PATRIZ’s POV Matapos ang ilang araw namin pag-stay sa Tagaytay ay bumalik kami sa condo ni Zandro. Nakakahiya namang angkinin ko na parang sa akin ito kahit iyon ang sabi niya, na amin ang place na ito. Sa bahay nila Zandro kami bumaba at kaming tatlo nina Perla ang umuwi dito sa condo. Gusto ngang sumama ni Zandra, kaya lang ay may pasok na siya bukas. Pumasok agad kami sa aming kwartong mag-asawa. “Hon, gusto ko sanang dito matulog kaya lang iniisip ko rin si Zandra.” Sambit nito habang yakap yakap ako mula sa likuran. “Okay lang, hon. Nasa adjustment period pa tayo at kahit ako ay gugustuhin ko na may kasamang matanda si Zandra sa bahay ninyo. Kahit ako ay naiisip ko rin siya kapag wala ka doon. Safe naman kami ni Perla dito.” Mamimiss ko siya, sanay na akong kasama siya. Iba pal

