ZANDRO’s POV Papunta ako ng parlor para sunduin si Patriz at saka kami pupunta sa bahay nila para kunin ang mga gamit niya. Nandoon din si Perla at idadaan muna namin siya sa bahay bago kami tumuloy sa aming lakad. Sa bahay matutulog si Perla para may makasama si baby Zandra. Hindi na ako pinababa ni Patriz ng kotse. Malayo pa lang ako ay kita ko na siyang naghihintay. Hindi pa yata alam sa parlor na kami na except kay Mommy Art at kay Madam Lucila. Okay lang naman kahit hindi nila alam. Ang mahalaga para sa akin ay nagkaka-intindihan kaming dallawa. Hindi siya sa tapat ng parlor nakatayo kundi sa katabi nitong gusali. Hindi ko na siya na ipagbukas ng sasakyan. Pagka-upo nito ay ako na ang nagkabit ng seatbelt. Syempre hindi lang seatbelt, gusto ko rin itong halikan. “Hello, hon. I

