“No, she’s not!” mabilis akong napalingon sa pinaggalingan ng boses. Si Aldrey naman ay napatingin sa akin at nagtatanong ang mga mata. Mabilis na lumapit si Landon sa amin at pinalipat ako ng upuan. Saka siya umupo sa pagitan namin ni Aldrey. “Who are you?” gulat na tanong ni Aldrey. Kumunot naman ang noo ko. Imposibleng hindi niya kilala si Landon bilang asawa ko, samantalang naging hottest topic nga kami ng halos dalawang linggo. “I am her husband! At ikaw, sino ka? Sinong nagbigay ng karapatan sa iyong tabihan siya?” galit na asik ni Landon sa kaniya. “Landon,” tawag ko naman sa asawa ko kaya pareho silang lumingon sa akin. “Hindi mo ba siya nakikilala? He’s Aldrey Montero,” medyo nanginig ang boses ko nang magsalita. “Aldrey, this is Landon Brent Abellema, my husband,” mabuti na

