Chapter 10

1477 Words
HABANG nagbibihis ay hindi malaman ng dalaga kung anu isusuot niya. Nasanay siya na sa opisina lang sila nagmi-meeting kaya simpleng corporate blouse at skirt o di kaya'y slacks lang ang get up niya. Pero ngayon nahihirapan siyang mamili ng susuotin. ‘I should have bought some more decent clothes,’ paninisi niya sa sarili. Simula kasi nuong hindi na siya pumapasok sa opisina ay binawasan na din niya ang pagbili ng mga office attire. More on casual shirts and pants nalang ang mga binibili niya. Minsan namimili din siya ng dress kapag may nagustuhan siya. Pinasadahan niya ng tingin ang mga damit na laman ng kanyang closet. Ayaw naman niyang magmukhang alanganin sa lugar na pupuntahan. Pugad ito ng mga indibduwal na nabibilang sa 1% ng society. She's not trying to climb the ladder pero ayaw din naman niyang magmukhang awkward kapag naitabi siya sa mga ito. ‘Should I call Audrey?’ Naglalaban ang loob niya. Half of her wants to call for help. But half of her says don't. Lalo na kay Audrey pa. Paniguradong hindi na naman siya nito titigilan sa katatanong pag nagkataon. Bigla niya tuloy namiss si Athena. Ito ang kaibigan niyang fashion guru. Naalala niya ang mukha ng kaibigan nang makita nito ang cabinet niya na naglalaman ng mga gamit at damit na padala ng Tita Celia niya. Napapitik siya sa hangin. Speaking of which may secret weapon pa pala siya. Pagbukas niya ng pinto ng cabinet kung saan nakalagay ang mga imported na damit na padala ng tiyahin. Tumambad sa dalaga ang mga sosyal at mamahalin na damit. Pati na din ang mga sapatos at mga bag. Nakatago lamang ang mga ito sa kabilang bahagi ng kanyang closet. Kuntento na siya sa mga local brands, dati nga nakahiligan pa niya ang pag-uukay. Hindi din naman siya mahilig sa mga mamahaling gamit that's why she never thought to have the need to wear them. Subalit sa sitwasyon niya ngayon mukhang kakailanganin niya ang mga ito. Isa-isa niyang ininspeksyon ang mga ito. What the! Lalo siyang nawalan ng ideya kung ano ba dapat ang isusuot. Napabuntong hininga ang dalaga. Lumala tuloy ang sakit ng ulo niya. "MANONG sa Arredondo Street po tayo. Pakibaba ako malapit sa building ng F Advertising." Pagbibigay niya ng direksyon sa taxi driver. Gaya ng napag-usapan nila ng pinsan ay dadaan muna siya sa opisina para kuhanin ang mga print outs bago tumuloy sa venue ng meeting. Napansin niyang panay ang sulyap ng driver sa rear-view mirror habang nagmamaneho ito. Nasa mga mata nito na tila ay may gusto itong sabihin. "Bakit po Manong? May sasabihin po kayo?" alanganing tanong niya dito. Hindi siya nakatiis. Nag-alala siyang baka mabangga sila dahil sa kakasulyap nito sa salamin. "Ay, wala po Ma'am. Iniisip ko kasi kung saang teleserye ko kayo napanood," nahihiyang sumagot ito sa kanya at napakamot pa sa ulo. Pinamulaan siya ng mukha. Na-concious tuloy siya sa tinuran ng driver. ‘My God! Did I over do it!?’ napatanong tuloy siya sa sarili. Nginitian nalang niya ang driver. "Ma'am artista po ba kayo sa KBC? Wala kasi akong maalala na napanood ko kayo sa ARN Channel eh," kahit na nahihiya ay naglakas loob na nagtanong ito. Muli niya itong nginitian, "Hindi po manong. Sa opisina lang po ako nagtatrabaho," iiling iling na sumagot siya dito. "Naku! Ganun ba Ma'am! Akala ko artista kayo. Napakaganda niyo kasi. Pag nag-audition ka Ma'am tiyak magiging sikat ka!" walang habas na papuri nito sa kanya. Kahit hindi siya tumingin sa salamin alam niyang pulang pula ang mukha niya. Hindi naman bago sa kanya ang mga katagang iyon. Dahil mula pagkabata ay madalas na siyang mapagkamalang artista. Marahil ay dahil sa hazel brown na kulay ng kanyang mga mata. Kung ikukompara sa karamihan ay hindi pangkaraniwan ang kulay ng mga ito. Noong bata siya ay natanong na niya ang kanyang Mommy kung foreigner ba ang kanyang ama. Iyon kasi ang madalas na itanong sa kanya. Ngumiti lang ito ng mapait at sinabing hindi. Her eyes reflected deep sadness. Mula noon ay hindi na siya nagtanong pa ng kahit ano tungkol sa ama. Pagkatapos magbayad ay nagpasalamat si Irea sa driver nang makarating sila sa destinasyon niya. Pinagbuksan pa siya nito ng pinto. Pagkatapos ay kinumbinsi siya ulit nitong mag-audition para maging artista, "Magiging number 1 fan mo ako Ma'am!" nagmamalaking sabi pa nito. Tinawanan lang niya ito