“No, Lyra! You don’t accept defeat and that is the same with me. Hindi kita pakakawalan nang gano’n lang. Akin ka lang! Akin hanggang kamatayan! Natawa lang ako sa ipinahayag niya at lantarang umiling para ipakita ang pagkadisgusto sa sinabi niya. “Mag-move on ka na, Densel. Kahit hindi si Landon ang pinakasalan ko, hindi pa rin ako magpapakasal sa iyo. Hindi tayo bagay dahil siguradong araw-araw lang tayong mag-aaway at magbabangayan. Besides, I don’t like you as a lover, much more for a husband. Kuntento na ako kay Landon kaya ibaling mo na lang sa iba ang pagtingin mo dahil wala kang maaasahan sa akin,” walang ligoy kong sabi. Lagi akong honest pagdating sa kaniya dahil kahit papaano ay kaibigan pa rin naman ang turing ko sa kaniya. Magkaibigan din ang mga pamilya namin. “You’re stil

