Malalim na ang gabi at umaasa pa rin si Margaret na babalikan siya roon ni Andrew, hindi dahil sa kagustuhan niyang magsasama pa rin sila nito at bibigyan siya nito ng maganda at maayos na buhay, kundi dahil nais niya nang makaalis sa lugar na iyon. Ramdam na niya ang gutom kasabay nang takot at pangamba, at wala siyang ibang maisip na paraan kundi ang umiyak ng umiyak. Hanggang sa maramdaman niya na lang ang pagsakit ng tiyan niya, dahilan para mapamura siya sa sakit. "Ah!" Ilang segundo pa ang lumipas nang makaraos sa sakit ay saka naman namuhay ang galit sa kaniyang dibdib. "Isinusumpa ko, simula sa araw na ito, wala ka nang magiging karapatan sa anak mo, Andrew!" Simula pa lang nang iwanan siya nito sa abandonadong bahay na iyon ay napatunayan niya sa sarili na walang maidudulot na mag

