman na kailangan kong pagbayaran ito. Pero ang sakit lang. Hindi ko naman sinasadya lahat ng nangyayari ngayon. Bigyan mo naman ako ng lakas ng loob oh. Kung parusa na ba ito at karma dahil sa mga nagawa ko sayo. Kulang pa ba lahat ng sorry na nasabi ko?"
Nag umpisa na din pumatak ang mga luha ko. Napatakip ako ng bibig dahil ayokong marinig niya ang mga hikbi ko.
"Mahal na mahal ko si Theodore. Katulad ng hiling mong mahalin ko sila ng anak natin. Pero hindi pa din pala ako perpekto."
Natahimik siya. Kaya naman sumilip ulit ako. Nakatungo lang siya habang umiiyak. Kita ko sa balikat niya ang pagtaas baba ng mga ito.
"Pasensya ka na kung dito pa ako nagdrama. Salamat sa pakikinig mo. Wala na talaga kasi akong malapitan kaya ikaw naisip kong puntahan. Dadalaw nalang ulit ako sa susunod. Salamat Aisha."
Pagkatapos ay umalis na siya.
Matagal bago ako umalis sa pwesto ko. Iniiyak ko lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Sa mga narinig ko hindi ko alam kung ano bang iisipin ko.
Sinigurado ko munang nakaalis na siya ng tuluyan kaya naman ako na ang lumapit sa puntod niya.
"Oo na, alam ko na. Galing dito si Jacob. Narinig ko lahat ng sinabi niya sayo." Panimula ko pagkatapos kong ilapag ang mga bulaklak sa tapat ng puntod niya.
"Mali ba ako Aisha? Sorry ha? Hindi ko naman talaga gusto na ilayo ang anak natin kay Jacob pero ayun lang yung naiisip kong paraan para magkaroon muna ako ng space para sa sarili ko. Sabi ko sayo aalagaan ko si Ayesha bilang tunay na anak ko. Alam mo, pumunta sa bahay si Nala. Alam kong kilala mo siya. Naalala ko pa nung nasabunutan mo siya dahil akala mo siya yung babae ni Jacob? Natatawa ako pero I admit it to myself na tama lang na nasabunutan mo siya noon. Well atleast nakaganti ka na umpisa palang." Natatawa kong sabi sa kanya.
"Ang kapal ng mukha niya na puntahan ako at sabihin na ipaubaya ko na sa kanya si Jacob. Dahil daw inagaw ko lang naman siya sayo. Nakakatawa talaga takbo ng utak ng babae na yon. Hindi niya alam na may basbas mo ako bago ka umalis dito sa mundong ibabaw."
"Sa lahat ng kabit siya yung pinaka makapal ang mukha para utusan ako. Sa tingin mo Aisha, kailangan ko ng kausapin si Jacob? Wala pa kasi talaga akong lakas ng loob. Natatakot akong malaman na may nangyari ba sa kanila? O may namamagitan talaga sa kanilang dalawa?"
Nararamdaman ko nanaman na namumuo ang mga luha sa mata ko.
"Pero katulad ng sabi ko sayo. Magpapaka tatag ako para kay Ayesha. Ipaglalaban ko si Jacob, pero sa ngayon gusto ko muna huminga. Sana lang kapag ready na akong makausap siya hindi pa huli ang lahat. O siya, aalis na ako. May trabaho pa ako sa bahay na dapat gawin. Salamat sa palaging pakikinig sa mga hinaing ko."
Ngumiti ako sa picture niya.
Umalis ako ng sementeryo na parang gumaan ng kaunti ang nararamdaman ko.
Sana lang talaga, magkaroon na ko ng lakas ng loob harapin si Jacob.
Hindi ko naman pwedeng itanggi..
Pero namimiss ko na din ang asawa ko.
Jacob Kaleb Ferell
Ilang araw na akong hindi kinakausap at inuuwian ng mag ina ko. Tumatawag ako kay Theodore pero hindi niya sinasagot hanggang sa iblocked na niya ng tuluyan ang number ko.
Hindi na din napasok don sa school si Ayesha dahil sa eskandalong nangyari.
