Chapter 8

1550 Words
"REA, I didn't know that you and the President knew each other!" hindi makapaniwalang sabi sa kanya ng pinsan. "Huh? What? Nooo!" mariing tanggi niya na sinamahan pa ng pag-iling. Nagugulumihanang bumaling sa kanya si Dan. Lulan sila ng sasakyan nitong Everest. Binabagtas nila ang daan pabalik sa opisina nito. Gladly, the presentation went well. Her anxiety magically vanished into the thin air the moment she began to talk. Irea was reminded of the old days when she still works for M Foods. So far, wala namang gaanong revison sa original na concept ng proposal, mayroon lang iilang detalye na gustong ipadagdag ang kliyente. "We had... ahmm... you know... several 'encounters'. But we do not personally know each other!" paputol-putol na pagpapaliwanag niya dito. She tried to sound natural but the way he grinned means she absolutely failed. "Hmmm... 'Encounters' huh... I see," tatango tango at sa mahabang tinig nitong ulit sa sinabi niya. Amusement is written all over his face. "Hey! It's not what you think it is! I mean, how would we know each other. Isa pa, you know I don't like his kind," she frowned nang maalala niya ang naging reaksiyon ng katawan nung magkamay sila ng binata. Lalo tuloy siyang nakumbinsi na bad news ang ito para sa kanya. "Is he an alien or something!" Napahagalpak ito sa tawa dahil sa sinabi niya. Hindi siya nagkomento pero inirapan niya ito. Aware ito sa 'kondisyon' niya. Isa si Dan sa mga naging sandalan niya nung mga panahong nagmo-move-on siya sa ex niyang si Dave. She never cried in front of Audrey and Athena pero kapag si Dan ang kasama niya hindi niya mapigilan ang pagbalong ng mga luha. Maybe because he's always been a big brother to her. Ganoon din nung mamatay ang mommy niya. Hinayaan lang siya nitong umiyak hangga't mapagod siya. That's how Irea coped up with her broken heart. She stayed at his house for 3 months. "But I think he likes you though. The way the man looks at you. It is so obvious," he said in a matter-of-factly voice. Pinanlakihan niya ito ng mata, "That's absurd! Imagination mo lang yun!" "He was so focused on you the whole time or more like engrossed. Mukhang ngang wala siyang naintindihan at natadaan sa mga sinabi mo eh. Kung lecture lang yun, sigurado zero ang score niya sa quiz!" Nakangising sabi pa nito. Hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ng pinsan. She was so absorbed sa presentation halos hindi niya napansin ito. Panaka nakang napapadako ang tingin niya sa binata. Tila seryoso naman itong nakikinig sa mga paliwanag niya. Minsan ay napapatango-tango pa ito. Nagtaka nga siya kung bakit wala itong tanong nung matapos siya sa pagdi-discuss. "Well, he's not so bad himself. Mayaman, gwapo ng isang paligo sakin at mukha namang mabait. You know that I am a good judge of character, right?" Napabuntong hiningang humalikipkip siya sa sinabi nito. Naalala niya nung ipinakilala niya si Dave dito. Umpisa palang ayaw na nito sa binata. And later on, nung maghiwalay sila nabalitaan niya kay Karina na pinuntahan nito si Dave. Hindi niya alam kung anung nangyari sa pagkikita ng dalawa dahil hindi naman ito nagkuwento sa kanya. "Oo nga pala, may box na dumating galing kay mommy. Kalahati ng laman nun ay sayo." Pag-iiba nito sa topic nila nang mapansin ang pananahimik niya. Dalawang beses sa isang taon kung magpadala ng cargo box ang tiyahin niya na ina ni Dan. "Si Tita talaga nag-abala pa." Paniguradong mga bag, sapatos, pabango at kung anu-ano pang mga gamit na maisipan nitong bilhin ang laman ng box na bigay nito. Hindi siya nauubusan ng mga paborito niyang brand ng pabango dahil tig dalawa o tatlong piraso kung bilhan siya nito. Yung iba nga minsan pinangreregalo niya sa mga kaibigan. Hindi din naman siya nakakalimot dito. She makes sure to send her greeting cards on every special ocassion. Kahit pa sana ok na ang pagtawag o pagpapadala ng mensahe sa cellphone. Alam niyang tuwang tuwa ito dahil kuwento ni Dan panay daw ang bida nito sa kanya sa tuwing natatanggap nito ang pinapadala niya. "Alam mo naman yun pagdating sayo. Nung isang araw nga kinukulit akong kumbinsihin ka para mag-migrate na din." She smiled warmly. Suddenly a twinge of loneliness filled her heart. Namiss niya bigla ang mommy pati na rin ang mga tiyahin niya. Malamlam ang mga matang tumingin ang dalaga sa labas ng bintana ng sasakyan. ‘I'll see you in a day or 2 Ma.’ Hindi napansin ng dalaga ang nag-aalalang mukha ng pinsan nang panandalian itong sumulyap sa kanya. "SOOOO, ano tong nababalitaan kong si Santi ang big fish client ninyong magpinsan! Naku! This is it be beshy, its destiny! Pabook ka na, inaamag na yang keps mo!" punong puno ng intriga at malisyang salubong ni Audrey sa kanya. "Alam mo ikaw kahit kelan yung bunganga mo talaga napaka..." Eksaheradang umikot ang mga mata ng kaibigan. Hindi siya sigurado pero may hinala na siya kung kanino nito nasagap ang chismis na iyon. Walang iba kundi mula sa pinsan niya. Lingid sa kaalaman ng mga ito aware siya na panay ang punta ni Dan sa cafe ng kaibigan. Lalo na kung ito ang bantay sa counter. "Sige na! Spill the beans! Anung nangyari sa muli ninyong pagkikita? Busy naman pala kaya hindi pa nagawi sa café. Muntik nang mamuti ang mata ko sa kaka-antay sa kanya," pahayag nito. Kunwa'y hindi niya ito narinig. Ipinagpatuloy niya ang pag-aayos ng gamit pagkatapos ay isinukbit niya sa likod ang dala-dalang backpack. She's done with the revision of the the proposal for the hotel. All of a sudden gusto niyang mag-unwind kaya inaya niya ang kaibigan para magsunrise hike. Dahil biglaan lang ito napili nilang puntahan ang pinamalapit na spot mula sa Metro. "Ay grabe siya wala man lang pa-update. O diba sabi ko sayo mayaman siya. Perfect!" talak nito nang magsimula siyang maglakad. "Bilisan mo kayang maglakad, bahala ka pag naiwanan ka diyan," pagmamadali niya dito. Patungo sila sa base camp kung saan magpapalipas sila ng gabi. Nakaset silang umakyat ng alas kwatro ng madaling araw. Ayon sa isa sa mga guide aabutin sila ng 30-45 mins sa paglalakad upang maabot ang peak kung saan ang perfect spot para makita ang pagsikat ng araw. "Sige ganyan ka. Hindi ka na nagse-share sakin," turan nito na may halong paghihinampo ang tinig. Marahas niya itong nilingon, "There is nothing to share kasi wala namang nangyari, nangyayari at lalong walang mangyayari." Mabuti nalang at nauna na ang iba nilang kasama sa hiking. Her patience is thining. Kaya niya naisip ang biglaang lakad na ito ay para sandaling kalimutan ang mga bagay-bagay na gumugulo sa isip niya. At isa na doon ang binata. Pero heto ang kaibigan niyang mahadera na walang humpay ang pangungulit at pagpapa-alala sa kanya. ‘Sana hindi ko nalang isinama ang bruhang to!’ Nagsisising sabi niya sa sarili. "Beshy habang tumatagal, yung kasungitan mo palala na nang palala. Kailangan mo na talaga ng gamot." Gusto na niya hilahin ang buhok nito. Kung pwede lang niyang tiklupin ito at ilagay sa loob ng camping bag niya para manahimik na ay gagawin niya. Kinalma niya ang sarili. Ilang taon na din silang magkaibigan. Sanay na siya sa matabil na bunganga nito. But sometimes she just gets into her nerves kagaya ngayon. Tipikal na matanong ang kaibigan. Ang tanging solusiyon lang para magtigil ito ay ang sagutin niya ang bawat tanong nito. Alam niya ang dahilan kung bakit walang habas ito kung mangulit sa kanya. Subalit ngayon mas gusto niyang manahimik. As much as possible she doesn't want to dwell on futile things. There are things that she wants to keep locked away from the corners of her mind. Lately, shes's pretty shaken up with the turn of events at ang salarin ay walang iba kundi si Jacob Santiago Villamar. AS their meetings became frequent, she began to feel more self-conscious each time. She would catch him staring at her intently lalo na tuwing nagsasalita siya. It's only natural to look at someone who is talking pero iba ang pakiramdam niya sa mga titig ng binata. And he would flash his charming smile whenever he catches her secretly glaring at him. And with those gestures, uncharted emotions are being unveiled right before her eyes. "Haaaaaah..." hindi namalayan ng dalaga na napalakas ang kanyang buntong hininga. Napatakip siya ng bibig. ‘Tch!’ Pag narinig siya ng kaibigan ay siguradong mag-uumpisa na naman ito sa pamemeste sa kanya. "Hey, what was that?" biglang napalingon sa kanya si Audrey na noo'y isang dipa lang ang layo. "Wala, napahikab lang ako," paiwas ang tinging sagot niya dito at kunwa'y kinusot kusot niya ang kanyang mga mata. Tanaw na niya ang base camp. Pagdating nila doon ay magse-set-up sila ng kanya kanyang tent para maging tulugan mamayang gabi. Isa sa mga guide nila ang nakatoka sa pagluluto kaya balak niyang maglibot libot sa paligid ng camp bago sila maghapunan. Sinimangutan siya nito. "Alright, I'll declare a truce for now. Pero ihanda mo ang sarili mo pagbalik natin. Kada tanong na mali or walang sagot isang kurot ng nail cutter ang parusa!" Dahil sa narinig niyang sinabi nito parang gusto na niyang magpa-iwan bukas pag narating nila ang peak. 'Bruha ka talaga Audrey!’ To be continued ....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD