Chapter 32 Pag-iwas at pagtataboy Natagpuan na lamang ni Ross ang sarili niya na lumalapit sa direksyon nina Jorden. Nasa loob ito ng cottage at kitang-kita sa mga mukha nito ang kasiyahan. Kumirot ang puso niya nang makita ang ngiti ni Jorden. Ang ngiti na tanging sa kaniya lamang nito pinapakita. Ang ngiti na siya ang dahilan. Ngunit ngayon ay parang hindi na siya ang dahilan at iba na ang nginingitian nito. Sa bawat paghakbang niya ay siyang maririnig ang mga halakhak nito. Napahinto siya kaagad nang mapa-sulyap sa kaniya ang binata. Nawala ang ngiti nito nang makita siya. Napabitaw rin ito sa pagkakayakap sa babae mula sa likuran nito. Ang akala niya ay papansinin siya nito at lalapit sa direksyon niya. Ngunit nanatili ito sa walang emosyon ang mukha at tahimik na tinitigan lama

