PATRIZ’s POV Magkakasabay kaming nag-breakfast na tatlo. Ang asawa ko at si Zandra. Si Perla ay nasa condo. Dito kami natulog dahil padating ngayong araw sina Mareng Sonia / Mommy Sonia. Nagkukwento pa si Zandro. Pinapatawa kaming dalawa ni Zandra. May paisa-isa na bigla akong susubuan. Tuwang-tuwa naman si Zandra kapag nakita niyang sinusubuan pa ako ng kuya niya. Ganito ang asawa ko, napaka sweet kaya mas lalo akong nahuhulog sa kanya sa araw -araw naming pagsasama. “Ang sweet naman po ni kuya Zandro,” sambit pa nito kaya sinubuan din siya ng kanyang kuya na mas lalong nagpahagikhik sa aking inaanak / sister in law. "Huwag kang magseselos kay Ate Ninang mo. Pareho kayong importante sa akin. Pareho ko kayong mahal. Kaya lagi lang ako nandito." masayang sambit ng aking asawa. “Toto

