Chapter 14
Naudlot na tanghalian
Hindi lang 'yong labas ng bahay-kubo ang maganda. Pati ang kabuoan nito na nasa loob ay mas maganda pa pala ito. Lalo na ang mga disenyo.
Kawayan ang structure nito at may mini-table at mini-bed pa sa loob.
"Come here, Ross."
Umupo siya sa mini-bed nito at muling pinaglakbay ang kanyang mga mata sa structure ng maliit na bahay.
Hanggang sa huminto ang mga mata niya sa binata, na ngayon ay nakasandal sa ding-ding na nasa bintana. Nagmukhang modelo ang binata sa kanyang paningin.
Ngumiti ito sa kanya at muli niyang naramdaman ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.
"Guess what, Ross? I made this little house. I called it my paraiso," mahinang saad ng binata.
'He...made this? Really?' she asked to herself.
Hindi niya akalain na kaya palang gumawa ni Jorden ng bahay. Talagang napahanga siya. Ang gaganda ng mga disenyo nito.
"I made this when I was twelve years old," he said and he slowly walked closer towards her.
Umupo ito sa tabi niya at tumingin sa labas. Nakabukas ang maliit na bintana at tanaw nila ang magandang karagatan ng Rossa Island.
"Did you like it, Ross?" mahinang tanong ng binata at napalingon siya rito.
Nakatanaw rin ito sa labas at parang ang sarap titigan ang binata.
Gusto niyang sumagot at sabihin na, pwede pala siyang maging karpentero pero hindi naman niya kayang magsalita.
Naramdaman siguro nito ang matiim na pagtitig niya at lumingon din ito sa kanya.
Sa pangalawang pagkakataon ay binigyan niya ulit ng magandang ngiti ang binata na siyang ikinagulat na naman nito.
Napaawang ang mga labi ni Jorden nang makita si Ross na ngumiti ulit sa kanya.
A genuine smile that can make his heart beats fast than a normal. A genuine smile that can make her beautiful, even more.
"You're so beautiful, Ross."
Parang sirang plaka na siya at paulit-ulit na lamang niya iyon sinasambit.
Ang ganda naman kasi ng dalaga at wala talagang lalaki ang hindi ma-attract sa ganda nito. Maski nga siya ay parang binuhol na nito dahil palagi niyang hinahanap-hanap ang presensya nito.
"This is my secret place, Ross. You are the only one who knows this paraiso of mine, and be proud of it Ross."
Muli niyang hinawi ang buhok nito at inipit sa tainga nito.
"We can go back here, if you want and stay more longer, here," he said with his genuine smile too.
Nagugulat talaga siya kapag ngumingiti si Ross. Ang sarap nitong panoorin. Mas gumaganda kapag nakangiti.
"As you can see, Ross. Pwede akong maging karpentero, right?" natatawang saad niya.
"If you want to build your own house, just ask me. I can be your carpenter and I don't need money payment, Ross. Pay me your smile and I work hard," aniya at hindi lang ang pag-ngiti ni Ross ang ikinagulat na naman niya.
Tumawa ito sa malambing na boses. Her voice is soft and gentle. Ngayon niya lamang narinig ang pagtawa nito. Talagang madadala ka na naman sa sweet voice niya.
Sumabay na lamang siya sa pagtawa kay Ross at isa lang ang napansin niya.
Unti-unti na niyang nakukuha ang loob ng dalaga at kaunti na rin ay mabubuo na ang tiwala nito sa kanya.
Ilang oras lang silang nanatili sa paraiso at saka nagpasya si Jorden na bumalik na sa bahay-bakasyunan.
Natakot ulit si Ross sumakay ng bangka pero wala siyang choice kundi sumakay kasi kung lalakarin lang nila papauwi ay matatagalan pa sila sa paglalakad at medyo malayo rin naman.
Pinagtawanan ulit siya ni Jorden at sinasamaan niya ito nang tingin. Pero mas lumalakas lamang ang tawa nito kapag sasamaan niya nang tingin ang binata.
