NAGISING si Desiree ng maramdaman niya ang paglundo ng kamang kinahihigaan. Napangiti siya ng makita niyang nakaupo sa tabi niya ang asawang si Guiller. Buhat-buhat sa kamay ang isang tray na naglalaman ng almusal na iniluto lang naman nito para sa kanya.
“Wow! Ang sweet naman ng asawa ko, may okasyon ba?”Nagtatakang usisa ni Desiree na nag-umpisa ng kumain.
“W-wala naman honey, naisipan ko lang na lutuan kita. Alam mo na, I enjoyed our lovemaking last night…”wika nito.
Biglang napaubo si Desiree, dahil muli nitong ipinaalala sa kanya ang kataksilan rito. Agad-agad naman siyang inabutan ni Guiller ng baso na naglalaman ng tubig.
“Honey, magdahan-dahan lang sa pagkain okay…”alalang sabi ni Guiller habang dinadaluhan siya nito. Panay himas nito sa likuran na niya.
“Siya nga pala, bakit ang aga mo yatang nagising ngayon? May lakad ka ba? Sabado naman, ah!”nasabi ni Desiree matapos siyang umayos.
Bahagiya naman natigilan si Guiller, isang pilit na ngiti ang ipinakita niya sa asawa. “Oo eh honey, may lalakarin lang kami ng mga big boss,”dahilan niya. Pero ang totoo ay maghahanap siya ng trabaho.
“O-Okay honey, s-siguro mag-e-stay na lang ako rito sa bahay,”tugon niya. Pagkatapos niyang makakain ay si Desiree na ang naghugas ng mga pinagkainan niya.
“Sige na honey, mag-take ka na ng shower. Sunod na lang ako pagkatapos mo,”nakangiti niyang sabi.
Nang tumango si Guiller ay tuluyan na niyang sinabon ang mga plato at kubyertos na nasa lababo.
Humihimig pa siya habang abala sa ginagawa ng marinig niya mula sa silid nila ang caller alert tone ng cp ng asawa niya.
Dali-dali siyang naglakad papasok sa loob ng silid nila.
“Honey, Guiller may tumatawag sa’yo! “malakas na pagtawag ni Desiree kay Guiller na nanatiling naliligo.
Muli niyang tinitigan ang numero sa screen ng cellphone nito. Unregistered number iyon, kaya out of coriousity ay pinindot niya ang answer button.
“H-Hello G-Guiller darling...”ani ng isang tinig mula sa kabilang llinya Nanlaki ang mata niya. Dahil sa pagkabigla ay tuluyan napatay ni Desiree ang tawag. Agad niyang binitiwan ang cellphone ni Guiller.
Itinakip niya ang dalawang palad sa bibig, upang huwag kumawala ang hikbi niya. Tuluyan nanubig at rumagasa sa magkabila niyang pisngi ang masaganang luha.
That time ay sobrang sama ng loob niya, mariin lamang niyang kinagat ang ibabang labi niya. Halos magdugo na iyon.
Hindi aakalain ni Desiree na sa kaagang pagsasama nila nito ay lolokohin at may ibang babae si Guiler! Lalong lumakas ang kutob niya sa kakatwang ipinapakita ng asawa niya. Ang mga sweet nitong gesture ay may lihim palang dahilan. Iyon ay pagtakpan ang pambibilog at pambabae nito!
NANG makalabas na sa banyo si Guiller ay agad na itong nagbihis. Tinitigan niya ang asawa na bumalik pala sa higaan, walang anu-ano’y nilapitan niya ito.
“Honey, aalis na pala ako. Kapag wala pa ako ng lunch ay magluto ka na lamang ng makakain mo okay ba iyon?”malumanay na sabi niya sa babae na nanatiling nakatalikod sa kaniyang direksyon.
“O-okay…”walang-ganang sagot naman nito.
Napakunot-noo naman si Guiller matapos niyang madinig ang boses ng misis niya. “Are you sick hon? Gusto mo bang tawagin ko si Mama Laila na puntahan ka rito at samahan ka muna.”tukoy nito sa biyenan, ina ng asawa. Bigla ang pagbangon ng pag-aalala kay Guiller na dumukwang pa at hinipo ang pisngi ni Desiree.
“Ano ba, okay lang ako… sige na umalis ka na. Baka pagalitan ka pa ng mga boss mo,”pagtataboy ni Desiree.
