HINDI alam ang gagawin ni Desiree ng mga sandaling iyon. Paano ba naman kasi, pinaggitnaan siya ng dalawang lalaki. Kasama nila ang Mama at Papa niya na nasa kaibayong sofa. Habang ang tatlong matatanda ay piniling matulog ng hapon na iyon. Napagod marahil ang mga ito mula sa biyahe. "Mabuti naman at nagka-oras kang puntahan itong anak ko iho,"seryusong baling ni Laila sa manugang. "P-pasensya na po Ma, busy lang ho kasi sa trabaho,"sagot naman ni Guiller sa tonong nahihiya. "Baka naman may pinagkakabaalahan ka lang iba." "W-wala ho Ma, ang totoo kumuha po ako ng leave sa opisina, para makasama ko ang mga bata a-at si Desiree. "Oh, ganoon ba. At ikaw naman iho, ikaw si Ezekiel di'ba? salamat nga pala sa pagpapaunlak sa imbitasyon kong magbakasyon kayo rito ng apo ko."May totoong ngit

