CHAPTER 1

2279 Words
"Congratulations, po3 Arabella Fuentes." Nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng police office nang tumaas ang rango ng aking kapatid na kapatid na si Ate Ara. Nagawa kasi nilang mahuli ang mga kumidnap sa isang anak na babae ng isang mayamang tao sa Pilipinas kaya naman ay tumaas ang rango niya. Lumapit ako kay Ate at niyakap siya. "Congrats, Ate," sabi ko sa kanya. Laging tumataas ang rango ni Ate dahilan para lalong maging proud ang Daddy ko na retired Police General. Gusto niya sa'ming dalawa ay may umabot sa naging katungkulan niya kaya naman sapilitan kaming nag-aral ng criminilogy. Lima kaming magkakapatid puro mga babae si Ate Arabella ang panganay at sumunod ako sa kanya. Ang tatlo naming kapatid ay kapwa mga tapos na rin ng kolehiyo at may kanya-kanya na rin mga trabaho. "Dapat gayahin mo ang ate Arabella mo magaling na pulis." Inakbyan pa si Ate ni Daddy. "Huwag po kayong mag-alala malapit ko na rin maabot ang ganyang rango," sabi ko. Nakaramdam ako ng lungkot kapag ganitong usapan parang gusto ko na lang lamunin ng lupa dahil palagi na lang akong kinukumpara ni Daddy. "Hanggang ngayon PO1 ka pa rin." Nakapaywang pa siya habang matalim ang mga tingin sa'kin. Hinawakan ni Ate Arabella sa balikat si Daddy. "Dad, 'wag n'yo ng pagalitan si Cyndi mag-celebrate na lang tayo ngayon." tumingin sa'kin si Ate Arabella at kumindat. Kapag palagi akong pinapagalitan nandiyan si Ate Arabella para i-rescue ako. Marahil hindi 'yon napapansin ni Daddy dahil nilalambing siya ng kanyang paboritong anak. "Cyndi, sumama ka na sa'min," ani Ate Arabella. "Ayoko may patrol pa kami ngayon kayo na lang ate," pumihit ako patalikod at pagkatapos ay sumakay sa motor ko papunta sa lugar kung saan kami magpapatrol. Kung tutuusin pwede naman akong sumama sa kanila ngunit ayoko lang dahil siguradong ako naman ang pagdidiskitahan ni Daddy. Wala naman siyang ibang gagawin kung hindi ang ihambing ako sa paborito niyang anak. Isa ako sa mga police intellegence kung saan kami ang nagbabantay at kumakalap ng impormasyon. Madalas kaming nakasibilyan at nagpapanggap na vendor o kung ano-anong gawain para makapasok sa mga lugar na binabantayan namin. Tulad ngayon isa akong matandang babae na nagtitinda ng sigarilyo at kape at candy sa gilid ng daan kung saan malapit sa target namin. Si Delio naman ay isang balot vendor na matanda rin. Nilagyan ng postetic ang mukha namin upang hindi kami mahalata. May nakapag-tip sa'min na sa lugar na 'yon talamak ang drug trafficking kung makakakuha kami ng sapat na ebidensiya pwede namin itong pasukin para hulihin. "Bakit nandito ka Cyndi? Hindi ka sumama sa ate mo na nagce-celebrate ngayon?" tanong sa'kin ni Delio isa sa mga police intellegence na kasama mo. Kaming dalawa ang nakatoka sa mission na ito. Sumimangot ko. "Ayokong sumama siguradong wala namang bukang bibig 'yan si Daddy kung hindi ang purihin ang paborito niyang anak." "Galingan mo kasing sumipsip para tumaas din ang rango mo," sabi niya Tumingin ak kay Delio. "Hindi naman sumipsip si Ate kaya tumaas ang rango niya." Nagkibit-balikat siya. "Balot! Balot!" sigaw ni Delio nang may lumapit na isang lalaki at babae sa'min. "Manang, pabili nga ng dalawang stick na sigarilyo," sabi ng isang lalaki. "Ito po Boss,"sagot ko. Tumambay ang dalawa sa pwesto namin ni Delio