ZANDRO’s POV Ang alam ko ay kakain lang kami sa labas bilang reward ko kay Zandra. Ni-request niya na isama namin ang ninang Patriz niya. Pero bakit ako ganito ka – excited o kinakabahan as if na may first date ako? Masaya ako na pumayag si Patriz sa pakiusap ni Zandra. Akala ko kanina ay talagang hindi siya papayag. Kundi magtatampo na naman ang aking kapatid na si Zandra. Tingin ko ay hindi naman niya kayang tiisin ang aking kapatid. Iba talaga ang charm ni Zandra kaya halos lahat sa parlor ay kaya nitong mapapayag pati ang may-ari na si Madam Lucila. Parte na nga siya ng grupo doon. Galing sa trabaho si Patriz kaya naman ang isusuot namin ni Zandra ay tulad lang nang suot ni Patriz para hindi rin mailang sa amin ang dalaga. Pwede naman kami kumain kahit jeans at shorts lang ang suot

