M3: DIRTY OLD MAN

1400 Words
Noraine Guingab? Is she the same person I know? Hindi niya makakalimutan ang pangalan na iyon dahil sinadya niyang hanapin ang profile ng mga bagong hire na clerk at mga intern sa office. Pero naisip ni Andrei kapangalan lang. Hindi pa siya sigurado kung tulad din ba ito ng apelyido sa clerk nila. Salubong ang kilay na nakatingin lamang siya sa ama. Masayang masaya ito habang nakikipag-usap nang muli niyang ituon ang pansin dito. Bakas ang tuwa at tila bata na parang naglalambing sa kausap. No way! Dad? Tell me I was wrong. I hope ibang Noraine ang tinutukoy mo. “Mag-ingat ka. Goodnight.” Paalam ni Mr. Edwards. Iyon lamang at tinapos na ng kanyang ama ang pakikipag-usap. “Ah, I'm sorry son. She said, her cash is not enough. So I am sending her more.” Malungkot nitong paliwanag sa kanya. “Dad? What do you mean?” naguguluhan niyang tanong. Parang gustong pagalitan ni Andrei ang ama nang mabanggit ang salitang cash. Is she milking my Dad? Lihim na umusbong ang galit sa puso ni Andrei sa kausap ng ama. “Hijo, just trust me. Noraine is a good person. You will meet her soon.” Bakas sa mukha ng kanyang ama ang tuwa at excitement sa tinuran. Samantalang si Andrei ay nakakuyom ang mga palad sa ilalim ng mesa. Hindi niya maunawaan pero parang nawalan na siya ng gana na makipag-usap sa ama. Napabuga siya ng malalim at iniisip na posibleng ibang tao ang tinutukoy ng ama kesa d'un sa kilala niyang Noraine na nagtatrabaho sa kanilang kompanya bilang trainee. Nang gabing iyon, hindi makatulog si Andrei. Bukas ay makikilala na niya ang babaeng kinagigiliwan ng ama. Sa trabaho, hindi na rin niya nakasalubong ang trainee pagkatapos ng insidente sa hallway. Ganun pa man, excited na kinakabahan si Andrei na makilala ang taong nagpatibok ng puso ng kanyang ama sa pangalawang pagkakataon. Ipagdarasal na lamang niya, sana mali at ibang tao ang nasa isip niya at tinutukoy na kasintahan ng ama. Past twelve na, naisipan ni Andrei na kontakin ang kanyang s*x partner na si Lorebel Lozano. Isa itong nurse. Gusto niyang mawala ang stress at alam niyang si Lorebel lang ang makakatulong sa kanya. Maganda at mabait si Lorebel pero hanggang f**k buddy lang ang kaya niyang i-offer. Walang seryosong relasyon sina Lorebel at Andrei. s*x partners lamang ang turingan nila at hanggang d'un lamang ang kanilang kasunduan. Napagkasunduan nila na habang sila ng s*x partners ay walang maaaring maikama ang isa't isa kundi sila lamang. “Lorebel, let's meet tonight. Same time, same place,” ayon lamang ang sinabi niya matapos itong sagutin ng dalaga at nagsimula na siyang maglakad papasok ng lift. Habang nasa loob ng cafe, naagaw ang atensyon ni Andrei sa grupo ng mga kababaihan na papasok at patungo malapit sa kanyang direksyon. Isa sa mga iyon ay ang trainee na nakasalubong niya sa hallway noong Lunes. “Umorder ka na. Jackpot ka siguro noong isang hapon. Manlibre ka naman,” sabi ng kasama nito at tinapik pa ng bahagya ang balikat nito. “Huy, hindi 'no. Muntik pa nga akong magkaproblema mabuti na lang at may tumulong sa akin,” namumulang sagot nito sa mga kaibigan. “Ikaw pa, alam naming madiskarte ka sa ganyang bagay, malay mo 'yan na ang ikayayaman mo, girl. Hahahaha!” They are so loud. Iritang bulong ni Andrei sa sarili. Halos magkalapit lamang sila ngunit hindi siya napansin ng mga ito. Maya-maya lamang ay napalingon silang lahat nang biglang may nagsasalita na babae na tumawag kay Andrei. “Andrei!” Tila biglang tumahimik ang lahat na nasa loob ng cafe ng isang matangkad na babae, balingkinitan ang katawan, maputi at kala mo isang modelo habang papalapit ito sa kanya. “Andrei! Oh, gosh! You are on time, I was on the way to surprise you.” bulalas nito. Walang pakialam sa ibang customer na nakatuon ang pansin sa kanila. “Hey, Lorebel. You're here!” Totoong sinorpresa siya ng s*x partner. “You said tonight but I checked my schedule and from now on until nine in the evening, I am free,” malambing na sagot nito at yumuko pa upang halikan