saka siya nagpaalam. Mas lalo tuloy siyang naconcious dahil nginingitian siya ng bawat taong nakakasalubong niya. Kahit hindi sanay ay ginagantian nalang din niya ang mga ito ng ngiti. Nakahinga siya ng maluwag nang makarating siya sa tapat mismo ng building ng opisina ng pinsan. Magalang na ngumiti sa kanya ang guard na nakaduty. "Good morning, Ma'am. Napakaganda niyo po ngayon," nakangiting bati nito sa kanya. Kunwa'y inirapan niya ito, "Sus! Mang Freddie malayo pa ang pasko pero sinisigurado mo na yung aguinaldo mo sakin ha," biro niya dito. "Totoo Ma'am! Mukha kayong artista sa ayos at suot ninyo," pangalawang beses na niyang narinig ang mga katagang iyon sa loob lang ng isang araw. Tinawanan niya lang ito. Pagpasok niya ng building ay nagliwanag ang mukha ng lahat nang nadoon. ‘Matutunaw na talaga ako sa hiya!’ Nadagdagan pa ang mga papuring natanggap niya mula sa mga tao sa opisina. Hindi na niya mabilang kung ilang beses niyang narinig na mukha siyang artista. At dahil ayaw na niyang 'mabugbog' pa sa mga papuri naisipan nalang niyang magdrive papunta sa hotel. Mabuti nalang at iniwan ni Daniel ang susi ng sasakyan nito sa receptionist. Nag-offer ang isa sa mga empleyado nito na ipagmaneho siya ngunit tinaggihan ito ng dalaga. Balak kasi niyang dumiretso sa apartment niya pagkatapos ng meeting. Papadaanan na lamang niya sa pinsan ang saksakyan nito kapag nakabalik na ito galing ng Singapore. HINDI mapakali si Santi sa napipintong pagkikita nila ng dalaga. He didn't give a damn on how his subordinates looked at him like he had 3 eyes. Wala siyang pakialam sa mga bulungan at side glances ng mga ito kapag nadadaan o nakakasalubong niya ang mga ito. ‘This is going to be the best day of his life!’ He thounght. Malapad ang ngiti niyang umupo sa kanyang executive chair. Sinipat niya ang relo. Alas-diyes palang ng umaga pero natapos na niya lahat ng mga dokumento na dapat pirmahan. Binulabog niya ang buong secretarial team niya upang isort out ang mga ito. He made sure to finish all the things that needs immediate attention. And he left the rest for tomorrow. He strictly briefed his team to clear his schedule for the rest of the day. Pinatawagan niya sa mga ito ang lahat ng nasa listahan para sa afternoon meeting niya upang ipagbigay alam na nalipat ang date at oras ng appointment ng mga ito. Kahit ang mga miyembro ng board ay hindi nakaalma sa pagbabago niya ng schedule sa araw na iyon. Narinig niyang panay ang hingi ng sorry nga mga ito habang kausap ang mga noo'y dapat kameeting niya. And just like that he's free for the whole day! ‘Ah, perks of being the President it is,’ he muttered with a satisfied grin. "You're that happy to fool around?" boses ito ng PA/secretary niya. Hindi niya napansing nakapasok na pala ito sa loob ng opisina niya. Mula kaninang malaman nito na ipinalipat niya ang venue ng meeting at nagpa-clear siya ng schedule ay hindi na siya tinigilan nito sa pamemeste. He smiled at him heartily na lalo namang ikilukot ng mukha nito. "Who says I'm fooling around? I'm going on a meeting with my lady," he said proudly. He made sure to emphasize the last 2 words of his statement. He's aware that he is acting bit childish at the moment but, he can't help it. It's fun to see his annoyed face. At isa pa he really feels good right now. "Kapag yung kontrata nawala sa kanila. You know who's to be blamed. I gave you my warning pero hindi ka nakinig," anito na may halong paninisi ang boses. Itinaas pa nito ang dalawang kamay na tanda ng pagsuko nito sa katigasan ng ulo niya. "Nah, don't worry my friend I will make sure that it will never happen. Itaga mo yan sa bato," paninigurado niya sabi dito. Noo'y tumayo siya para kunin ang nakasabit na coat. Pagkatapos niyang isuot ito at ayusin ang necktie hiningi niya ang susi ng kanyang sasakyan kay Rueben. "I'll drive you there," sabi nito sa kanya. "There's no need. Sisirain mo lang ang araw ko," he retorted. He then reluctantly gave him they key. Konting konti nalang at gusto na talaga niyang bigwasan ito. By 10:30, nagpaalam na siya sa kanyang team at sinabihan niyang umuwi ang mga ito nang maaga. Nagtataka man ay napahiyaw ang mga ito sa tuwa. Pasipol sipol pa siyang lumabas mula sa kanyang opisina. To be continued....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD