ARKISHA MIRABELLA'S POV
Nagising na lamang ako nang maramdaman ang matinding pangangalay at hapdi sa buong katawan ko. Parang bawat kalamnan ko ay nagrereklamo sa pagod.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, at ang bumungad sa paningin ko ay ang isang matikas at maskuladong braso ng lalaki na mahigpit na nakapulupot sa bewang ko.
Nang lumingon ako sa gilid, doon ko nakita ang payapang mukha ni Euan habang mahimbing na natutulog.
What the hell just happened? Paano kami nauwi sa ganitong sitwasyon—magkasama sa iisang kama, at ang mas malala, parehong walang saplot sa katawan?
Pakiramdam ko ay gusto kong magpalamon sa lupa. Nasapak ko na lang ang sarili kong noo nang biglang mag-flashback sa isip ko ang lahat ng nangyari kaninang umaga.
Sinilip ko ang clock sa bedside table at lalo akong nagulantang—halos alas-kwatro na ng hapon! No wonder kumukulo na ang tiyan ko sa gutom.
Ilang oras pa lang ang lumilipas mula nang magising ako kanina, pero pakiramdam ko ay siksik na siksik na ang mga kaganapan sa buhay ko.
Mula sa condo ni Lawrence hanggang sa tuluyan akong mapadpad at mapunta sa poder ni Euan.
Parang roller coaster ride na hindi ko alam kung kailan hihinto.
Napabuga na lamang ako ng hangin at sinubukang alisin ang braso ni Euan na parang naka-angkla sa akin. Pero imbes na bumitaw, mas lalo pa itong humigpit at isiniksik niya ang kanyang mukha sa leeg ko.
Ramdam ko ang mainit niyang hininga na nagbibigay ng kakaibang kiliti sa balat ko. Wala na akong nagawa kundi ang gisingin ang mokong.
"E-Euan... nagugutom na ako," bulong ko. Bahagyang gumalaw si Euan, at nang iangat niya ang kanyang ulo mula sa pagkakabaon sa leeg ko, ang mapupungay at inaantok niyang mga mata ang agad na sumalubong sa akin.
"Good morning, Arkisha," aniya gamit ang baritono at paos na boses. Napalunok ako nang wala sa oras; may kung anong kuryente akong naramdaman dahil sa sobrang sexy pakinggan ng boses niya pagkagising.
"B-Bitaw na, nagugutom na talaga ako," muling sambit ko para itago ang pagkailang ko. Pero imbes na makinig, bigla niya akong hinila paibabaw sa kanya. He pinned me down with his gaze at pinanggigilan ako na parang bata.
"Later. Ayoko pang magising sa panaginip ko," malambing niyang sabi.
Agad na nangunot ang aking noo. Anong drama na naman ito? Dahil nga nasa ibabaw niya ako, hindi ko napigilang pinitik nang malakas ang kanyang ilong para matauhan siya.
"Anong panaginip ang pinagsasasabi mo? Bitawan mo na ako at nagugutom na ako!" inis na singhal ko sa kanya. Pero sa halip na magalit, isang malutong na tawa lang ang isinagot niya sa akin.
"Fine, I'll get up but stay here, okay?" aniya habang dahan-dahan akong muling inihihiga sa tabi niya. Kusa siyang bumangon at bahagyang napahilamos ng mukha bago ako muling nilingon nang may seryosong ekspresyon. "Does it hurt?"
Nagsalubong ang kilay ko sa tanong niya. "H-Ha?"
"I'm talking about your... you know. I took advantage of your innocence earlier. I'm sorry if I took you so hard."
Nanigas ako sa kinahihigaan ko. Ang tinutukoy niya ay ang digmaang naganap sa amin kanina. Ramdam ko ang mabilis na pag-akyat ng dugo sa mukha ko hanggang sa maging kasing-pula na yata ako ng kamatis.
Doon ko rin napansin ang likod niya na puno ng mga kalmot ko, maging ang mga marka sa kanyang leeg at braso.
"I-Ipaghanda mo na lang ako ng makakain! Please, Euan, bago ko pa maisipang kagatin ka!" pagtataray ko para lang matakpan ang hiya ko.
