Nasa loob ako ngayon ng aking opisina. Nag iisip ng mga bagay-bagay tungkol sa mga gagawin about sa project kay mr. Lim.
May kumatok sa transparent door ng aking opisina at kita ko agad ang aking sekretarya na si Sam, atsaka pumasok ito.
Bata pa ang aking secretary, halos ka edaran niya lang ang therapist ng daddy ko na si Xianna.
"Good morning po sir Neil, ito po ung mga documents na kaylangan papirmahan kay mr. Lim mamaya sa meeting."
Ipinatong nito ang tatlong folder sa ibabaw ng desk at tumingin muli sa 'kin.
"Ahhm sir, ready narin po ang mga gagamitin para po sa slide show presentation na ipinahanda niyo po kahapon.
Nasa loob na po ng conference room naka ayos na po lahat, and the meeting will starts at 30 mins. sir."
Nakangiti niyang litanya sa akin at ginantihan korin ng tipid na ngiti.
"Ok magpe prepare na ako, anjan naba ang sir Marcus mo Sam?"
"Wala papo sir, pero nag message po siya na hahabol po siya sa meeting, pagka hatid kay ms. Xianna sa trabaho nito."
Napa isip ako bigla sa mga sinabi ng sekretarya ko na mensahe ni Marcus dito at naging seryoso ang aking mukha at bahagyang salubong ang aking mga kilay.
" Thank you Sam, you may go now, Paki sabi narin sa ibang ka meeting ko i will be late."
Tumango lamang ito at halatang pilit ang ngiti dahil sa nakikitang reaksyon nito sa mukha ko, at saka nagpaalam na lalabas na ng opisina.
Si Marcus Juan ay kaybigan ko mula pa noong 2nd year high school kami.
Matalino ito at business minded, kaya nang ng makapag tapos kami ng kolehiyo sa kursong Architect Engineering ay napag planuhan naming dalawa na mag buo ng team.
Sa bahay namin kami nagta trabaho ng mga design ng bahay, opisina or builduing na ipinapa gawa sa amin ng mga nagiging kliyente namin.
Salamat sa Dios ay naging maayos naman ang team na nabuo namin, hanggang sa lumago ito at nagkaroon kami ng sariling opisina dito sa Alabang.
Pagkalipas ng dalawang taon na pagta trabaho namin as designer at architect... Si Marcus, ay hindi ko alam na nag tayo ng sarili niyang spa.
Sa edad na 27 ay marami na siyang naipu pundar sa sarili niya, kulang nlang sa kaniya ay sariling pamilya.
Nagkakilala kami ni Marcus ay ulila na itong lubos. Namatay ang mga magulang nito sa car accident kaya lumaki ito sa lolo niya.
Parehong sa mga lolo namin nanggaling ang mga perang pinang puhunan namin sa pag a architect.
Siguro si Xianna, yung therapist ni daddy ang pino pormahan nito.
Hindi ako makakapayag na mapunta sa ito sa kaniya.
10 a.m ang meeting namin at natapos ito ng 10 : 45 a.m. Mabilis ko idiniscuss lahat sa client ang project na gusto nilang gawin namin at napirmahan narin ang kontrata.
Minabuti ko na lamang na mag half day ngayon, dahil hindi dumating ang mabait kong kaybigan, at mabigat din ang pakiramdam ko ngayon.
Naisip ko na baka nasa bahay parin siya ni Xianna, kaya ndi siya dumating sa meeting?
"Masyado naman ata siyang nagiging close sa empleyado niyang iyon?
Baka naman may namamagitan sa kanila, nililihim lang nila sa akin? Pero, bakit naman kaylangan pang ilihim sa akin.... Eh halos lahat ng kalokohan niya alam ko!"
Napailing na lamang ako sa aking sarili at napa ngiti. "Bahala na nga sila!" nasabi ko nalang sa aking sarili.
Umuwi na lamang ako sa aming bahay para makapag pahinga, pero bago iyon ay nag leave muna ako ng message kay Xianna,
na kaylangan niyang pumasok ng 6 p.m mamaya para maaga siyang maka-uwi dahil masyado ng delikado ang panahon ngayon, lalo at mag-isa lang siyang umu-uwi.
Hindi kona hinintay ang reply ni Xianna at ako'y nahiga na sa aking malambot na kama, at pakiramdam ko ako'y dinuduyan kaya't hindi ko namalayan na naka tulog na pala ako agad.