Chapter 23 Pagbabalik Mataas na ang sikat ng araw at malamig ang simoy ng hangin. Ang paghampas ng malakas na alon sa buhangin ang sumalubong kay Jorden ng siya'y lumabas mula sa loob ng bahay-bakasyunan. Ngayon ang balik nila sa Manila at hindi na sila magpapahatid pa kay Mang Prodencio. Tinawagan niya kanina ang daddy niya na magpapasundo na lamang sila sa private chopper nila para mas mabilisan ang pagbalik nila sa Manila. Ayaw na niya nang mahabang biyahe. Gusto niyang makauwi na siya kaagad. Dalawang chopper ang pinadala niya para makaiwas sa anak ng kaibigan niya. Dahil sa pagmamadali niya ay hindi na siya nakapag-paalam pa kina Mang Prodencio at Aleng Camnia. Galit na galit siya dahil kay Ross. Nagkamali yata siya sa pagkaka-gusto sa manlolokong tao. Pero bakit may umuudyok pa