Umalingawngaw ang tawa ni Euan sa buong kwarto habang tuluyan na siyang bumabangon sa kama.
Mabilis akong napaiwas ng tingin; hindi ko kailangang makita ang umbok ng maputi niyang pwet at ang alaga niyang tila sumasaludo pa rin kahit kakatapos lang ng bakbakan.
Diyos ko, Arkisha, ang dumi ng utak mo!
Nang makalabas na si Euan ng kwarto, mabilis akong nag-ninja move patungong banyo. Kahit medyo masakit ang balakang ko at pakiramdam ko ay parang inararo ako ng malala, pinilit ko pa ring maglakad nang mabilis.
First time ko itong maranasan, at sa totoo lang, feeling ko ay magiging baldado ako ng ilang araw.
Nagpasya akong maligo para mahimasmasan. Habang dumadaloy ang tubig, naging magaan ang pakiramdam ko. Pero hindi ko maiwasang mapaisip—paano ko siya pakikiharapan mamaya?
Baka isipin niya ay napaka-easy ko namang babae. Nadala lang naman ako sa bugso ng damdamin, pero habang sinusuri ko ang sarili ko, nakapagtataka na wala akong nararamdamang kahit anong pagsisisi.
Weird.
Pagkatapos maligo, nagsuot lang ako ng isang itim na silk robe. Paglabas ko ng banyo, saktong nandoon na si Euan dala ang tray ng pagkain.
Nakasuot na siya ng kanyang gray sweatpants—na sa totoo lang, mas lalong nagpaka-distracted sa akin.
Mula sa araw na ito, isusumpa ko na ang gray pants niya. Nakakagawa ako ng kasalanan sa isip ko!
"Come here, Arkisha," tawag niya sa akin sabay tapik sa kama matapos niyang ilapag ang pagkain sa maliit na mesa.
Sumampa ako at tumabi sa kanya. Nang iabot niya sa akin ang kubyertos, biglang nag-protesta ang tiyan ko. Ang bango ng inihanda niya, at dahil gutom na gutom na ako, parang gusto ko nang ubusin lahat 'yon.
"Tumawag ang Mommy mo kanina while I was cooking. She asked me what you were doing right now. Sinabi ko na nagkukulong ka sa kwarto at ayaw mo akong kausapin," kaswal niyang kwento.
"Angas ah? Kailan ka pa nagsimulang magsinungaling sa magulang ko?"
"Ngayon lang. Kumain ka na," utos niya na parang pinapagalitan ang isang paslit.
"Hindi ka kakain?" tanong ko habang nagsisimulang sumubo.
Napakurap si Euan at tinitigan ako nang diretso. Ang sumunod niyang sinabi ang halos magpabulon sa akin.
"Nah. I'm still full from what happened earlier—aww!"
Hindi ko na napigilan at hinampas ko ng kutsara ang pisngi niya. "Ayusin mo yang sagot mo sa akin kung ayaw mong ipalamon ko sa'yo itong mesa at mga plato!"
Muling sumabog ang tawa niya, at may kung anong kakaibang kiliti 'yong hatid sa puso ko.
"Hindi ka na mabiro. Syempre kakain ako. Sa dami niyan, sa tingin mo mauubos mo 'yan mag-isa?"
Inirapan ko lang siya. "Kumain ka na lang!"
Nagkibit-balikat siya at kumuha na rin ng kubyertos para sabayan ako. Marunong talagang magluto si Euan dahil tinuruan siya ng mga magulang niya; wala kasi silang kasambahay sa bahay, puro butlers at bodyguards lang ng Daddy niya.
Samantalang ako? Wala akong interes sa kusina. Ang tanging alam ko lang ay ang kumain at mag-enjoy sa luto ng iba.
Nang matapos kaming kumain, iniligpit na ni Euan ang pinagkainan namin.
Nang tumayo ako mula sa kama, doon ko lang napansin ang isang matingkad na pulang marka sa puting sapin.
My virginity.
Tuluyan na ngang nawala, at kay Euan ko pa talaga naibigay.
