ZANDRO’s POV Nagising ako na masakit ang aking ulo. Ang tanda ko ay nasa bahay pa kami nina Mommy pero nandito Ako ngayon sa aming sala. Napatingin ako sa aking tabi, katabi ko ang aking asawa. Paano nangyari ito? Galit siya sa akin kahapon. Ayaw niya akong katabi pero bakit nandito siya ngayon. Nakasiksik pa ang mukha niya sa aking kilikili. Nagmadali akong bumangon, baka magising ito at magalit na naman sa akin. Pero bigla siyang yumapos sa aking tiyan. Wala akong damit. Sinilip ko ang ilalim ng kumot at parehas kaming hubo’t hubad na mag-asawa. Paano nangyari na lumapit siya sa akin? Malamang ako ang pinahiga dito. Hindi kaya pinilit ko siya? Inayos ko ang mukha nito. Inalis ko sa pagkakasiksik sa aking kilikili. Sa aking bisig ko siya inihiga. Para talagang anghel sa ganda ang

