RAMDAM na ni Irea ang epekto ng kanyang iniinom. Hindi na niya mapigilan ang pamumungay ng mga mata. Muling niyang nginitian ang binata nang mapansin niyang mataman siya nitong inoobserbahan. "What? Stop looking at me like that!" puna niya dito. "Like what?" "I'm not drunk. Tipsy maybe but not drunk," aniya na ikinumpas pa ang isang kamay. "Yeah, that's typically what drunk people say." "Swear, I'm not," itinaas pa niya ang kanang kamay na tila nagpapanata. Tinawanan lang siya ni Santi. Ngumuso naman ang dalaga sa naging turan nito. "Mabalik tayo sa usapan. Anu na? Ilan na ang pinaiyak mo?" pangungulit ni Irea sa kanya. "I told you, wala akong pinaiyak na babae," "Ok, let me rephrase it. Ilan na ang napaiyak dah