Matagal bago hindi natinag mula sa kinatatayuan si Guiller, tinitigan muna nito si Desiree. Napabuntong-hininga na lamang si Guiller. Ayaw niya sanang iwan ang asawa niyang mag-isa sa sarili nilang pamamahay ay wala naman siyang magagawa. Need niyang makapaghanap ng trabaho, buntis ito at pinaghahandaan nila ang pagdating ng anak nila. Kung ganitong wala siyang pinagkakakitaan ay hindi niya mabibigyan ng maayos na buhay ito.
Kahit mabigat sa loob niya ay napagdesisyunan na niyang umalis. Isang maiksing halik sa pisngi nito ang ginawa niya.
“Take care honey, before dinner ay narito na ako…”sabi pa ni Guiller. Naglakad na ito palabas at tuluyan na niyang isinara ang pinto.
Nang marinig ni Desiree ang paglapat niyon ay tuluyan nang humagulhol si Desiree. Halos mabasa ng tuluyan ang unan niya.
“Ang sakit! Sakit! Bakit G-Guiller? Bakit mo nagawa akong lokohin!”hiyaw ni Desiree. Mahigpit na mahigpit na ang pagkakahawak niya sa blanket na nakabalot sa kanya.
Hindi na niya namalayan na tuluyan siyang nakaidlip matapos ang ilang sandaling pag-iyak…
KASALUKUYAN naman kumakain ng breakfast si Ezekiel ng pumasok sa komedor si Szuttete.
“Goodmorning Zeck,”masiglang bati nito sa binata. Isang halik mula sa pisngi ang iginawad nito.
“Goodmorning Tita,”tugon naman ni Ezekiel na patuloy lamang sa maganang pagkain.
“Mukhang masaya ang umaga mo huh, iho. Hmmm… alam ko na, dahil ba sa kasama mong babae kagabi?”usisa ni Szuttete rito.
Ngumiti lamang si Ezekiel.
“Nakakatuwa naman, kahit paano ay nakahanap ka na ng tamang babaeng mamahalin. Akala ko rati ay mananatili kang galit sa mga taong umapi sa magulang mo…”tuluyan nasabi ng babae.
Buhat sa sinabi ng kaharap ay biglang nag-iba ang mood ng binata. Maging si Szuttete ay nawala ang ngiting nakapaskil sa labi nito. Sa mga sandaling iyon ay seryusong-seryuso ang mukha nito.
“Iho, Ezekiel, hindi kita pinalaki para magtanim ng sama ng loob o ano. Please, iwanan mo na sa nakaraan ang lahat ng hinanakit mo. Tutal wala ng mababago pa. Ang akala mo ba ay hindi ko alam ang pinaggagawa mo this past few months…”nalulungkot na saad nito sa natahimik na binata. Tuluyan din itong natigil sa pagkain. Nakayuko lamang ito.
“Tita, maiintindihan niyo rin balang-araw kung bakit ko ito ginagawa…”eksplika ni Ezekiel.
“Ang alin, ang makapanira ng isang pamilya? My God! Iho, hindi kita inalagaan para gumawa ng kabuktutan. Isipin mo naman magiging consequence ng lahat ng gagawin mo sakali. Hindi porke’t si Desiree ang—”Ngunit isang pagbagsak ng kamao ang ginawa ni Ezekiel upang matigilan sa pagsasalita si Szuttete.
“Tama na, matagal ko ng pinag-isipan ito. Kahit anong sabihin niyo ay wala ng makakapigil pa sa mga plano ko! Ginagawa ko ito para maiganti man lang ang naging paghihirap namin ng Mama ko sa pamilyang lumaspatangan sa akin noong bata pa ako! Sa totoo lang kahit na anong oras ay maari kong patayin na lamang ang mga lintek na iyon. Pero hindi, masiyadong madali para sa kanila kung ganoon lamang! Mas makatwiran kapag parurusahan ko sila sa alam kong iindahin nila sa bandang huli…”nanggigil na lahad ni Ezekiel. Tuluyan na itong tumayo mula sa kinauupuan.
Iniwan nitong hindi nakahuma si Szuttete na nag-aalala pa rin sa binata.
“Hopefully ay mahanap mo ang kapayapaan sa puso mo Zeck, balang-araw…”naisual na lang ng babae na naiiling pa.
