ZANDRO’s POV Pumayag ako sa kagustuhan ni Mommy na doon muna kami sa kanila mag-stay. Hindi sana ako papayag dahil iba pa rin na kaming dalawa lang ng asawa ko ang magkasama. Pero sa nakikita kong takot sa mukha ni Patriz ay pumayag ako sa kahilingan ni Mommy. Kasama namin ang body guard na ibinigay sa amin ni Lawrenz. Nakasunod lang ang sasakyan niya habang tinutunton namin ang daan patungo sa subdivision. Humanda talaga sa akin ang may gawa ng pananakot. Paano kung may nangyari sa asawa at anak ko? Kulang pa ang buhay nila bilang kabayaran. “Hon, okay lang sa iyo na doon muna tayo kanila mommy? Mas safe ka doon, lalo na kapag wala ako sa tabi mo. Kailangan ko ring bumisita sa ating mga negosyo from time to time. Pero mas madalas naman nasa tabi mo ako,” sambit ko dito. “Okay l

