Blaire Mackenzie’s POV Dahan-dahan akong nag-unat nang magising ako mula sa mahimbing at masarap kong pagtulog. Napangiti agad ako nang makita ko si Douglas na nakaupo sa kama namin at nakasandal sa headboard. Hawak niya ang phone niya at mukhang may pinagkakaabalahan siya ngayon. “Good morning, wife,” bati niya sa akin habang nakatitig sa phone niya. “Good morning.” Naupo ako sa kama namin at bumaba ang comforter na nasa katawan ko at napunta ito sa ibabaw ng hita ko. Naramdaman ko ang kamay ni Douglas na inangat ang strap ng nightie na suot ko kaya napalingon ako sa kanya. Nakatitig pa rin siya sa phone niya. Mukhang may pinagkakaabalahan nga siya. “Anong almusal natin?” Tinabig ko ang comforter at umalis sa kama. Napatingala ako sa wall clock at napaawang ang labi ko dahil mag-

