NANGHIHINGI ng tulong na tumingin siya sa ama. Sinenyasan niyang tangayin na nito palabas ang ina. Ang buong akala naman ng binata ay naintindihan siya nito, ngunit gulantang siya nang maglakad ito patungo sa sofa at umupo doon. Kinakatakutan ang dad niya sa business world dahil malupit ito. Hindi ito basta basta tumatanggap ng investor kahit mapera pa. Mas mahalaga dito ang magiging kridebilidad ng partnership at syempre ng negosyo. Pero pagdating sa mommy niya tiklop ang mga tuhod nito. Wala siyang choice kundi ang lapitan si Irea at mommy niya. Narinig niyang iniimbitahan na ng mommy niya ang dalaga sa kanilang bahay. Ang kawawang si Irea puro tango at ngiti lang ang sagot sa ginang. “Hija, I didn’t get your name?” untag ng ginang. “Irea Sandoval po,” alanganin

