Betty’s POV “Papapasukin mo ba ako o hindi? Kapag nagbago ang isip ko, kahit lumuhod ka pa sa harap ko hindi na kita tutulungan,” banta niya kaya nataranta ako. Wala sa sariling niluwangan ko ang bukas ng pinto. Dire-diretso itong pumasok at pasalampak na naupo sa sofang naroroon. Sumunod naman ako sa kaniya at muling ni-lock ang pinto. “Ah, gusto mo ba ng maiinom?” alok ko. Tinatamad lang niya akong tiningnan. “May beer ka ba rito? O kaya scotch or whiskey,” tanong niya. Medyo nakakatakot pala ang lalaking ito. Masiyadong dominante at malamig pakipag-usap. Kaya siguro inayawan ni Lyra. “May beer ako. Iyon lang kasi ang puwede sa akin,” umiiling siyang natawa. Napalunok naman ako at kinabahan. “Ano pang tinatayo-tayo mo riyan? Get me the beer,” naiiritang utos nito. Sunod-sunod

