TUMAAS ANG sulok ng labi ni Glaysa nang mapagbuksan ng pinto si Adam. As usual, may dala na naman itong nilutong kung ano. Gabi na. Hindi na siya lumabas at nagpakita dito mula kaninang tanghali. “D-Dinalhan kita ng kaldereta,” anitong hindi makatingin sa kanya. Suot na uli nito ang salamin at bonnet nito. And his mismatch outfit. Ah. Sigurado siyang kanina pa ito urong-sulong sa pagkatok sa kanya, pagkatapos ng nangyari sa swimming pool. Siguradong maraming lakas ng loob ang inipon nito para harapin siya. Niluwagan niya ang pinto. “Come in,” aniya. Iyon ang unang beses na papapasukin niya ito sa unit niya. Pumasok si Adam. “Nice place…” “Thanks. Pakilagay mo na lang sa kusina ‘yan.” Sumunod ito. Pagbalik, hinila ni Glaysa sa

