Blaire Mackenzie’s POV ”Douglas, ako na lang.” Kinuha ko sa kanya ang kutsara at marahan kong sinandok ang soup na nasa bowl at inilapit sa labi ko. Pinipilit kasi ni Douglas na siya na ang magpakain sa akin pero okay naman na ko. Hindi naman ako baldado at kaya ko naman na pakainin ang sarili ko. Ayoko kasi na sinusubuan niya na naman ako. Dapat pinapakain niya rin ang sarili niya habang kumakain ako. “Kumain ka na lang din,” sambit ko at kinuha ko ang tinapay niya at pinalamanan ng nutella. Pinapanood lang ako ni Douglas na parang may mali sa akin. Okay naman na talaga ko. Dalawang araw na mula ng maghimatay ako sa hotel at wala na rin ang dextrose sa kamay ko dahil tinanggal na ng personal doctor ko na hinire pa ni Douglas galing U.S. "Blaire, I should be the one who's taking car