habang inuubos ang stick na sigarilyo. "Bukas na yata ang show," sabi ng lalaki sa kasami niyang babae. Nagkatinginan kaming dalawa ni Delio. "Pasko naman bukas marami namang magbibigay ng regalo sa'tin." sabi pa ng babae. "Yung mga alaga mong pusa handa na na sila para bukas?" tanong ng lalaki. Tumango ang babe pagkatapos ay binuga ang usok ng hangin. "Handang-handa na sila para bukas." Inapakan ng lalaki ang sigarilyo niya para mamatay. "Tara na magtanim ng gulay," sabat tapik nito sa balikat sa babaing kasama niya. Itinapon ng babae ang sigarilyo niya pagkatapos ay sumunod sa lalaking kasama nito. "Mukhang may mangyayarimg bentahan bukas ng mga babae," mahinang bulong sa'kin ni Delio. Tumango ako. "Kailangan nating makapasok doon bukas,"sagot ko. Tumingin siya sa'kin pero paano?" tanong niya sa'kin. "Hindi ko alam basta ang mahalaga ay matapos natin ang mission na 'to." sagot ko. Determinado akong ma-resolve namin ang kasong ito upang mapatunayan ko sa Daddy ko na pwede rin niya akong ipagmalaki. Pagsapit ng alas-sais ng hapon ay umalis na kaming dalawa ni Delio upang umuwi ng bahay ngunit ako ay nag-ikot-ikot pa sa lugar malaking bahay na iyon. May bitbit akong balot habang naglalakad ng mabagal sa eskinita na 'yon. "Balot! Balot!" sigaw ko. "Lola, Pabili!" sigaw ng security guard na nagbabantay sa malaking bahay na 'yon. Lumapit ako sa kanila. "Ilan iho," tanong ko. "Ilan ba ang lamang ng tinda n'yo Lola. Bibilhin ko na." sabi ng security guard. Bago ko bilangin ang tinda kong balot ay may humintong dalawang itim na van at binusinahan ang security guard. "Saglit lang Lola." sabi ng security guard. Binuksan kasi niya ang malaking gate para makapasok ang dalawang itim na Van. Naging mailap ang mga mata ko at pagkatapos nakita ko sa table niya ang kulay itim na sobre. Nilapitan ko 'yon at pasimple kong kinuha ang isa. Pagkatapos ay bumalik ako sa pwesto ko. Nasilip kong may mga babae silang mga bitbit at sumigaw ang mga babae ng malakas. "Anong ingay 'yon parang may sumisigaw?" tanong ko sa security guard ng bumalik. "Wala 'yon Lola. Bilangin n'yo na ang tinda n'yo para mabayaran ko na." Binilingan ko naman ang tinda kong balot. "Trenta pa." sagot ko. Dumukot ng isang libo ang security guard. "Ito po Lola sa inyo na 'to 'wag na kayong magpagala sa panahon ngayon nakakatakot na." "Salamat," bibigyan ko sana siya ng sukli ngunit pinigilan niya ako. "Huwag na Lola sa inyo na 'yan," "Maraming salamat iho, ang laki siguro ng sahod mo diyan," "Hindi naman malaki lang sila magbigay ng tip sa'kin." "Gusto ko rin magtrabaho sa kumpanya na 'yan. Ano ba ang requirements?" Tumawa ng malakas ang security guard. "Hindi na po kayo pwede, ingat po kayo," pagkatapos sinarado na niya ang gate. Naglakad ako palayo sa lugar na 'yon at sumakay sa jeep pagkatapos ay sumakay ako sa motor ko na naka-park sa isang mall. Pagdating ko sa bahay namin ay naabutan ko na roon si Ate Arabella sa kusina at nagluluto ng pagkain. Kumuha ako ng malamig na tubig sa refrigerator. "Kumusta ang mission mo?"tanong ni Ate Arabella sa'kin. Umupo ako sa harap ng pabilog na lamesa. "Bukas magkakaroon ng bentahan ng mga babae." Natigilan si Ate Arabella sa pagluluto niya at lumapit sa'kin. "Sigurado ka ba diyan?" tanong niya. Hindi ako sigurado kaya kailangan ko ng mabigat na ebidensya. "Sagot ko." "Kung ako sa'yo