***
Pasadong alas diyes na ng umaga ng sila'y nakabalik sa bahay-bakasyunan. Tumagal pala sila ng ilang oras sa paraiso.
Muli siyang inalalayan ni Jorden na bumaba mula sa bangka.
Pinanood na lamang niya ito sa pag-aayos ng bangka sa dating puwesto nito. Pagkatapos ay tiningnan siya nito at parang nahihiya pa ito sa kanya. Halata sa pamumula ng tainga at pisngi nito.
"Uh...Ross. If you don't mind or do you mind. C-can I have lunch with you?" nahihiyang tanong nito sa kanya at matiim na tinitigan na muna niya ang binata.
Tumingin siya sa gawi ng bahay na tinutuluyan niya saka binalik ang mga mata sa binata. Tinanguan niya ito at kitang-kita niya ang paglawak ng ngiti nito.
"Come on, doon tayo sa cottage!" masayang saad nito at hinila siya.
Nagpadala na lamang siya sa panghihila ni Jorden at saka umiling. Kung umakto kasi ito ay parang bata.
Mabilis nilang inupahan ang isang maliit na cottage at pinaupo siya nito kaagad.
"Stay here for awhile, Ross. I'll ask our staff na dalhan na muna tayo ng lunch dito. Stay, okay?" mahinang saad nito at tinanguan na lamang niya ang binata.
Ngumiti na muna ito bago naglakad patungo sa bahay-bakasyunan. Pinanood na lamang niya ang papalayong likuran ng binata at humugot ng isang malalim na buntong -hininga.
"Ate Ross!"
Nagulat siya nang marinig ang boses ni Rie at mabilis na napalingon sa side nito.
"Nandito ka lang pala, ate! Hinanap kita kanina, pagkatapos kong tulungan si nanay ay umuwi pa ako sa bahay natin para makasigurado na nakauwi ka na nga. Pero nagulat na lamang ako nang makitang wala ka sa bahay, tara ate, alam kong hindi ka pa kumakain."
Bigla siyang hinila ni Rie at gusto sana niyang magprotesta ngunit wala na siyang nagawa kundi hilain at magpadala na rin ulit.
Saglit na sinulyapan niya ang cottage at muling napabuntong-hininga.
Hinila siya papasok sa bahay-bakasyunan at lihim na nanalangin na sana ay makasalubong niya ang binata.
At ang akala niya ay tutungo sila sa kusina pero doon lang pala sa may garden.
"Paboritong lugar ko 'to, ate. Ang gaganda kasi ng mga bulaklak dito."
Napatingin si Ross sa kabuoan ng garden. Hindi ito masyadong malaki at hindi rin naman maliit. Maraming iba't-ibang bulaklak ang nakatanim at sariwa pa ang mga ito.
May mga bulaklak na nakatanim sa lupa at ang iba ay nasa paso naman. May hindi kalakihan na cottage.
"Kanina ko pa 'to dinala rito, ate kaya baka malamig na. Pero makakain pa rin naman," mahinang saad nito at isa-isang tinanggal ang mga takip ng tupperware.
Tumambad sa kanya ang isang malaking isda, halimango at iba pang pagkain na halamang dagat.
Nilapag nito ang isang plato at kutsara sa harapan niya at nilagyan pa nito ng kanin.
"Kain ka lang, ate..."
Kinuha niya ang kutsara at nagsimulang kumain. Nalasahan niya ang luto ni Aleng Camnia.
'She's a good chef,' aniya sa sarili.
***
Bumalik si Jorden sa cottage kung saan iniwan niya si Ross. Ngiting-ngiti pa siya dahil sa unang pagkakataon ay makakasalo niyang kumain ng pananghalian ang dalaga.
Pero napawi ang magagandang ngiti niya nang makita na wala na roon ang dalaga. At muli na naman siyang nanghinayang.
"Hindi ka na natuto, Jorden. The moment you've left, she's leaving too. Tss," aniya at ginulo ang sariling buhok.
Naudlot pa yata ang pananghalian niya na kasama ang dalaga.
"Sayang, man," bulong niya.