LIYANA'S POV
TAHIMIK lang na nagmamasid si Yna sa buong paligid. Ang malamyaw na liwanag ng ilaw sa may poste ang siyang nagbibigay liwanag sa kaniyang puwesto. "Napaka-romantic ang ambience, iba rin!"
"Ate, dalawang balut nga po." Kumuha siya ng maliit na supot at inilagay ang dalawang balut, medyo nagulat pa siya sa biglang pagsulpot ng dalagita. Maganda ito napakainosente ng mukha.
"Bente-otso lang," aniya sa dalagitang kaharap. "Hala! Ang mahal na pala ng balut?" halos hindi makapaniwalang bulalas nito.
“Nagreklamo pa! Bibili na lang, sarap din kurutin ito sa singit e!”
"Dose lang ito noong nakaraang linggo," dagdag pa nito.
"Hindi lahat nanatili, minsan magugulat ka na lang nagbago na ang lahat, kung ang tanga nga nagmamahal ang balut pa kaya?" pahayag niya sa dalagita. Kumunot ang noo nito, waring pinag-aaralan siya.
"Keep the change, Ate." Hinablot nito ang supot kasabay nang paglapag ng dalawang papel na may mukha ni Manuel L. Quezon.
Napangisi siya. "Akalain mo nga naman, tumubo pa ako ng sampung piso." Inayos niya ang lumihis na sombrero. Alas-otso na ng gabi, pero siya nakasombrero pa rin. At kanina pa siya pinapapak ng may built-in na karayom sa nguso. Nakabawi na siya sa nalugi niyang balut kahapon. Kung hindi ba naman umepal si Butchog, sana hindi nabawasan ang kikitain niya sana.
"Isang balot nga po ng hubad na mani, Ate." Napakunot-noo siya. Parang pamilyar ang timbre ng boses nito sa kaniya. Nakasombrero din ito at halatang itinatago ang mukha. Naka-face mask rin ito na kulay itim. Itim din ang suot na t-shirt. Tantiya niya nasa 5'7’ ang taas nito. At mukhang hindi ito pumapalya sa pag-ehersisyo. "Iyong mani mo, Ate," tila naiinip na sambit nito. "Aling mani? Iyong paninda ko? O..." hindi na niya naituloy ang sasabihin, nang biglang tumaob ang kawawang kariton niya.
"Putragis! Naman! Ang mani ko!" Akmang hahawakan niya ang kawawang kariton, nang naramdaman ang malamig na at matulis na bakal sa kaniyang batok. "Natiyempumhan din kita," anito, at kinaladkad siya sa madilim na bahagi ng Luneta Park.
Nadaanan na nila ang National Philippines Museum Building. Mabuti na lang ang ubos na ang balut niya at ang tanging natira ay ang hubad na maning pinakyaw niya kay Aling Betchay. "Sino ka? Bayaran mo iyong mani ko!" Naramdaman niyang inalis nito ang pagkatutok nang matulis na bakal sa kaniyang batok.
Napasinghap siya ng inilipat nito ang hawak na matulis sa kaniyang tagiliran.
"Kung hindi katitigil sa kapuputak mo, hindi ako mag-aalinlangan na lagyan ka ng gripo sa tagiliran." Naramdaman niyang medyo humapdi ang tagiliran niya. Manipis na kulay pulang t-shirt lamang ang kaniyang suot, at itim na skinny jeans. "Pasok!" Bigla na lang siya nitong itinulak sa kabubukas lang na itim na van. Akala niya naka-park lang ito roon. "Sigurado ka bang, iyan ang hinahanap ni boss?" Sumungaw sa bintana ang driver ng van. Nakasombrero din ito hindi niya masyadong naaninag ang mukha ng driver. "Pasok!" Itinulak siya nito. Hindi nga ito nag-abalang sagutin ang tanong ng kasama nito. "Aray ko! Nakatatlo ka na ah!" singhal niya sa may hawak sa kaniya. Kahit nasa loob na sila ng van ay hindi pa rin siya nito binitiwan. "May crush pa yata sa akin ang epal na ito," bulong niya.