mag-patrol ka na lang ibigay mo na sa iba ang mission na 'yan," Nakaramdam ako ng lungkot. Kahit si Ate Arabella ay walang tiwala sa'kin. Siguro pinaniwalaan niya na talaga na wala akong kakayahan para tumaas ang rango. Napalunok ako upang pigilan ang nagbabadya kong luha. "Bakit ka pala nagluluto?" "Pupunta ang boyfriend ko si David," sabay ngiti niya. Tumango ako. Kahit minsan hindi ko pa nakikita sa personal ang boyfriend ni Ate dahil sa tuwing pumunta ito sa bahay wala o kaya tulog. "I see, sweet mo naman," sagot ko. Inubos ko ang laman ng tubig na nasa baso at pagkatapos ay tumayo na ako. "Matutulog na ako." "Hindi ka na kakain?" tanong niya. Umiling ako. "Hindi na," sagot ko. Pumunta ako sa kuwarto ko at pagkatapos ay padapa akong humiga sa kama. Magkakasama kami sa malaking bahay ngunit nararamdaman ko na parang iba ang turing sa'kin ni Daddy. Bumangon ako at kinuha ang picture frame ni Mommy pagkatapos ay hinaplos ko 'yon. "Mommy, kumusta ka na diyan sa heaven" kausap ko sa picture frame niya. "Si Daddy, galit na galit naman sa'kin si Daddy parang hindi niya ako anak kung ituring niya." nag-uunahang pumatak ang luha ko. Sa tuwing mag-isa ako palagi akong umiiyak mag-isa. Nakarinig ako ng katok sa pintuan ng kuwarto ko kaya mabilis kong pinunasan ang luha ko. "Sino po 'yan?" "Ate Cyndi, pinapatawag ka ni Daddy,"sabi ng pangatlo kong kapatid na si Chelsie. "Sige, lalabas na ako." sagot ko. Naghilamos ako upang hindi mahalata na umiyak ako pagkatapos ay lumabas na ako ng kuwarto ko. Nakita ko si Daddy na nasa sala. Naka-dikwatro siyang nakaupo habang seryoso ang tingin niya sa'kin. Yumuko ako sa kanya. "Bakit po Daddy?" tanong ko. "Sinabi sa'kin ng ate mo na may mission ka pala siguraduhin mo lang magagawa mo ang trabaho mo ng maayos 'wag mo akong bibiguin." Tumango ako sa kanya. "Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko," sagot ko. "Mabuti naman sige na matulog ka na." Tumango ako at pagkatapos ay pumasok na ako sa loob ng kuwarto ko. "KINABUKASAN ay maaga kaming pumunta sa office ni Delio upang i-report sa kanya ang mga nalaman namin at bigyan kami ng signal dalawa ni Delio. Ngunit imbes na suportahan kami hindi kami binigyan ng mga tao para sumuporta sa'min kaya naman nagdesisyon akong pumunta na mag-isa doon at itatawag ko na lang sa kanila. "Pass mo Sir. sabi ng securtiy guard sa'kin. Inilabas ko ang invitation na hawak ko at pagkatapos ay binigay ko 'yon sa kanya. Ginaya ko ang invitation na kinuha ko kahapon sa security guard at iniba ko ang pangalan. "Maari na kayong pumasok." Pagkatapos binuksan nito ang malaking gate. Nakaramdam ako ng kaba ngunit desidido akong ituloy ang mission na ito. Pagpasok ko pa lang marami na sa paligid ang naka-armadong mga lalaki ang nagbabantay sa labas bagamat nakasuot naman sila ng black tuxedo. "Welcome Sir," nakangiting sabi sa'kin. Tumango ako at diretsong pumasok sa loob pagpasok ko ay marami na ang lalaking naroon karamihan ay mga foreigner. Pinindot ko ang recorder ng camera ko naka-connect sa office namin. "Follow me every one," sabi ng insik na lalaki. Sumunod naman kaming lahat at pagkatapos ay pinaupo kami sa gilid. Kung saan sa harapan namin ay parang may malaking aquarium. Ilang saglit pa ay pumasok sa loob ng malaking aquarium ang mga babae na nakasuot ng roba. Hindi ko inalis ang mga tingin ko