siya sa pingi. Ang grupo ng mga trainee na maiingay kanina ay biglang natahimik at matamang nakatanaw lamang sa kanila. Gustong matawa ni Andrei ng makita ang kanilang mga reaksyon lalo na ang dalagang nakasalubong niya sa hallway. Biglang umandar ang kalokohan ni Andrei. Tumayo ito at hinatak ang bewang ni Lorebel palapit sa kanyang katawan. “Hey, shall we go then?” sabi niya dito at ginawaran ng halik sa labi ang babae. Pagkatapos noon ay palihim siyang sumulyap sa grupo ng mga trainee na biglang yumuko. “Sure but cancel your appointments,” sabi nito na inikot pa ang mga braso sa leeg niya. “Then allow me to call my secretary.” sagot naman ni Andrei sa babaeng tila ahas kung makalingkis sa katawan ng lalaki. Matapos kausapin ni Andre ang kanilang kalihim at agad itong bumaling sa dalaga. “Shall we?” magkahawak ang kamay ng dalawa habang palabas ng cafe. Biglang umingay ulit ang paligid at malakas na humagalpak ng tawa ang isa mga grupo ng trainee. “Hoy Noraine, kaya mo iyon?” tukso ng kaibigan niya. “Ha? Ang alin?” patay-malisya niyang tanong sa mga kaibigan. Simula pa lamang ng pumasok siya sa cafe ay hindi na siya komportable nang makita niya ang lalaking nakasalubong niya sa hallway noong first day niya sa company. Hindi niya alam pero parang pakiramdam niya mainit ang dugo sa kanya nito. Ni hindi niya rin alam ang pangalan ng lalaki. Kung hindi pa ito tinawag ng babaeng Lorebel ang pangalan, hindi niya rin malalaman. Hindi niya matandaan kung saan niya ito unang nakilala or unang nakita. Mukhang pamilyar sa kanya ang mukha ng Andrei na iyon. “Noraine! Hoy, babae! Bakit tulala ka na naman? Ano ang iniisip mo ha?” tanong sa kanya ng kaibigan na isang linggo pa lamang niyang nakikilala. “Ah, wala. Naisip ko kasi, sana kasing ganda din tayo nung babae ano?” biro niya sa mga ito. “Noraine, maganda at matangkad ka. Malamang, maraming lalaki ang nagkakandarapa sa'yo.” ayon naman sa isa. Napangiwi si Noraine. Sa ngayon, hindi pa siya handang mag-open ng personal niyang buhay lalo na ang tungkol sa pribado niyang buhay. Friendly naman siya ngunit ayaw niya rin na husgahan ng mga bagong kakilala lamang na kaibigan. “Salamat, pero hindi kasi ako confident saka isa pa hindi rin naman mga gwapo ang tipo ko," sagot niya habang hinahaplos ang batok. “E ano nga ang standard mo sa isang lalaki?” nanuniksong tanong naman ng isa. “Gusto ko matured mag-isip, magaling mag-handle ng relasyon,” paliwanag niya, saka napatanga na nakakalumbaba. “Bakit gusto mo ba e iyong mga pamilyadong tao? Ibig mong sabihin iyong tipong matanda na? My god, Noraine. Huwag mong sabihing trip mo ang mga dirty old man,” namulagat ang mata ng isa nilang kasama habang humihigop ng cold drinks. “Dirty old man ba talaga tawag sa mga may edad ng lalaki?” patay-malisya niyang tanong sa mga ito. “Oy, bakit? Huwag mong sabihing may Dirty Old Man ka ngang jowa, eww, hahaha!” malutong na halakhak ng mga ito. “Wala, curious lang ako. Kayo ba, ano ang prefered at ideal n'yong lalaki?” tanong niya sa mga ito. Nagkunwaring natawa na rin si Noraine sa tinuran ng kaibigan ngunit lihim siyang nasaktan. Parang kinurot ang puso niya. Paano niya aaminin sa mga ito na ang kauna-unahan niyang naging boyfriend ay isang matandang mayaman. Takot siyang mahusgahan. Mas lalong kinabahan si Noraine nang malala niyang kinabukasan ay ipapakilala siya ng kanyang matandang boyfriend sa anak nito. “Ang tipo ko, iyong katulad ng lalaki kanina. Andrei nga ba iyon? Ang gwapo at ang tangkad pa. Hmmm, mukhang magaling pa sa kama,” kinikilig na sabi ng isa siyang kasama habang ipinapadyak pa ang isang paa. “Ilusyunada, malabong mapansin tayo ng suplado na iyon. Bakit, may katawan ba tayo na katulad ng Lorebel na iyon? Sana all, ‘di ba?” pairap na sabi naman ng isa. Kung hindi nga lang mapanghusga ang mga ito, nais n'ya rin sanang ibahagi ang tungkol sa kaniyang relasyon pero mas pinili na lamang ni Noraine ang manahimik at sarilinin ang nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD