THIRTY minutes pa lang nakakauwi ang Mama ni Desiree ay narinig na niya ang sunod-sunod na pagkatok mula sa pinto.
Inihanda na niya ang sarili para sa napipintong pagsita niya sa asawa niyang si Guiller. Hindi niya aakalain na magagawa niyang maglakad ng mahinahon habang palapit sa pinto.
Ngunit sa pagbukas niya ng pinto ay bigla-bigla nag-iba ang timpla niya. Para bang binayo ng malakas ang dibdib ni Diseree na tila may nag-uunahan na kabayo. Halos sasabog ang puso niya sa lakas ng pagtibok niyon. Kasabay niyon ang pag-awang ng bibig niya.
“Ehem… Desiree, kung pwe-pwedi ipasok ko na muna itong asawa mo bago ka matulala diyan,” amuse na bigkas ni Ezekiel.
Isang napapahiyang ngiti at pagtango lamang ang ginawa ni Desiree, matapos nitong tumabi para makapasok ng tuluyan ang dalawang lalaki.
Halos manlupasay sa sahig si Guiller, lasing na lasing ito. Ngayon nagtataka siya, kung bakit si Ezekiel ang kasama nito. Ang akala niya’y mga ka-opisina nito?
Lalo tuloy siya kinain ng pagngingitngit.
Napakasinungaling talaga nito!
“Saan ang kwarto niyo?”tanong ni Ezekiel dito. Agad naman itinuro ni Desiree ang silid nilang mag-asawa.
Nagpatiuna na siya para mabuksan na rin ang pinto ng silid nila.
Mabuti na lamang at nakapagsinop siya kanina, kung hindi kahiya-hiya na nagkandakalat ang kagamitan sa loob.
Kitang-kita niyang inihiga na ito ng binata.
“S-sige na Sir Abenedi, ako ng bahala kay G-Guiller. S-salamat… “agad niyang iniiwas ang pansin niya ng matukoy niyang tutok na tutok ang mata sa kanya ng lalaki.
“Baka may kailangan ka pa, sabihin mo lang,“wika pa ni Ezekiel.
“W-wala na, sige na po Sir Abenedi late na po at baka matraffic pa kayo pauwi.“Umiling pa siya. Tuluyan nang bumangon ang inis niya rito. Hindi ba nito naiintindihan na naiilang siya.
“Hey! Easy… Okay, okay sweetheart, just take care. Mas okay siguro na sa asawa mo na manggaling ang lahat…”pambibitin pa nito.
Bigla naman na corious at naguluhan si Desiree.
“B-bakit? Pwedi ba, kung may sasabihin ka pa ay sabihin mo na iyong ganyan na nambibitin ka pa! S-saka b-bakit ba kayo magkasama ng asawa ko huh! Hoy! Baka kung anu-ano pinagsusulsol mo sa kanya.”Halos umusok na ang butas sa ilong ni Desiree.
“Chill misis! Ano ka ba. W-wla ka ba talagang alam sa nangyayari sa asawa mo?”wika pa ni Ezekiel.
“Ang alin?”puzzled pa rin na sabi ni Desiree sa mga sandaling iyon ay pulang-pula na siya.
Agad naman tinapik-tapik nito ang braso niya, bahagiya pa siyang napapitlag sa pagkakadikit pa lang ng balat nila.
“W-wala, sige na mas maganda ng mauna na ako. Saka tama ka na gabi na.”Pag-iwas at pamamaalam ni Ezekiel.
Kahit gusto pang mag-usisa ni Desiree ay ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon.
Inihatid na niya sa may labasan si Ezekiel, isasara na niya ang pinto ng maramdaman niya ang pagpigil ng palad nito pasara.
Nakakunot-noo na siyang napatitig dito.
“Oh bakit? May sasabihin ka pa?”Masungit na niyang saad.
“Kung gusto mo ng makakausap ay maari mo naman akong malapitan,“malumanay nitong sabi.
Nang tumutok ang pansin ni Desiree sa mga mata ni Ezekiel ay nabanaag pa niya ang concern nito sa mukha.
Hindi niya alam pero tila may humaplos na mainit na palad sa puso niya.
