Masayang kasama si Mommy Art kaya buhay na buhay din ang dugo ng aking kapatid para makipag-kulitan dito. “May tanong po ako sa inyong dalawa. Ayaw po kasing maniwala ni Kuya Zandro.” Sambit ng kapatid ko. Pasimple kong tinitingnan sa rear view mirror ang dalawa, si Zandra at Patriz. “Ano iyon, baby Zandra?” si Mommy Art ang sumagot. Nakita ko naman na bumaling ng tingin si Patriz sa kapatid ko habang hinhintay ang tanong niya para sa dalawa. “Di ba po, ang gwapo ng kuya ko?” iyon pala ang itatanong niya. Dahil sinabihan ko siyang bolera, kanina bago kami pumunta ng parlor ni Madam Lucila. “Ay oo naman, super gwapo, macho at mabango pa.” sagot ni Mommy Art at with action pa kaya ang kapatid ko ay panay ang bungisngis. “See, kuya sabi ni Mommy Art totoo talaga na gwapo ka. How about