KASALUKUYAN naman naglalakad si Guiller ng mga sandaling iyon. Pangatlong building na ang pinuntahan niya, ngunit mukhang malas na naman siya sa araw na iyon. Dahil kung hindi qualified sa posisyon na inaapplayan niya ang hiring ay masiyadong naman malayo sa posisyon na hanap niya.
Magtatanghali na noon, kaya pawisan na siya sa paglalakad. Hindi na siya nag-abalang sumakay sa taxi, dahil sayang lang din ang magagastos niya.
Kailangan niyang magtipid dahil malapit ng masaid ang savings niya.
Desperado na siyang makahanap ng trabaho sa totoo lang, pakiramdam niya sobra siyang kawawa kapag ganitong walang-wala siya.
Hanggang sa may tumigil na itim na porsche sa harapan niya. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaction niya ng mga sandaling iyon ng masigurado niyang si Dr. Ezekiel Abenedi iyon.
“Hey! Good afternoon, can I talk to you,”kasuwal na sabi nito. Matapos na bumaba ito.
“Sure Doc Abenedi,”tugon niya.
“Shall we go some restaurant. Mukhang hindi ka pa nananghalian,”wika nito.
“H-hindi pa nga po,”nasabi naman ni Guiller sa tonong nahihiya pa.
Tuluyan na silang pumasok sa isang kilalang restaurant. Mabilis na nagtawag ng waiter si Ezekiel at nag-order ng makakain para sa kanilang dalawa ng kasama niya.
Matapos ang ilang minuto ay nag-umpisa na silang kumain.
Kahit nahihiya ay hindi na nagpatumpik-tumpik si Guiller. Malaking bagay na sa kanya ang may manlibre ng lunch rito. Lalo ngayon na gipit na gipit siya sa pera.
Habang nagkwe-kwentuhan hindi na namamalayan ni Guiller na tuluyan napunta ang topic nila sa asawa niyang si Desiree. Dahil na rin sa pagmamanipula sa usapan ni Ezekiel.
“… So ngayong wala kang trabaho, paano na Guiller. Buntis si Misis, mahirap iyan dahil ngayon mo kailangan ng pagkakakitaan para sa panganganak niya,”nasabi ni Ezekiel.
“Iyon nga po kaya hindi ako tumitigil sa paghahanap ng trabaho, ngayon na nagsabi siyang gusto na rin naman niyang magresign sa trabaho niya ngayon,”wika nito matapos nitong makainom ng malamig na tubig.
Bigla naman ang pagkunot-noo ni Ezekiel sa narinig mula kay Guiller.
“B-bakit naman naisipan ni Des na umalis sa trabaho niya, mukhang maayos naman ang pamamalakad ng kumpaniyang pinapasukan niya. Saka if I remember, malaki magpasahod ang best friend kong si Nikz…”pagbibigay alam ng binata rito.
“Hindi ko nga alam sir, ‘di ko sure kung nahihirapan siya sa pagbubuntis. Dahil hindi ko naman siya nababantayan 24 hrs. Pero… “bigla itong natigil sa pagsasalita. Tila ba nag-alangan ito sa mga sasabihin pa nito ng tungkol kay Desiree mula sa kaharap.
Bigla naman ngumiti si Ezekiel, tila nabasa nito ang nasa isip ni Guiller.
“Don’t worry, kung ano man iyan ay maiintindihan ko. In case of my career for being Doctor. Kaya kong magtago ng mga sikreto…”pangungumbinsi pa nito.
“Kasi S-sir baka kako kasi, bumalik ang sakit ni Desiree.”
“Anong sakit ang tinutukoy mo?”puzzled na tanong ng binata.
Nag-alis muna ng bara sa lalamunan si Guiller bago ito muling magsalita.
“Nalaman ko po kasi ito sa best friend niyang si Jaime. Hindi ko na lang direktang itinanong sa misis ko, dahil ayaw kong makagulo pa ako sa mga iniisip niya. Noong dalaga kasi siya, one time na nagkaroon ng p-party ng boss niyang si Nikz nalasing daw siya at may lalaking gumalaw sa kanya na hindi naman niya kakilala. That time, nagsimula na siyang magkaroon ng nightmare…”mahabang paliwanag ni Guiller kay Ezekiel na natigilan sa inilahad nito ngayon-ngayon lamang.