Ngayon, nagdecide akong pumunta sa sementeryo dahil alam kong kailangan kong humingi ng tawad kay Aisha dahil hindi ko nagampanan yung pangako ko sa kanya na magiging mabuting asawa ako kay Theodore at ama naman kay Ayesha.
Kagaya ng palagi kong ginagawa, binilhan ko siya ng white roses. Kasi noon kapag may dala ako niyan laging nag la-lighten up ang mood niya.
Nagpark ako malapit sa apartment ng puntod niya tsaka ako naglakad papunta doon.
Mabigat ang pakiramdam ko.
Pagpasok ko, gusto ko na kaagad umiyak.
Ipinatong ko yung bulaklak sa tapat ng puntod niya tsaka ako nagsimulang magsalita.
"Kumusta kana? Alam kong hindi ka masaya dyan dahil alam kong nakikita mo ang nangyayari sa amin ngayon. Nangako ako sayo na mamahalin ko si Theodore ng sobra pa sa pagmamahal na binigay ko sayo. Pero nabigo ako. Alam kong nadissapoint kita." Tumigil ako sa pagsasalita.
Lungkot, galit sa sarili at sakit ang mga nararamdaman ko ngayon. Para akong tinotorture.
"Sorry.. sorry kung sinaktan ko si Theodore. Sorry kung akala niyo na nagawa ko yung bagay na nagawa ko sayo. Hindi ko alam paano ako mag papaliwanag sa kanya. Tulungan mo ako Aisha." Hindi ko na napigilan ang sarili ko na maiyak. Ang hirap pala talaga magpigil ng iyak. Pero dahil ako lang naman ang tao dito ilalabas ko na to.
Simula ng mangyari ang pag alis ni Theodore sa bahay namin wala akong ibang nakausap. Kundi sarili ko lang. Hindi din ako tumatanggap ng bisita. Wala akong kinakausap dahil naguguilty ako.
"Tanggap ko namang kasalanan ko. Tanggap ko naman na kailangan kong pagbayaran ito. Pero ang sakit lang. Hindi ko naman sinasadya lahat ng nangyayari ngayon. Bigyan mo naman ako ng lakas ng loob oh. Kung parusa na ba ito at karma dahil sa mga nagawa ko sayo. Kulang pa ba lahat ng sorry na nasabi ko?"
Lalong bumibigat ang loob ko sa mga salitang binibitawan ko ngayon. I'm miserable.
"Mahal na mahal ko si Theodore. Katulad ng hiling mong mahalin ko sila ng anak natin. Pero hindi pa din pala ako perpekto."
Natahimik ako tsaka tumungo. Gusto kong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ako perpekto, kahit anong gawin ko hinding hindi ako magiging perpekto.
Nakatungo lang ako habang patuloy na umiiyak.
Pinahid ko ang mga luhang nasa pisngi ko bago ako nagsalita ulit.
"Pasensya ka na kung dito pa ako nagdrama. Salamat sa pakikinig mo. Wala na talaga kasi akong malapitan kaya ikaw naisip kong puntahan. Dadalaw nalang ulit ako sa susunod. Salamat Aisha."
Umalis na ako. Kahit papaano magaan na ang pakiramdam ko. Dahil alam ko sa lahat ng tao si Aisha ang willing makinig sa akin kahit na nasaktan ko siya noon.
Umuwi ako ng bahay at bumungad sakin ang nag aabang na si Kuya Eliot sa tapat ng gate ng bahay ko.
"Oh Kuya?" Bati ko sa kanya.
"I was here to check you." Pangbungad niya.
"Pasok ka na muna sa loob." Aya ko sa kanya.
Nakita ko naman na ikinaway niya ng bahagya yung kamay niya.
"Hindi na JK. Binisita at sinilip lang talaga kita. Kung ano man ang nangyayari sa inyo ng asawa mo pakatatag ka. If you needed someone to talk to tawagan mo lang ako." Pilit ang ngiting ibinigay niya sa akin. "Siya, aalis na ako. May trabaho pa kasi ako." Sabay tapik sa balikat ko at sumakay na siya sa kotse niya.
Hindi ko masisisi si Kuya Eliot kung mas pipiliin niyang panigan si Theodore. Pero masaya pa din ako na kahit papaano nagagawa niya pa din akong puntahan. Ayun nga lang ramdam ko ang pag distansya niya.
Me against the world?
Dalawang araw ang lumipas, dito ako sa sofa natutulog dahil baka anytime soon umuwi na ang mag ina ko.
Naalimpungatan ako sa nagdodoorbell kaya kahit na pupungas pungas pa ay pumunta ako sa pintuan at binuksan ito.
Pero ibang tao ang bumungad sa akin.
"Jacob.."
Ano nanaman ba kailangan ng babae na to?
"Nala. What are you doing here?" Seryosong tanong ko sa kanya.
"Please. Sa akin ka nalang." Pagmamakaawa niya.
"Are you out of your mind?! Pupunta ka lang dito para sabihin iyan?! Baliw ka na!" Hindi ko maiwasan na tumaas ang boses ko.
"Mahal kita! You deserved someone better than that gay wife of yours!" Tumaas na din ang boses niya. "Please be with me! Mas deserved mo ang maging masaya sa katulad ko!" Akmang hahawakan niya ang braso ko pero iniwas ko ito agad sa kanya.
Nagpanting ang tenga ko sa narinig kong pang lalait niya sa asawa ko kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili kong hawakan siya sa leeg.
"Huwag na huwag mong lalaitin si Theodore dahil kahit anong gawin mong paligo at paghilod sa katawan mo no match ka sa asawa ko. Hinding hindi kita magugustuhan at hinding hindi kita mapapansin dahil isa kang salot. Kulang pa ito sa mga ginawa mong paninira ng buhay ko. Kung pwede lang kitang pataying ngayon gagawin ko talaga." Kita ko na nahihirapan na siyang huminga kaya naman binitawan ko na ang leeg niya.
Umubo ubo siya at tila naghahabol ng hininga.
Tinignan ko ulit siya ng masama.
"Subukan mo pa ulit na pumunta dito at guluhin ako. Makikita mo ang hanap mo."
Sinalampak ko ang pintuan dahilan para malakas na yumanig ang tunog nito sa loob ng bahay.
Hindi ko man gustong manakit ng babae pero kung katulad niya hindi ako magdadalawang isip.
Tinry ko pumunta kala Kuya Garreth pero hindi nila ako pinagbuksan.
"Sir, bawal daw po kayong papasukin." Sabi ng kasambahay nila.
Wala naman akong magagawa. Ang gusto ko lang makita ang anak ko.
Umuwi ako na lugmok na lugmok.
Kumuha ako ng ilang bote ng alak sa ref at nag umpisang tunggain lahat ng ito. Alak nalang ang pwedeng maging solusyon para kahit papaano makalimot ako sa sakit.
Sobrang hirap. Wala naman akong ginawang masama. Ni hindi niya manlang ako binigyan ng pagkakataon ipaliwanag ang sarili ko.
Kung mawawala lang din naman sila sa akin ng tuluyan, mas maigi na din na mawala nalang ako sa mundo dahil wala naman akong kwentang tao.
Ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko para makausap si Theodore pero siya ang kusang lumalayo sa akin. Ang hirap ilugar ng sarili ko.
Kahit na sino sa mga kaibigan namin walang nagtanong ng totoo. Nang kung ano ba ang talagang nangyari. They are taking sides now at hindi ko sila masisisi.
Kumuha ako ng papel at ballpen. Isinulat ko lahat ng gusto kong sabihin kay Theodore dito sa papel. Na sana ay mabasa niya.
Pagkatapos, itinapat ko yung blade na hawak ko sa pulso ko at mabilis na pinadaan ito dito. Walang pagdadalawang isip kong gagawin ang pagkitil sa sarili kong buhay.
Nanlalabo ang mata ko dahil sa luha habang nakatitig sa pulso kong patuloy ang daloy ng dugo.
Sana sa pagkawala ko tuluyan nang maging panatag ang loob ni Theodore. Alagaan niya sana ng lubos ang anak namin na si Ayesha.
Ramdam ko na ang hapdi at tuluyan na akong nawalan na ako ng malay.
---
Thanks for reading! ❤️