“A-ano bang pinagsasabi mo? Pwedi ba umalis ka na nga lang!”asik na ni Desiree.
Sa inis niya’y tuluyan na niyang hinila pasara ang pinto. Wala na siyang pakialam kung maipit pa ang kamay ni Ezekiel.
Mabuti na lang at mabilis naman binawi ng binata ang kamay.
Matapos na maisara at mai-locked ni Desiree ang pinto ay tuluyan siyang napasandig roon.
Hindi niya batid kung para saan ang mabigat na pakiramdam na dumaan sa dibdib niya.
“Ano bang nalalaman mo huh Ezekiel? M-may alam ka ba sa pambabae ng asawa ko?”naibulong na lang ni Desiree sa sarili.
Kaya ba panay ang lapit nito sa kanya dahil hindi kaila rito ang kalokohan ginagawa ng sarili niyang mister.
Kahit wala sa huwisyo ay tuluyan na siyang pumasok sa silid nilang mag-asawa. Kahit masamang-masama ang loob ni Desiree ay inasikaso pa rin niya ang asawa.
Matapos ang ilang minutong pagpupunas sa katawan ng asawa at mapalitan na niya ito ng pantulog ay naisipan na niyang ipagtimpla ang sarili ng mainit na gatas.
MAAGANG nagising kinabukasan si Guiller, napansin niyang tulog na tulog pa ang misis niya kaya nagkusa na siyang bumangon. Napangiti pa siya ng mapansin niyang napalitan siya ng damit pantulog.
“Ang sweet talaga ng asawa ko, because of that ipaghahanda kita ng breakfast hon,”bulong ni Guiller sa tainga ni Desiree. Isang masuyong halik ang idinampi nito sa may sentido sa tulog na tulog na asawa.
Nagmadali na siyang nagprepara ng makakain nilang mag-asawa. Gusto niyang magkasabay sila ngayon.
Mag-a-alas siyete na ng matapos si Guiller. Inilagay na niya sa malaking bandehado ang almusal nila. Fried egg, bacon, ilang toasted bread at fesh juice ang inihanda niya. Habang kape naman para sa kanya.
“Honey,wake up! Breakfast in bed,”anunsiyo niya. Bahagiya niyang yinugyog ang balikat nito.
Marahan naman iminulat ni Desiree ang mga mata.
“B-bakit ka ba nanggigising napakaaga pa ehy! “ Maktol ni Desiree. Magkasalubong ang dalawang kilay nito na napatitig sa nakangiting mukha ni Guiller.
“C’mon honey, late na. Saka nagprepare ako ng breakfast. Here! Sabay na tayong kumain,”sunod-sunod nitong sabi.
Sasagot pa sana si Desiree ng bigla na lamang siyang subuan ng hotdog ni Guiller sa bibig. Imbes na magalit ay hinayaan na niyang kainin iyon. Bigla-bigla siyang natakam sa totoo lang.
“See... your hungry honey, sige na kumain muna tayo, dahil may sasabihin akong napakaimportanteng bagay sa iyo mamaya pagkakain natin.”
Bigla naman natigil sa pagnguya si Desiree, muli pa sanang ibubuka nito ang bibig ngunit muli na naman siyang sinubuan ng hotdog ng asawa.
“Later honey, kain ka muna. Huwag kang atat, mamaya kasi gusto kong tayo naman ang magkainan—aray! Honey! “Gulat na sabi ni Guiller. Bahagiya pang hinimas nito ang parteng kinurot ng misis niya.
“I-ikaw kasi, kung anu-ano ang pinagsasabi mo. Ikaw huh umayos ka, may kasalanan ka pa sa akin hmp!” Naniningkit pang sabi ni Desiree.
“Ang alin hon? Oh ang pag-uwe ko ba ng late kagabi? C’mon honey pinasabi ko naman kay Ma na mag-eenum kami diba?” wika pa ni Guiller.
“Oo nga pero bakit si Sir Abenedi ang naghatid sa’yo rito?”Bigla niyang supalpal kay Guiller na natigilan matapos niyang sabihin iyon.
“Maari bang tapusin na muna natin ang pagkain honey? Please… “pagpapakalma ni Guiller.
Kahit labag sa loob ni Desiree ay tumango siya. Hinayaan niyang subuan siya ng mister niya, ewan ba niya kahit paano ay natutuwa ang puso niya sa tuwing gagawin ni Greg iyon. Pakiramdam niya kasi ay asikasung-asikaso siya ng mister niya.
Makalipas ang ilang minuto, hindi pa nasasaid ni Desiree ang nilalaman ng juice sa may baso niya ay muli na siyang nangulit.
“Ano, ano ba iyong mahalagang sasabihin mo huh Guiller?”
“Ahmmm, Honey ang totoo. Wala na ako sa dati kong trabaho… “diretsong sabi ni Guiller.
Hindi muna agad nakapagsalita si Desiree.
“Kaya ba kakaiba ang ikinikilos mo this last few days?”nasabi niya.
“Yes, yes honey. Dahil ang totoo naghahanap na ako ng trabaho. Hindi ko nasabi agad dahil ayaw kong mag-alala ka, lalo at buntis ka hon. Ayukong mag-isip ka. Kaya noong sinabi mong magre-resign ka sa trabaho mo ay lalong hindi ko na sinabi… “Mahabang paliwanag ni Guiller.
Nagpatango-tango lang naman si Desiree.
“Saka honey ang goodnews ay may trabaho na ako. Kaya si Doc Abenedi ang naghatid sa akin, dahil siya ang tumulong na makahanap ako ng trabaho. Akalain mo iyon out of nowhere ay siya pala ang makakatulong ko sa paghahanap ng trabaho.” Tuloy-tuloy pang salaysay ni Guiller. Kitang-kita ni Desiree ang katuwaan sa mukha ng asawa.
Habang siya napangiwi na. Paano ba naman kasi, pinakaiwas-iwasan niya ang taong tumutulong sa asawa niya. Ngunit mukhang nanadiya yata si Ezekiel.
“Saka alam mo honey, huwag sanang sasama ang loob mo okay. Naikwento ko pala sa kanya ang kalagayan mo, k-kung pwedi-pwedi ay mabisita ka niya rito sa bahay para sa session mo sa dati mong sakit,”hiling pa ni Guiller na nagpatulala sa kanya.
“Pero honey,”protesta niya.
“Please hon, listen. Para sa iyo rin ito. Para sa pamilya natin. Lalong-lalo na sa anak natin… “pakiusap pa ni Guiller.
Matagal na hindi nakapagsalita si Desiree, para sa kanya hirap na hirap siyang magdesisyon.
Paano ba naman kasi, takot na takot siyang pumayag sa gusto nito. Wala siyang tiwala sa Dr. Ezekiel Abenedi na iyon!
“Talaga lang huh! Baka naman sarili mo ang wala kang tiwala Des!”Kontra ng isang tinig mula sa isip niya.
“Shut up!”Hiyaw niya.
“H-honey?” Gulat na sabi ni Guiller.
“Oh I’m sorry…”ani ni Desiree sa mababang tinig.
“It’s okay hon, siya sige pahinga ka na muna. “tuluyan ng pinagliligpit ni Guiller ang mga pinagkainan nila.
Patalikod na siya ng maramdaman niya ang paghawak ni Desiree sa braso niya.
“Sandali… “
“Bakit honey, gusto mo na bang ituloy natin ang sinasabi ko kanina na making love in breakfats?”umaasam pang ungot ni Guiller.
“Ano ba Guiller!!!”Hysterical ng sigaw ni Desiree.
“Okay! Okay! Biro lang hon. Ano pa ba kailangan ng maganda kong asawa hmmm… “Naaliw pa niyang puri rito.
“May hindi ka pa nasasabi sa akin Guiller,”seryusong wika ni Desiree.
“A-ano bang sinasabi mo hon?”Naguguluhan pa rin na tanong ni Guiller.
“Noong isang gabi, may tumatawag na babae? She called your names, may tawag pa nga siya sa’yo, darling pa nga eh. Sino siya Guiller? Magsabi ka ng totoo, babae mo ba iyon? ”mapaklang ani ni Desiree sa malamig na tinig.
Muntik ng mailaglag nito ang hawak na tray ng marinig niya sa bibig ng misis niya ang sinasabi nito.