Napailing na lang ako at mabilis na naghanap ng bagong kobre-kama para palitan ang madumi. Nang makabalik si Euan, maayos na ang lahat at tila wala lang sa kanya ang nakita ko.
Malamang sanay na iyan siya na makakuha ng virgin na babae.
Parang may kumirot sa puso ko dahil sa isiping iyon ngunit iwinaksi ko na lamang.
Dumiretso siya sa banyo nang walang imik, at narinig ko na lang ang pagbukas ng shower. Napabuga ako ng hangin at pumasok sa walk-in closet para maghanap ng matinong pambahay.
Sakto namang paglabas ko, lumabas din siya ng banyo—na walang suot kahit na ano. As in, zero.
"Hoy! May tuwalya ka naman, bakit naglalakad kang nakahubad?!" singhal ko habang mabilis na nag-iwas ng tingin.
Umigkas ang isang kilay niya at walang kaabog-abog na pumamewang sa harap ko. "Nakita mo na rin naman ito, bakit pa ako mahihiya? At isa pa, magiging mag-asawa na rin tayo kaya masanay ka na."
"Kapal ng mukha mo!"
"Huwag mong kakalimutan na pumayag ka na sa kasalang ito. Kaya tiisin mo ang masarap kong katawan na makikita mo araw-araw—" Bago pa niya matapos ang kayabangan niya, binato ko na siya ng robe na ginamit ko kanina at mabilis na lumabas ng kwarto.
"Bwisit ka!"
Dumiretso ako sa sala at pabagsak na naupo sa mahabang sofa. Binuksan ko ang dambuhalang TV na nakakabit sa pader para lang ma-distract, pero ang bumungad sa akin ay ang news coverage ng anniversary party ng Laxamana Tradings—kung saan inanunsyo ang nalalapit naming kasal.
Napahilamos na naman ako sa mukha. Inilipat ko agad sa Netflix at nagsimulang mag-browse ng movie. Ayokong isipin ang tungkol sa kasal na 'yan, pero parang pinaglalaruan yata ako ng tadhana. Kahit sa mga thumbnails ng movies, puro tungkol sa kasal ang nakikita ko.
Sa sobrang inis, pinatay ko ang TV at padabog na itinapon ang remote sa gilid.
"Hey, huwag mong ibunton ang galit mo sa TV at remote ko. Mahal 'yan," untag ni Euan. Paglingon ko, nakabihis na siya ng pormal at mukhang may lakad.
"Aalis ka?" takang tanong ko.
"I have some business to take care of. So stay here and don't do anything reckless. Hindi ka pwedeng lumabas ng bahay nang hindi ako kasama."
"What? Ikukulong mo ako rito?" bulyaw ko sa kanya.
"Why not? You will be Mrs. Arkisha Mirabella Laxamana-Fierro soon, so act like one. Isa pa, hindi mo naman talaga hilig ang lumabas ng bahay, kaya manatili ka na lang dito."
Aba, ang galing. Ginawa pa akong preso sa sarili niyang pamamahay.
"Tss, fine. Do whatever you like! Mas maigi na ring wala ka sa paningin ko para makapag-isip ako nang maayos!"
"Meron ka ba n'on?" pang-aasar niya.
Aba—gago 'to ah!
"Anong akala mo sa akin, walang laman ang bungo?!" inis na sigaw ko, pero tinawanan lang niya ako.
Lumapit si Euan sa akin, hinawakan ang magkabilang pisngi ko, at walang sabi-sabing ginawaran ako ng isang mabilis pero matamis na halik sa labi.
Nakakarami na talaga siya!
"Stay here and be a good housewife, Arkisha. Gusto ko pag-uwi ko, wala ka nang suot na kahit anong tela sa katawan mo."
"At bakit?!"
"Uh, because I want to have dinner... using your body."
Bago pa ako makapulot ng ibabato sa kanya, mabilis na siyang nakalabas ng pinto, iniwan akong tulala at umuusok ang ilong sa galit at hiya.
Bwisit ka talagang lalaki ka, kahit kailan!