Blaire Mackenzie’s POV Naramdaman ko na naman ang paghalukay sa tiyan ko na nagpatakbo sa akin papunta sa banyo. Mahigpit na napahawak ako sa magkabilang gilid ng sink dahil sa panghihina. Pangalawang beses na ‘to at nakakapanghina. “Wife…” Naramdaman ko ang kamay ni Douglas sa likod ko na marahan na hinahaplos ang likod ko habang sinasakop ng isang kamay niya ang buhok ko. “I’m sorry.” Hindi ko alam kung bakit ko ba nararanasan ‘to. Mukhang hindi na ‘to normal dahil ganito rin ako kahapon. Nagising na lang ako dahil sa paghahalukay sa tiyan ko. Binuksan ko ang gripo at nagmumog ako ng labi ko at kinuha ko ang towel na nakalagay sa gilid ng sink na galing pa sa hotel. Pinunasan ko ang labi ko at dahan-dahan na humarap kay Douglas. Sumalubong agad sa akin ang dibdib niyang malapad. “

