Tumagal ng halos limang oras ang buong reception. Pagkatapos ng sayaw namin ni Landon ay hindi ko na muling nakita pa si Betty pero tuluyan nang nasira ang araw ko. Pauwi na kami ngayon sa bahay ni Landon at siya ang nagda-drive. Nakapikit ako habang nakasandal sa upuan ng sasakyan. Nararamdaman ko ang panaka-nakang pagtitig sa akin ni Landon buong biyahe pero hindi ko binago ang posisyon at ayos ko. Pagdating namin sa bahay niya ay hindi ko na siya hinintay na ipagbukas ako ng pintuan at kusa na lang akong bumaba. Narinig kong bumuntong-hininga siya dahil doon. Nagmamadali pa naman siyang bumaba pero naunahan ko na siya. “Lyra, please, mag-usap tayo. Magpapaliwanag ako, okay?” pagsusumamo niya habang naglalakad kami papasok sa loob ng bahay. Hindi ko siya pinansin at dire-diretsong n