sa kanila habang ang mga kasama ko ay nagkakagulo na sa mga babaing nakita nila. Nang lahat ng babae ay nasa loob na tumayo sila at isa-isang inalis ang suot na roba at tumambad sa'kin ang hubad nilang katawan. Napalunok ako dahil sa nakita ko habang ang mga lalaking katabi ko ay maingay na sa at may kanya-kanya ng mga pinili. Sumayaw sila ng nakahubad pagkatapos ay pinaupo na silang lahat. Isa-isa na kaming tinanong kung akong number ng babae ang gusto namin. "What number?" sabi ng lalaki. Sumenyas ako ng two. Baka kasi mahalata niyang babae ako kapag nagsalita ako. Pagkatapos ay pumunta ako sa banyo upang tawagan ang chief namin. Agad naman nilang natanggap ang pinadala kong video at anumang oras ay paparating na sila. Dinala ako sa isang silid at nakita ko roon ang babing pinili ko na wala ng suot na damit. Pumunta ako ng comfort room upang tawagan si Delio. "Nandito na kami." ani Delio. Paglabas ko ng kuwarto lumapit sa'kin ang babae upang gawin niya ang trabaho niya pero tumanggi ako. "Magbihis ka tatakas tayo," sabi. "Ha?" gulat na gulat na sabi ng babae "Magbihis ka na." sabi niya. Tumango siya at pagkatapos ay nagbihis siya ng damit paglabas namin ay nakarinig na kami ng putukan ng baril mula sa labas. Tumakbo ako kasama ang babae ngunit ng haharangin kami ay nakipagbuno pa ako sa mga lalaki. Kinuha ko ang baril ko na nasa hita ko at pagkatapos ay pinaputukan ko sa mga lalaki. Sumigaw ang kasama kong babae. "Halika na dali!" sabay hila ko sa kanya. Nasa 5'th floor kami kaya ilang hagdan ba ang dadaanan namin para makababa. "Nagkagulo na ang mga tao sa loob kaya naman ay kailangan mong ilagan ang mga ligaw na bala. Nang nasa second floor na kami ay nakita ko na ang mga pulis kaya mabilis kong nailabas ang babaing kasama ko. Pagkatapos ay muli akong pumasok para hulihin ang master mind. Ngunit hindi namin nahuli ang mga master mind. Nakatakas ang mga ito kasama ng ibang tauhan. Nahuli namin ang ibang mga tauhan nila ngunit marami pa rin nakatakas. Ang kagandahan lang doon ay naitakas namin ang babae. Nahuli rin namin ang mga foreigner na bibili sa mga babae. "Congratulation Fuentes," nakipag shake hand sa'kin ang chief namin. Kahit hindi namin nahuli ang master mind nailigtas naman namin ang mga babaeng binibenta nila. "Galing mo Fuentes." ani Delio. "Hindi pa rin natin nahuli ang mga master mind makakapang-biktima pa sila sa ibang lugar." "Atleast nailigtas natin ang mga babae siguradong magiging proud na ang Daddy mo." ani Delio. Pagdating ko sa bahay inaasahan kong babatiin ako ni Daddy dahil sa ginawa ko ngunit nagkamali ako. "Failed naman ang mission mo," ani Daddy. Yumuko ako. "Nailigtas namin ang mga babae." "Masaya ka na ng nailigtas n'yo ang mga babae? Bigo pa rin kayo dahil hindi n'yo nahuli ang mga master mind. Binigyan n'yo lang sila ng dahilan para mag-ingat." galit na sabi ni Daddy. "Pasensiya na po." "Wala ka talagang sinabi sa Ate Arabella mo." Pumihit ako patalikod upang umalis. Balak kong magpahinga sana ngunit mas kailangan kong magpakalasing para mailabas ang sama ng loob ko. "Saan ka pupunta?" sigaa niya. "May nakalimutan po ako sa office," alibi ko. Pagkatapos ay tuluyan akong lumabas ng bahay. Balak kong pumunta sa isang resto-bar upang mag-inom para mawala ang sama ng loob ko kay Daddy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD