Blaire Mackenzie’s POV Isang linggo na ang nagdaan at dahan-dahan ng bumabalik sa dati ang lahat. Pumapasok na ulit si Douglas sa office niya at nag-aaral naman ako pero home school lang tulad ng gusto ni Douglas. Pero ngayon ay Linggo kaya parehas kaming walang gagawin kaya parehas din kaming nakahiga lang sa kama. Nakaunan siya sa dibdib ko habang ang kanang kamay niya ay nasa loob ng pantaas kong pantulog at hinahaplos ang tiyan ko. Hindi ko alam kung ano bang mayroon sa tiyan ko pero palagi niyang ginagawa ‘yan sa tuwing magigising kami sa umaga. “Douglas, magsisimba ako. Gusto mong sumama?” tanong ko sa kanya. Linggo ngayon kaya magsisimba ko. Ang Linggo ay ang araw ng pagsisimba na hindi ko dapat makalimutan. Magpapasalamat ako sa panginoon dahil sa lahat ng binibigay niyang biy

