MARAHAN ang ginagawang paghilot ni Ezekiel sa magkabilang sentido ng mga oras na iyon. Kasalukuyan siyang nakaupo sa swivel chair ng kanyang clinic ng hapon na iyon. Patuloy niyang kinakalma ang sarili sa mga sandaling lumipas. Panay ang buga ng hangin sa bibig niya na tila sa ginagawa ay tila gagaan ang mabigat na pakiramdam na gumagambala sa kanya ng mga sandaling iyon. Katatawag lamang kasi ng abuela niya galing America, marami itong ibinalita sa kanya na sa hinagap niya'y malayong mangyari. Pero iyon na nga at kailangan niyang gumawa ng hakbang para matapos ang lahat ng suliranin. Isa na roon ang pagkaka-atraso ng mga negosyo nila, dahil na rin sa mga maling desisyon ng abuelo niya na siyang iniwanan niyang mamahala roon. Alam niyang minsan ay napakatigas ng ulo nito at basta-bast