"Paandarin mo na ang saskayan." Sa leeg na niya ngayon nakatutok ang matalim na kutsilyo. Isang maling galaw niya lang siguradong mapapa-aray naku siya. "Ayaw mag-start!" bulalas ng driver. "Start mo ulit!" tila nauubusang pasensiyang sigaw ni Knife Man. "Kapag masugatan ang makinis kong leeg, maghahalo ang balat sa tinalupan," aniya sa isip.
"Matagal pa ba iyan, Kuya? Baka sira ang karburador nitong van ninyo kaya ayaw mag-start," aniya, na tila magtropa lang sila.
"Hasta La Vista baby, over! Hasta La Vista baby!" Biglang nailayo ni Knife Man ang kutsilyo sa kaniyang leeg. Nataranta ito nang biglang nag-ring ang kaniyang cell phone.
Mabilis na binuksan niya ang pinto sa kaniyang gilid, hindi ito naka-lock. "Hoy! Saan ka pupunta!" Nakalabas na rin ng van si Knife Man. Mas binilisan niya pa ang pagtakbo, sa haba ng biyas ng binti ni Knife Man siguradong maabutan siya nito kung magpapabebe pa siya sa pagtakbo.
Hinihingal na tumigil siya sa madilim na bahagi ng kalsada. Luminga-linga siya naghahanap ng puwede niyang pagtaguan. "Hasta La Vista, baby over! Hasta La Vista,baby." Natatarantang dinukot niya ang kaniyang cell phone sa masikip na bulsa ng kaniyang pantalon. "Hype! Na Kanor pinagtripan na naman ang ringtone niya!" Pinindot na niya ang answer call.
"Tang! Dalandan ka, Kanor! Ikaw ang magpapahamak sa akin! Ano ang kailangan mo!" singhal niya sa kabilang linya.
"Easy, boss hindi pa ba ubos ang balut at mani mo?" nang-aasar pang tanong nito.
"Nalintikan na!" bulalas niya, namataan niyang may dalawang lalaking tumatakbo patungo sa kinaroroonan niya. "Kapag minamalas ka nga naman, oo!"
"Hoy! Yna na saan ka na ba? Kanina pa kami rito!" Tumakbo na rin siya at pinatay ang tawag. Wala na siyang oras para makipagchikahan pa kay Kanor at magpaliwanag dito. Sa pagkakatanda niya wala naman siyang inutangang bombay kaya alam niyang wala siyang atraso. Puwera na lang kung... napatigil siya sa pagtakbo. "Mukha namang hindi sila mga tauhan ni Butchog," hinihingal na sambit niya. Parang kilala niya si Knife Man pamilyar ang presensiya nito, ipinagsawalang-bahala na lamang niya iyon. Medyo nakalayo na siya sa humahabol sa kaniya, at mukhang nailigaw niya ito. Mabuti na lang at hindi na tumawag pa si Kanor dahil kung hindi baka masapok na niya ito kapag nagkita sila.
Inayos niya ang pagkakatali sa kaniyang buhok at isinuot ulit ang kaniyang paboritong sombrero. Napangiwi pa siya nang maamoy ang hindi kaaya-ayang aroma ng kaniyang sombrero, halos isang buwan na niyang hindi nalabhan ito. Sa sobrang busy ba naman niya sa pagtitinda ng balut at mani.
"Fish tea naman, o! Sayang iyong natapon na mani! 50 pesos pa sana iyon, nabawasan tuloy ng limang porsiyento ang kita niya." Mabuti na lang at sa bulsa ng kaniyang pantalon niya inilagay ang kinita niya sa kaniyang paninda.
"Punyemas amoy bayabas na yata ako!" Sininghot-singhot niya pa ang kaniyang kili-kili habang nakataas ang kanang braso.
"Asim!" aniya, habang nakangiwi at nagpatuloy sa paglalakad. Parang sinigang, buti sana kung puwdeng kainin o higupin kaso nakakadiring asim!