PATRIZ’s POV “Akala ko ba antok ka na, bakit hindi ka pa natutulog?” sambit ko ng pag-ikot ko ng pwesto ay nakita kong gising pa si Zandro. Parang sabay nga kaming gumalaw na dalawa. “Ikaw, bakit gising ka pa? Bawal mapuyat ang buntis,” sagot nito sa akin. Binigyan pa niyang pansin ang aking umbok na tiyan. “Gumagalaw kasi si baby kaya hindi ako makatulog,” imporma ko sa kanya. “Talaga?” nakangiting tanong nito sa akin at napaupo na siya. “Pwede ko bang pakinggan?” kung okay kami, lagi niya itong gagawin sa aming baby. Ang kausapin ito at laging hahalikan ang aking tummy. “Pwede naman, baby natin siya. Tayo may gawa sa kanya kaya may karapatan ka sa kanya,” sambit ko. May karapatan din siya sa akin dahil kasal pa kami kahit isinauli ko na sa kanya ang wedding ring ko. Umayos ako ng

